Colgate
Ang Colgate ay isang pamilya ng mga tatak na pangunahing ginagamit sa mga produktong may kaugnayan sa kalinisan ng bibig tulad ng toothpaste, sipilyo, mouthwash, at dental floss na ginawa ng Amerikanong konglomerateng Colgate-Palmolive. Unang binenta ang mga produktong Colgate noong 1873, labing-anim na taon pagkatapos ng pagkamatay ni William Colgate, ang tagapagtatag nito. Orihinal na nagtitinda ang kompanya ng sabon.
Sang-ayon sa ulat ng 2015 ng Kantar Worldpanel, isang kompanyang nanaliksik ng merkado, ang Colgate lamang ang tatak sa buong mundo na binibili ng higit sa kalahati ng kabahayan sa buong sanlibutan.[1] Mayroon ang Colgate ng pandaigdigang pagpasok sa merkado ng 67.7% at pandaigdigang bahagi sa merkado ng 45%.[2] Sa kabila nito, napanatili nito ang pinakamataas na tulin ng paglago ng lahat na mga tatak sa nasiyasat, na may 40 milyong kabahayan ang bumibili ng produktong Colgate noong 2014.[3] Ang pandaigdigang pagpasok sa merkado nito ay halos 50%; mas mataas sa ikalawang puwestong tatak sa pag-aaral, ang Coca-Cola na may 43.3% na pagpasok.
Sa Pilipinas, ang paggamit ng katawagang colgate ay kasingkahulugan ng toothpaste.[4]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Colgate bought by over half of the world's households - Global site - Kantar Worldpanel". www.kantarworldpanel.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong Enero 12, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Colgate-Palmolive Company 2015 Annual Report" (PDF) (sa wikang Ingles). The Colgate-Palmolive Company. Nakuha noong Enero 12, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Brand Footprint". www.brandfootprint-ranking.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong Enero 12, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Most Pinoys go for trusted brands, not cheap alternatives". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 2012-07-12. Nakuha noong 2019-07-10.
{{cite web}}
: Cite has empty unknown parameter:|dead-url=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)