Pumunta sa nilalaman

Commotio cordis

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Commotio cordis
Ipinapakita ang isang anyo ng puso at ang thorax ng isang matandang tao (sa pula). Makikita ang sensitibong sona para sa mekanikal na paggalaw sa ritmiko ng puso sa pagitan ng ikalawa at ika-apat na tadyang , sa kaliwa ng sternum
EspesyalidadEmergency medicine Edit this on Wikidata

Ang Commotio cordis (Latin, "agitasyon ng puso") ay isang pagbabago sa ritmiko ng puso na nangyayari bilang resulta ng paggalawa sa ibabawa ng puso (ang rehiyong precordial), sa kritikal na oras sa siklo ng pagtibok ng puso. Anyo ito ng bentrikular na pibrilyasyon, na hindi nagsasanhi ng mekanikal na sira sa mga masel o sa mga nakapalibot na organo, at hindi rin nagsasanhi ng sakit sa puso. 65% ang rayt ng pagkamatay. Kadalasang maaaring, subalit hindi sa lahat ng pagkakataon, mabaligtad ito ng resusitasyong kardyopulmonaryo at dipibrilyasyon.[1]

Kadalasang nangyayari ang Commotio cordis sa mga lalaki at mga batang lalaki (kadalasang 15), kapag ginagawa ang mga palakasan, tulad ng beysbol, kahit na may sanggalang sa dibdib. Sinasanhi ito ng pagtama, subalit maaaring sanhi rin ito ng pagtama ng siko o iba pang bahagi ng katawan. Kapag hindi nagkaroon ng pag-unlad, malaki ang tsansang magkaroon ng sugat ang thorax ng isang binata sa mga kapanahunang ito.

Pinattunayan ng isang eksperimento noong 1930 ang pangyayaring ito sa pamamagitan ng pinamanhid na kuneho, pusa at aso.[2]

  1. Maron BJ, Estes NA 3rd (11 Mar 2010). "Medical Progress: Commotio cordis". N Engl J Med. 362 (10): 917–27. doi:10.1056/NEJMra0910111. PMID 20220186.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Schlomka G. Commotio cordis und ihre Folgen. Die Einwirkung stumpfer Brustwandtraumen auf das Herz. Ergebnisse der inneren Medizin und Kinderheilkunde. 1934;47: 1-91.

Malayuang pagbabasa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]