Pumunta sa nilalaman

Kombensyon sa mga Karapatan ng Bata

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kombensyon sa mga Karapatan ng Bata
{{{image_alt}}}
  Partido sa kombensyon
  Nilagdaan, ngunit hindi pinagtibay
  Di-naglagda
Nilagdaan30 Nobyembre 1989[1]
LokasyonLungsod ng New York[1]
Nagkabisà2 Setyembre 1990[1]
Kundisyon20 pagpapatibay[2]
Nagsilagda140[1]
Partido196[1] (lahat kuwalipikadong estado maliban sa Estados Unidos)
DepositaryoKalihim-Panlahat ng UN[3]
Mga wikaArabe, Tsino, Ingles, Pranses, Ruso, Kastila[1]
Convention on the Rights of the Child at Wikisource

Ang Kombensyon sa mga Karapatan ng Bata ng mga Nagkakaisang Bansa (Ingles: Convention on the Rights of the Child; karaniwang pinapaikli bilang CRC o UNCRC) ay isang kasunduan sa karapatang pantao na nagtatakda ng karapatang sibil, pampulitika, pang-ekonomiya, panlipunan, pangkalusugan at pangkultura ng mga bata. Binigyang-kahulugan ng Kombensyon ang bata bilang sinumang taong wala pang labingwalong taon, maliban kung nakakamit ang pagtanda ng karamihan nang mas maaga sa ilalim ng pambansang batas.[4]

Sumasailalim ang mga bansang nagpapatibay sa kombensyon na ito sa pandaigdigang batas. Sinusubaybayan ang pagsunod dito ng Komite ng mga Karapatan ng Bata ng UN na binubuo ng mga miyembro mula sa mga iba't ibang bansa sa buong mundo. Minsan sa isang taon, nagsusumite ang Komite ng ulat sa Ikatlong Komite ng Pangkalahatang Kapulungan ng mga Nagkakaisang Bansa na pinakikinggan din ang pahayag mula sa Tagapangulo ng CRC, at nagpapatupad ang Kapulungan ng Pagpapasiya sa mga Karapatan ng Bata.[5]

Ang mga pamahalaan ng mga bansang nagpatibay ng Kombensyon ay pana-panahong kinakailangan na mag-ulat, at magpakita bago ang Komite ng mga Karapatan ng Bata ng mga Nagkakaisang Bansa na susuriin sa kanilang progreso patungkol sa pagsulong ng pagpapatupad ng Kombensyon at ang katayuan ng mga karapatan ng bata sa kanilang bansa. Makikita ang kanilang mga ulat at nakasulat na pananaw at ikinababahala ng komite sa websayt ng komite.

Pinagtibay ng Pangkalahatang Kapulungan ng UN ang Kombensyon at binuksan ito para sa lagda noong 20 Nobyembre 1989 (ang ika-30 anibersaryo ng Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Bata).[6] Nagkabisa ito noong ika-2 ng Setyembre 1990, matapos itong pagtibayan ng kinakailangang bilang ng mga bansa. Sa kasalukuyan,196 ang mga bansang partido rito,[1] kabilang ang bawat miyembro ng mga Nagkakaisang Bansa maliban sa Estados Unidos.[5][7][8]

Dalawang di-sapilitang protokol ang pinagtibay noong 25 Mayo 2000. Pinipigilan ng Unang Di-sapilitang Protokol ang paglahok ng mga bata sa mga labanang militar, at nagbabawal ang Pangalawang Di-sapilitang Protokol sa pagbebenta ng mga bata, prostitusyon ng bata at pornograpiya ng bata. Pinagtibay ang dalawang protokol ng higit sa 170 na estado.[9][10]

Pinagtibay ang isang pangatlong di-sapilitang protokol na may kaugnayan sa komunikasyon ng mga reklamo noong Disyembre 2011 at binuksan para sa lagda noong 28 Pebrero 2012. Nagkabisa ito noong 14 Abril 2014.[11]

Tumatalakay ang Kombensyon sa mga pangangailangan at karapatan ng bata. Kinakailangan nito na "ang mga bansa na nagpapatibay sa kombensyong ito ay nakasalalay rito sa pamamagitan ng pandaigdigang batas". Dapat kumilos ang mga estadong nagpapatibay sa ikabubuti ng bata. Sa lahat ng mga hurisdiksyon na nagpapatupad ng Kombensyon, kailangan ang pagsunod sa mga batas ng pangangalaga sa bata dahil may mga pangunahing karapatan ang bawat bata, kabilang ang karapatang mabuhay, kanilang sariling pangalan at pagkakakilanlan, mapalaki ng kanilang mga magulang sa loob ng pamilya o pangkat pangkultura, at magkaroon ng relasyon sa dalawang magulang, kahit na sila ay naghiwalay.

Ipinag-uutos ng Kombensyon sa mga estado na pahintulutan ang mga magulang na gamitin ang kanilang panagutan bilang magulang. Kinikilala rin ng Kombensyon na may karapatan ang mga bata na ipahayag ang kanilang mga opinyon at mapakinggan ang mga opinyon at pagkilusan kung naaangkop, upang maprotektahan mula sa pang-aabuso o pagsasamantala, at maprotektahan ang kanilang pagsasarilinan, at hinihiling nito na ang kanilang buhay ay hindi napapailalim sa labis na panghihimasok.

Inaatasan din ng Kombensyon ang mga estadong lumagda na magbigay ng magkahiwalay na ligal na representasyon para sa bata sa anumang alitang hudisyal tungkol sa kanilang pangangalaga at hinihiling na mapapakinggan ang pananaw ng bata sa mga nasabing kaso.

Ipinagbabawal ng Kombensyon ang parusang kamatayan sa mga bata. Sa kanyang Pangkalahatang Komento 8 (2006), nagsabi ang Komite ng mga Karapatan ng Bata na "obligasyon ng lahat ng mga partidong estado na kumilos nang mabilis sa pagbawal at pagtanggal ng lahat ng pagpaparusa sa katawan at lahat ng iba pang malupit o nakasisirang uri ng parusa ng mga bata".[12] Binabanggit ng Artikulo 19 ng Kombensyon na ang mga partidong estado ay dapat "gumawa ng lahat ng naaangkop na mga panukalang pambatasan, pang-administratibo, panlipunan at pang-edukasyon upang protektahan ang bata mula sa lahat ng anyo ng karahasang pisikal o isipnin",[13] ngunit hindi ito bumabanggit ng pagpaparusa sa katawan. Tnanggihaan an interpretasyon ng Komite tungkol sa seksyon na ito upang masakop ang pagbabawal sa pagpaparusa sa katawan ng ilang mga partidong estado sa Kombensyon, kasama ang Australya,[14] Canada at Reyno Unido.

Binabanggit ng Europeong Hukuman ng Karapatang Pantao ang Kombensyon kapag binibigyang-kahulugan ang Europeong Kombensyon sa Karapatang Pantao.[15]

Pandaigdigang pamantayan at relatibismong kultural

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Hinamon ang mga pandaigdigang pamantayan ng karapatang pantao sa Pandaigdigang Komperensya sa Karapatang Pantao sa Vienna (1993) kung saan nagsitutol ang iilang mga pamahalaan (lalo na ang Tsina, Indonesia, Malaysia at Iran) sa ideya ng mga pangkalahatangkarapatang pantao.[16] Mayroong mga di-malulutas na kaigtingan sa pagitan ng "unibersalang" at "relatibistang" pamamaraan sa pagtatatag ng mga pamantayan at estratehiya na idinisenyo upang maiwasan o mapagtagumpayan ang pang-aabuso ng kakayahan ng mga bata na magtrabaho.[16]

Pag-aasawa ng bata at pagkaalipin

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Iniuugnay ng ilang mga iskolar ang pang-aalipin at malapang-aliping kaugalian sa karamihan ng pag-aasawa ng bata.[17] Hindi direktang tinalakay ng Kombensyon sa mga Karapatan ng Bata ang pag-aasawa sa bata bilang pang-aalipin.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 United Nations Treaty Collection. Convention on the Rights of the Child Naka-arkibo 11 February 2014 sa Wayback Machine.. Retrieved 2 October 2015.
  2. Article 49 Naka-arkibo 2 August 2002 sa Wayback Machine.. (Deadlink)
  3. Article 47 Naka-arkibo 2 August 2002 sa Wayback Machine.
  4. "Convention on the Rights of the Child". Office of the High Commissioner for Human Rights. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Enero 2015. Nakuha noong 20 Enero 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 Child Rights Information Network (2008). Convention on the Rights of the Child Naka-arkibo 4 February 2015 sa Wayback Machine.. Retrieved 26 November 2008.
  6. United Nations General Assembly Session 44 Resolution 25. Convention on the Rights of the Child A/RES/44/25 20 November 1989. Hinango noong 22 August 2008.
  7. Amnesty International USA (2007). Convention on the Rights of the Child: Frequently Asked Questions Naka-arkibo 22 December 2008 sa Wayback Machine.. Retrieved 26 November 2008.
  8. "UN convention on the rights of the child" (PDF). Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 21 Setyembre 2016. Nakuha noong 16 Setyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. United Nations Treaty Collection: Optional Protocol to the Convention on the Rights of the Child on the sale of children, child prostitution and child pornography Naka-arkibo 13 December 2013 sa Wayback Machine.. Retrieved on 20 October 2010.
  10. United Nations Treaty Collection: Optional Protocol to the Convention on the Rights of the Child on the involvement of children in armed conflict Naka-arkibo 25 April 2016 sa Wayback Machine.. Retrieved on 20 October 2010.
  11. "UNTC". Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Agosto 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. General Comment 8 Naka-arkibo 4 December 2010 sa Wayback Machine., Committee on the Rights of the Child.
  13. Article 19, Convention on the Rights of the Child.
  14. Simalis, Linda (21 Marso 2010). "Aussie parents to defy UN smacking ban". The Sunday Telegraph. Sydney. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Hunyo 2011. Nakuha noong 6 Oktubre 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Sutherland, Elaine E. (2003). "Can International Conventions Drive Domestic Law Reform? The Case of Physical Punishment of Children" in Dewar J., Parker S. (eds.) Family law: processes, practices, pressures: proceedings of the Tenth World Conference of the International Society of Family Law, July 2000, Brisbane, Australia. Oxford: Hart, p. 488. ISBN 978-1-84113-308-9
  16. 16.0 16.1 White, Ben (1999). "DEFINING THE INTOLERABLE: Child work, global standards and cultural relativism". Childhood. 6 (1): 133–144.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Turner, Catherine (2013). "Out of the Shadows: Child Marriage and Slavery". Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Setyembre 2016. Nakuha noong 13 Setyembre 2016. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)