Comic Sans

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ispesimen ng Comic Sans

Ang Comic Sans MS (o Comic Sans) ay isang impormal na estilo ng pagkakatitik na inihalinsunod sa mga panitik na ginamit sa mga komiks na Amerikano sa ilang nagdaang dekada. Ang “Sans” ay pinaikling salita para sa “sans-serif”. Ang modernong Comic Sans ay dinisenyo ni Vincent Connare at inilabas noong taong 1994 ng Microsoft Corporation. Ito ay nauuri na di-pormal, magkakahiwalay na pagnitik, at dinisenyo upang gayahin ang makasaysayang hitsura ng pagsusulat sa comic book at para sa paggamit sa mga impormal na dokumento.

Ang pagtitik na ito ay kasama na sa Microsoft Windows mula pa noong ipinakilala ang Windows 95, sa una bilang isang pandagdag na font sa Windows Plus Pack at kalaunan sa Microsoft Comic Chat. Ang malawakang paggamit ng panitik na ito, kadalasan sa mga sitwasyon na kung saan hindi ito ay inilaan, ay napintasan na.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Sinabi ng tiga-dibuho ng Microsoft na si Vincent Connare na sinimulan niya ang paggawa sa Comic Sans noong Oktubre 1994. Nakapaglikha na si Connare ng ilang mga pang-batang font para sa iba’t ibang gamit, kaya noong nakita niya ang isang beta version ng Microsoft Bob na gumagamit ng Times New Roman sa mga lobong pang salita ng mga cartoon character, nagpasya siyang gumawa ng isang bagong panitik na nakabatay sa estilo ng pagsulat ng mga Comic Book na mayroon siya sa kanyang opisina, partikular na ang “The Dark Knight Returns” (niletrahan ni John Costanza) at Watchmen (niletrahan ni Dave Gibbons).

Huli na nang natapos nya ang panitik para makasama sa MS Bob, ngunit sinimulan pa rin itong gamitin ng mga tiga-programa ng Microsoft 3D Movie Maker, na gumagamit din ng mga gabay sa cartoon at bulang pangsalita. Sa huli ito ang naging tunay na boses, ngunit nanatili ang Comic Sans para sa mga pop-up window ng mga programa at mga bahaging pangtulong. Ang pagtitik kalaunan ay ipinadala kasama ang Windows 95 Plus! Pack. Pagkatapos ito ay naging isang pirming font para sa OEM version ng Windows 95. At sa wakas, ito ay naging isa sa mga pagpipiliang font sa Microsoft Publisher at Microsoft Internet Explorer. Sa huli, ito ay naging isa sa mga kusang itinalagang panitik para sa Microsoft Publisher at Microsoft Internet Explorer. Ito rin ay ginamit sa Microsoft Comic Chat, na inilabas noong 1996 kasama sa Internet Explorer 3.0.

Pagsalungat[baguhin | baguhin ang batayan]

Isang defibrillator sa Pransiya na may tatak na naka-Comic Sans.

Iniulat ng The Boston Phoenix ang pagkadismaya sa malawakang paggamit ng panitik, lalo na sa hindi akmang gamit nito sa pagsulat ng mga importanteng paksa, na may mga reklamong nakatuon sa kampanyang sinimulan ng dalawang graphic designer mula sa Indianapolis na sina Dave at Holly Combs sa pamamagitan ng kanilang website "Ban Comic Sans". Ang pagkilos na ito ay nabuo nilang dalawa noong taglagas ng 1999 matapos silang pilitin ng isang kliente na gamitin ang Comic Sans sa isang eksibisyon ng museong pambata, at noong mga unang buwan ng 2009, ang kilusan ay naging "stronger more than ever". Ang pangunahing pangangatwiran ng kanilang website ay dahil ang ang panitik ay dapat tumugma ang tono ng kanyang teksto, at na ang panunuya ng Comic Sans ay kadalasang taliwas sa isang seryosong mensahe tulad ng "Do not Enter" na karatula.

Sa pulong ng parlyamento ng modelong kabataan sa Ontario taong 2005, isinama ng New Democratic Party ang sugnay na "Ban the font known as Comic Sans" sa isang pangkalahatang saklaw na panukalang-batas.

Sabi ng comic book artist na si Dave Gibbons, na isa sa kanyang mga likha ay naging inspirasyon para sa panitik, na "it was a shame they couldn't have used just the original font, because [Comic Sans] is a real mess. I think it's a particularly ugly letter form." (Nakalulungkot na hindi na lang nila ginamit ang orihinal na panitik dahil [Comic sans] ay tunay na magulo. Sa tingin ko ito ay isang partikular na pangit na anyo ng pagtitik.)

Ang "I'm Comic Sans, Asshole" ay ang galit na monologo ni Mike Lacher sa boses ng Comic Sans na sumasagot sa pamimintas na ibinabato dito ("You think I'm pedestrian and tacky? Guess the fuck what, Picasso. We don't all have seventy-three weights of stick-up-my-ass Helvetica sitting on our seventeen-inch MacBook Pros. Sorry the entire world can’t all be done in stark Eurotrash Swiss type") ay hinango bulang isang animated na maikling pelikula noong 2011 ni Joe Hollier.

Mga tanyag na paggamit[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Sa simulation video game ng buhay na The Sims at mga expansion nito, ang Comic Sans ay ginamit sa halos lahat ng teksto sa laro. Tinanggal ang paggamit sa nito sa mga sumunod na mga sequels.
  • Noong 2010, ang may-ari Dan Gilbert Cleveland Cavaliers ay napuna sa paggamit ng Comic Sans sa isang pampublikong sulat tungkol sa desisyon ni LeBron James na umalis sa koponan. Ang paggamit nito ay naging sanhi ng muling pagkabuhay ng interes sa, pati na rin ang pamimintas, ng Comic Sans.
  • Noong 2010 din, ang larong "Kingdon Hearts re:coded, ang "secret message", ay nakatuon at nakapalibot sa paggamit ng Comic Sans.
  • Sa Fool’s Day noong Abril 2011, kapag isinulat ang pangalan ng panitik na "Comic Sans" at "Helvetica" sa search engine ng Google ay lalabas ang isang pahina ng mga resulta ng ganap na sa Comic Sans ng panitik.
  • Taong 2011, itinampok ng kakatwang website ng the Onion ang panitik sa isang pekeng balita kung saan tinalakay ng mga “eksperto” kung bakit nakakatawa ang itsura nito sa mga tao.
  • Kapag pinipili ang Comic Sans upang ipakita ang mga mensahe sa Skype, nagbabago ang emoticon menu icon mula sa isang masayang smiley sa isang malungkot smiley.