Pumunta sa nilalaman

Bitak ng katawan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Coelom)
Larawan ng mga bitak sa loob ng katawan ng tao - ang dorsal (pangharapan) na bitak ng katawan ay nasa kaliwa, habang ang bentral o panlikod na bitak ng katawan ay nasa kanan.

Sa pinakamalawak na kahulugan, ang isang bitak sa loob ng katawan na tinatawag ding uka sa loob ng katawan, hukay sa loob ng katawan, o puwang sa loob ng katawan (Ingles: body cavity) ay ang anumang espasyo o butas na mayroong lamang pluwido na nasa loob ng isang organismong multiselular (organismong mayroong maraming mga selula). Subalit, ang kataga ay karaniwang tumutukoy sa puwang na nakalagay sa pagitan ng isang panlabas na takip (epidermis) ng isang hayop, at sa panlabas na sapin ng puwang na pambituka (puwang na kinalalagyan ng mga bituka), kung saan umuunlad ang mga organong panloob. Ang butas sa loob ng katawan ng tao ay normal na tumutukoy sa bentral na puwang sa loob ng katawan, dahil sa ito ang pinakamalaki ayon sa bulto.

Ang uri ng bitak sa katawan ay naglalagay ng isang organismo sa isa sa tatlong mga pangkat:[1]

  • Ang mga Coelomate o Coelomata (na nakikilala rin bilang mga eucoelomate — "tunay na coelom"), na mayroong bitak sa katawan ng puno ng pluwido na tinatawag na coelom (play /ˈsləm/) na mayroong sapin na tinatawag na peritoneum na hinango mula sa mesoderm (isa sa tatlong mga pangunahing mga patong ng tisyu). Ang kumpletong sapin ng mesoderm ay nagpapahintulot sa mga organo na maging nakakabit sa bawat isa upang bumitin sila sa isang partikular na pagkakaayos habang nakagagalaw pa rin nang malaya sa loob ng uka. Karamihan sa mga hayop na bilateral (mayroong dalawang mga gilid), kasama na ang lahat ng mga bertebrado, ay mga coelomate.
  • Ang mga hayop na Pseudocoelomate, na mayroong isang pseudocoel (literal na "hindi tunay na bitak" o "pekeng puwang"), na isang talagang nanunungkulang butas ng katawan. Ang tisyu na hinango magmula sa mesoderm ay bahagi lamang ang pagsapin sa bitak ng katawan na puno ng pluwido ng mga hayop na ito. Kung kaya't bagamang ang mga organo ay maluwag na nananatili sa kanilang mga lugar, hindi sila kasing maayos kung ihahambing sa mga coelomate. Ang lahat ng mga pseudocoelomate ay mga protostome; suablit, hindi lahat ng mga protostome o protostomo ay mga pseudocoelomate. Ang isang halimbawa ng isang Pseudocoelomate ay ang bulating bilog. Ang mga hayop na Pseudocoelomate ay tinutukoy din bilang mga Hemocoel at bilang mga Blastocoelomate.
  • Ang mga hayop na Acoelomate, katulad ng mga bulating sapad, ay sadyang wala talagng mga uka sa loob ng katawan. Ang mga organo ay tuwirang nakaugnay sa epithelium. Ang mga tisyung mesedermal na semisolido (bahagyang solido at bahagyang hindi) na nasa pagitan ng bituka at ng pader ng katawan ang nagpapanatili ng mga organo sa kani-kanilang mga dapat kalagyan.

Ang isang coelom ay isang bitak na naguguhitan o nasasapinan ng isang epitelyum na hinango magmula sa mesoderm. Ang mga organong nabuo sa loob ng isang coelom ay malayang nakakagalaw, lumaki, at umunlad na nagsasarili at hindi sumasalalay sa dingding ng katawan habang ang pluwido ay nagsisilbing parang kutson at pananggalang ng mga ito mula sa mga pagbangga o pag-umpog.

Ang mga arthropod at mga moluska ay mayroong mas maliit (ngunit tunay pa rin) na coelom. Ang kanilang pangunahing bitak sa katawan ay ang hemocoel ng isang bukas na sistemang sirkulatoryo (bukas na sistemang pangsirkulasyon).

Ang mga embriyo ng mamalya ay nagpapaunlad ng dalawang mga bitak na nauukol sa coelom: ang coelom na intraembriyoniko at ang coelom na ekstraembriyoniko (o bitak na koryoniko). Ang coelom na intraembriyoniko (nasa loob ng embriyo) is naguguhitan o nalalatagan ng mga patagilid (lateral) na tapyas ng mesoderm na somatiko at splanchnic, habang ang coelom na ekstraembriyoniko (nasa labas ng embriyo) ay naguguhitan ng mesoderm na ekstraembriyoniko. Ang coelom na intraembriyoniko ay ang tanging puwang na nagpapatuloy na umiral sa mamalya kapag kabuwanan na ng pagluluwal; ito ang dahilan kung bakit ang pangalan nito ay madalas na pinapaiksi upang maging payak na coelomic cavity ("puwang na coelomiko"). Ang paghahati-hati ng puwang coelomiko upang maging mga kompartmento (mga kabahaging pitak) ay nakapagpapapayak ng pagtalakay sa mga anatomiya ng mas masalimuot na mga hayop (mga hayop na may kumplikadong mga anatomiya); isang halimbawa ng mga pitak na ito ay ang pitak na perikardiyal / perikardiyum (pitak na pampuso), ang pitak kung saan umuunlad at lumalaki ang organong puso.

Ang pagbuo ng coelom ay nagsisimula sa yugto ng gastrula. Ang umuunlad o lumalaking tubong pangdihestibo ng isang embriyo ay bumubuo ng isang "bulag" na buslo na tinatawag na archenteron.

Sa mga protostome, ang coelom ay nabubuo sa pamamagitan ng isang prosesong tinatawag na schizoecely. Unang nabubuo ang archenteron, at ang mesoderm ay nahahati sa dalawang mga patong: ang una ay kumakabit sa pader ng katawan o ectoderm, na bumubuo sa patong na parietal at ang pangalawa ay papalibot sa endoderm na bubuo sa patong na biseral o kanal na alimentaryo. Ang puwang o espasyo sa pagitan ng patong na parietal at ng patong na biseral ay ang tinatawag na coelom o bitak sa loob ng katawan.

Sa mga deuterostome, ang coelom ay nabubuo sa pamamagitan ng enterocoely: umuusbong ang mesoderm magmula sa mga dingding ng archenteron, at nagiging isang hukay o nawawalan ng laman (hungkag) upang maging mga bitak na nauukol sa coelom (coelomic).

Mga pinagmulan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Hindi natitiyak ang pinagmulan ng coelom. Ang hayop na pinakamatandang nalalaman na mayroong isang puwang sa loob ng katawan ay ang Vernanimalcula.

Ang pangkasalukuyang mga teoriyang pang-ebolusyon ay ang mga sumusunod:

  • Ang teoriya ng acoelomate
    • Umunlad ang coelom magmula sa ninunong acoelomate.
  • Ang teoriya ng enterocoel
    • Umunlad ang coelom magmula sa mga supot na gastriko ng mga ninunong cnidariano
    • Sinusuportahan ng pananaliksik hinggil sa mga bulating sapad at maliliit na mga bulating kamakailan lamang natuklasan na nasa loob ng mga fauna na pangdagat[2]

Sa ilang mga protostoma, ang blastocoele na embriyoniko ay patuloy na umiiral bilang isang puwang na pangkatawan. Ang mga protostome o protostomang ito ay mayroong isang pangunahing puwang sa loob ng katawan na puno ng pluwido na hindi naguguhitan ng patong o bahagiang naguguhitan ng sapin na tisyung hinango magmula sa mesoderm. Ang espasyong ito na puno ng pluwido na nakapaligid sa panloob na mga organo (mga laman-loob) ay naglilingkod upang magsagawa ng ilang mga tungkulin, katulad ng pagpapamudmod ng mga nutriyente (mga sustansiya) at pagtatanggal ng mga dumi o pagsuporta sa katawan bilang isang kalansay na hidrostatiko (balangkas na hidrostatiko).

Mga pseudocoelomate

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang Pseudocoelomate ay hindi na itinuturing bilang isang katanggap-tanggap na pangkat na pangtaksonomiya, dahil hindi ito monopiletiko. Subalit, ginagamit pa rin ito bilang isang katagang panglarawan (deskriptibo).

Ang pseudocoelomate ay ang anumang hayop na imbertebrado na mayroong isang katawan na may tatlong mga patong at isang pseudocoel. Ang coelom ay sadyang nawala o nabawasan bilang resulta ng mga mutasyon sa ilang mga uri ng gene na nakaapekto sa maagang pag-unlad. Kung kaya't ang mga pseudocoelomate ay umunlad magmula sa mga coelomate.[3]

Mahahalagang mga katangian:

  • wala itong baskular na sistemang pandugo
    • ang dipusyon at osmosis ang nagpapakalat at nagpapaikot ng mga nutriyente at ng mga produktong dumi sa buong paligid ng katawan.
  • wala itong kalansay
    • ang presyong hidrostatiko ang nagbibigay sa katawan ng isang balangkas na pangsuporta na gumaganaw bilang isang kalansay.
  • walang segmentasyon (hindi segmentado)
  • pader ng katawan
    • epidermis at masel
    • madalas na syncytial
    • karaniwang natatakpan ng isang kiyutikel na nasipsip (secreted cuticle)
  • ang karamihan ay mikroskopiko
  • mga parasito ng halos bawat isang anyo ng buhay (bagaman ang ilan ay namumuhay nang malaya)
  • eutely sa ilan
  • nawala ang yugto ng pagkalarba sa ilan
  • maaari ang pedomorpismo

Mga halimbawa ng mga pseudocoelomate

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Walang coelom (Acoelomate)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pagkawala o ang kakulangan ng isang butas ng katawan na puno ng pluwido ay naghaharap ng ilang seryosong mga kawalan ng kapakinabangan. Hindi natitipi ang mga pluwido, habang ang mga tisyung nakapaligid sa mga organo ng mga hayop na ito ay mapipisa. Kung gayon, ang mga organong acoelomate ay hindi napuprutektahan laban sa mga puwersang nakadiriin o nakapipitpit na inilalapat sa panlabas na kalatagan ng hayop.

Ang mga organismong nagpapakita ng pormasyon o pagbuo ng acoelomate ay kinabibilangan ng mga platyhelminthe (mga bulating sapad, mga bulating sintas), ang mga cnidariano (mga isdang halaya at mga kaanib nito), at ang mga ctenophore (mga [[comb jelly|halayang suklay). Ang coelom ay maaaring gamitin para sa pagpapalupana o pagpapakalat na pasabog ng mga gas at mga metabolite atbp. Ang mga nilikhang ito ay walang ganitong pangangailangan, dahil sa ang lawak ng pook ng kalatagan na katumbas ng bolumen ay may sapat na kalakihan upang makapagpahintulot ng pagsipsip ng mga nutriyente at pagpapalitan ng mga gas na natutupad sa pamamagitan lamang ng dipusyon, dahil sa pagiging sapad na dorso-bentral (ng likod at ng harapan)

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Animals III — Pseudocoelomates and Protostome Coelomates". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-04-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "coelom"
  3. Evers, Christine A., Lisa Starr. Biology:Concepts and Applications. 6th ed. United States:Thomson, 2006. ISBN 0-534-46224-3.

Mga kawing na panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]