Laissez-faire

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Laissez-faire[1] [bigkas: les-sey-feyr] ay isang salitang Pranses na nangangahulugang "pabayaan na lamang ang mga bagay" o "padaanin na lang"; mula sa orihinal na pariralang "laissez faire, laissez passer" o "bayaan lang, padaanin." Isa itong prinsipyo o paniniwala ng pagpapaubaya o pagpayag na bayaan na lamang ang mga suliranin na humanap ng sariling katugunan na hindi pinakikialaman ninuman o ng anuman. Bilang isang doktrina o paniniwalang pangekonomiya, hindi pinapayagan ng prinsipyong ito ang pakikiaalam ng pamahalaan ng estado, bayan o bansa sa mga pangyayaring may kaugnayan sa ekonomiya.[2]

Pinagmulan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nanggaling ang pilosopiyang ito sa mga ekonomistang Pranses noong panahon ng ika-18 dantaon, na pinalawig naman nang lumaon ni Adam Smith, isang ekonomistang Ingles. Binatay ang konsepto o diwang ito mula sa paniniwala sa "likas na kaayusan" kung saan dapat na may harmoniya o kaisa sa kaunlarang pangkabuhayan o ekonomiya ang mga pansariling pagpapahalaga o interes ng isang tao .[1]

Sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. 1.0 1.1 "Laissez-faire". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
  2. Chole, Ashly (February 20, 2023). "Laissez faire Explained". Nakuha noong 23 February 2023.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.