Pumunta sa nilalaman

Closet

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang closet

Ang closet (lalo na sa gamit sa Hilagang Amerika) ay isang nakalakip na espasyo na maliit, at hindi mas lalaki sa isang garahe o silong. Upang masabi ito, ang closet sa Hilagang Amerika ay kasing liit lamang ng aparador at hindi na mas lalaki rito. Hindi maituturing bilang isang closet ang attic (kuwartong nasa pagitan ng kisame at ng bubungan), silong at garahe.

Ang mga closet ngayon ay maaaring sadyang nakadikit sa pader ng bahay upang hindi ito masyadong sumakop ng espasyo. Ang ibang closet naman ay maari ring nakatayo sa sarili na madalas ginagamit bilang taguan ng mga damit. Ang tawag na rito ay aparador o armoire sa Italia.

Sa dating kontekstong sa panahon ni Elizabeth sa Gitnang Ingles, ang closet ay nangangahulugan na isang malaking silid kung saan maaaring umupo at magbasa, ngunit ngayon, ito ay isang maliit na silid lamang. Sa India, ang ibig sabihin ng closet ay kubeta, na maaaring nanggaling sa Ingles na salitang water closet, o palikurang gumagamit ng tubig. Sa Pilipinas, maaring tumukoy ang closet sa aparador o maliit na silid.