Pumunta sa nilalaman

Konserbatismo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Conservatism)

Ang konserbatismo ay isang pilosopiyang estetika, pangkultura, panlipunan, at pampulitika, na naglalayong itaguyod at mapanatili ang nakasanayang mga institusyong panlipunan.[1] Maaaring magkakaiba ang pangunahing mga paniniwala ng konserbatismo kaugnay sa nakagawiang mga halaga o kasanayan sa kultura at sibilisasyon kung saan ito lumilitaw. Sa kulturang Kanluranin, hinahangad ng mga konserbatibo na mapanatili ang isang hanay ng mga institusyon tulad ng organisadong relihiyon, pamahalaang parlamentaryo, at mga karapatan sa pag-aari.[2] Ang mga tagasunod ng konserbatismo ay madalas na sumasalungat sa modernismo at naghahangad na bumalik sa mga nakagawian.[3][4]

Ang unang tiyak na paggamit ng salitang ito sa isang kontekstong pampulitika ay nagmula noong 1818 kay François-René de Chateaubriand[5] sa panahon ng Bourbon Restoration na naghahangad na ipatanggal muli ang mga patakaran ng Himagsikang Pranses. Sa kasaysayan, nagkaroon ng kaugnayan ang salita sa maka-kanang pulitika, ngunit magmula noon, ang salitang ito ay ginamit upang ilarawan ang isang malawak na hanay ng mga pananaw. Walang iisang hanay ng mga patakaran na itinuturing konserbatibo sapagkat nakasalalay ang kahulugan ng konserbatismo sa itinuturing na tradisyonal sa isang naibigay na lugar at oras. Nag-iba-iba ang kaisipang konserbatibo dahil sa pag-angkop nito sa umiiral na mga tradisyon at pambansang kultura.[6] Halimbawa, nagtataguyod ang ilang mga konserbatibo ng mas malawak na pakikialam ng pamahalaan sa ekonomiya, samantala nagtataguyod ang iba ng isang mas laissez-faire na malayang merkado na sistema ng ekonomiya.[7] Sa gayon, ang mga konserbatibo mula sa iba't-ibang bahagi ng mundo — na ang bawat isa ay itinataguyod ang kani-kanilang mga tradisyon — ay maaaring hindi sumang-ayon sa isang malawak na hanay ng mga isyu. Si Edmund Burke, isang ika-18 siglong politiko na sumasalungat sa Himagsikang Pranses, ngunit mas maaga ay sumuporta ng Himagsikang Amerikano, ay itinatagurian bilang isa sa mga pangunahing teorista ng konserbatismo noong dekada 1790s.[8]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Hamilton, Andrew (2019). "Conservatism". Stanford Encyclopedia of Philosophy.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Heywood 2012, p. 69.
  3. McLean, Iain; McMillan, Alistair (2009). "Conservatism". Concise Oxford Dictionary of Politics (3rd ed.). Oxford University Press. "Sometimes [conservatism] has been outright opposition, based on an existing model of society that is considered right for all time. It can take a 'reactionary' form, harking back to, and attempting to reconstruct, forms of society which existed in an earlier period". ISBN 978-0-19-920516-5.
  4. "Conservatism (political philosophy)". Britannica.com. Nakuha noong Nobyembre 1, 2009.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Jerry Z. Muller, pat. (1997). Conservatism: An Anthology of Social and Political Thought from David Hume to the Present. Princeton U.P. p. 26. ISBN 978-0-691-03711-0. Terms related to 'conservative' first found their way into political discourse in the title of the French weekly journal, Le Conservateur, founded in 1818 by François-René de Chateaubriand with the aid of Louis de Bonald.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Heywood 2012, p. 66.
  7. Vincent 2009, p. 78.
  8. Frank O'Gorman (2003). Edmund Burke: His Political Philosophy. Routledge. p. 171. ISBN 978-0-415-32684-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)