Bekennende Kirche
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang Bekennende Kirche (Confessing Church sa Inggles) ay isang kilusang resistance ng mga Kristyano sa Alemanyang Nazi. Noong 1933 sapiliting ipinag-isa ng Gleichschaltung ang mga simbahang Protestante sa Simbahang Protestante ng Reich at ipinagsuporta ng ideolohiyang Nazi. Napilitang magkita nang patago ang oposisyon. Noong 1934, nireafirma ng isang grupo ng mga pastor at konggregasyon sa Deklarasyon ng Barmen ang fokus ng simbahan kay Kristo at ang kanilang oposisyon sa ideolohiyang Nazi.
Marami sa mga pinuno ng Bekennende Kirche, tulad nina Martin Niemöller at Dietrich Bonhoeffer, ang ipinadala sa concentration camps, at namatay doon ang ilan. Dahil dito, naiwanang walang pamumuno ang mga Kristyano na hindi sumasang-ayon sa Nazis, at napilitan ang mga ito na magsamba nang tulad noong mga unang panahon ng Imperyong Romano—nang patago. Nakibahagi ang Bekennende Kirche sa iba’t ibang anyo ng resistance, dakila na rito ang pagtatago ng mga Hudiyo mula sa rehimenng Nazi.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.