Converse
Uri | Subsidiary of Nike |
---|---|
Industriya | Sporting goods |
Itinatag | Malden, Massachusetts (Pebrero 1908)[1] |
Punong-tanggapan | North Andover, Massachusetts, United States |
Produkto | Sapatos, Damit |
May-ari | Nike |
Website | converse.com |
Ang Converse ay isang kompanya na nagmula sa America na gumagawa ng mga sapatos, damit at mga kagamitang pampalakasan mula pa noong ika-20 siglo. Ang Converse ay isa sa pinakaunang nagtayo ng industriya ng sneakers at sporting goods na itinatag noong 1908.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]1908-1941: Pagsisimula
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Marquis Mills Converse, na dating manager sa isang footwear manufacturing firm, ay nagtayo ng Converse Rubber Shoe Company sa Malden, Massachusetts noong Pebrero 1908. (Ito ay walang kaugnayan sa Boston Rubber Shoe Company na tinayo ng kanyang pinsan na si Elisha Converse.) Ang kompanya ay gumagawa ng rubber shoes na gumagamit ng winterized rubber na swelas para sa mga lalaki, mga babae at mga bata. Noong 1910, ang Converse ay nakagawa ng 4,000 sapatos araw-araw, ngunit noong 1915 lamang nagsimula na gumawa ng sapatos na pang-tennis ang kompanya.
Ang pangunahing turning point ng kompanya ay noong 1917 nang ilabas ng kompanya ang Converse All-Star basketball shoe. At noong 1921, isang manlalaro ng basketball na nagngangalang Charles H. “Chuck” Taylor ang nagreklamo sa Converse. Dahil doon, binigyan ng Converse si Taylor ng trabaho bilang salesman at ambassador na magtataguyod ng sapatos sa buong America. At noong 1923, isinali ang pirma ni Taylor sa All Star na tatak sa sapatos ng Converse dahil sa mahusay na trabaho nito. Nagpatuloy siya sa pagtatrabaho sa Converse hanggang siya ay mamatay noong 1969.
Ang Converse ay gumawa rin ng customized na sapatos para sa New York Renaissance (the “Rens”), ang kauna-unang all-African American professional basketball team.
1941-ngayon: Digmaan, pagkalugi at bagong pamamahala
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong lumaganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa America, ang Converse ay nagsimulang gumawa mga sapatos at pera para sa mga sundalo ng digmaan. Naging sikat rin ang Converse Yearbook noong dekada ‘50 at ’60 dahil sa pagpapakita nito ng American image. Pinakita sa album art nito na gawa ni Chares Kerins kung ano ang halaga ng Converse sa buhay ng mga atletang high school at kolehiyo.
Sa pamamagitan ng kanilang sapatos, ang Converse ay naging isang iconic brand. Noong dekada ’70, binili ng Converse ang trademark rights ng Jack Purcell sneakers na galling sa B.F. Goodrich.[2]
Nawala ang monopolyo ng Converse sa paggawa ng sneakers noong nagsidatingan ang maraming kakompetensiya gaya ng Puma, Adidas, Nike at Reebok na nagpakita rin ng mga bagong disenyo sa merkado. Hindi na sila ang naging official shoe partner ng National Basketball Association. Si Jim Labadini, na isa sa mga empleyado ng kompanya, ang gumawa ng chevron and star logo sa makikita parin sa karamihan ng kanilang mga sapatos hanggang ngayon.
Ang pagkawala ng market share at ang maling pagdedesisyon ang nagtulak sa Converse na mag-file ng pagkalugi noong 22 Enero 2011. Noong Abril 2001, binili ng Footwear Acquisitions nina Mardsen Cason at Bill Simon ang Converse brand at isinama sila Jack Boys, Jim Stroesser, Lisa Kempa at David Maddocks para maging industry partners.
Ang bagong pamamahala ng Converse ang nag-angat nito mula sa pagiging ika-16 sa pinakamalaking kompanya ng footwear patungo sa ika-7 na pwesto wala pa ang 2 ½ taon. Binili ng Nike ang Converse noong 9 Hulyo 2003 sa halagang $305 million na nagresulta ng paglipat ng operasyon nito mula sa US patungo sa mga ibang bansa.[3]
Sila Kirk Hinrich, Kyle Korver, Maurice Evans, Acie Law, Udonis Haslem, Elton Brand, Louis Williams, Larry Sanders, Luke Harangody, Chris Andersen, at JJ Barea ay ang mga NBA players na sa kasalukuyang gumgamit ng Converse.
Mga Sapatos
[baguhin | baguhin ang wikitext]Chuck Taylor All Star basketball shoe
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Chuck Taylor All Star shoe ay binigyan ng iba’t ibang tawag makalipas ang mga taon, tulad ng” "Cons", "Connies", "Convics", "Convos", "Verses", "Chuckers", "Chucks", "Converse", "Chuckalos", "Chuckies", "Chuck Ts", "Chucker Boots" o "Chuck Taylors." Ilang dekada rin ang nakalipas nang ang Chuck Taylor All Star shoe ay kulay itim lamang at ang puti nito ay ni-release lang noong 1947. Noong 1966, gumawa ang Converse ng iba’t ibang kulay nito dahil sa hiling ng mga basketball teams. Simula noong dekada ’70, gumawa na rin ang Converse ng sapatos na ito gamit ang iba’t ibang materyales tulad ng leather, suede, vinyl, at hemp. At iba’t ibang disenyo rin ang inilabas tulad ng high-top, low-cut at knee-high version.
The Weapon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1986, nilbs ng Converse ng “The Weapon” na pam-basketball na sapatos. Ito ay may iba’t ibang kulay upang maging tugma sa kulay ng basketball team sa gagamit nito. Ito ay mayroong low cut at high top na bersiyon. Ang pagkakaiba nito sa ibang pambasketball na sapatos ay ang pagkakaroon ng leather na materyales na komportable sa paa ng gagamit. Ang “The Weapon” classic ay nilabas muli noong 2001–2003 (na ginamit ni Kobe Bryant at Andre Miller), “The Loaded Weapon” noong 2003, “The Weapon 86” noong 2008 at “The Weapon EVO” noong 2009.
Ang unang endorser ng “The Weapon” ay sina Larry Bird at Magic Johnson noong 1986. Ito ay suot rin ni Axl Rose sa music video ng kantang “Estranged” ng bandang Guns N’ Roses.
Mga Espesyal na Edisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Marami ring special editions ang ginawa ng Converse gaya ng DC Comics, The Ramones, AC/DC the Sailor Jerry, Metallica, The Clash, Dr. Seuss, Grateful Dead, Ozzy Osbourne, Jimi Hendrix, Drew Brophy and Nirvana, Gorillaz the Control, green, brown or camouflage edition, at ang Danny Potthoff.
Tatlong bagong disenyo ang ginawa na high tops dahil sa impluwensiya ng The Who. Meron ring edisyon na tinawag na 1Hund (red) kung saan ang 15% ng kita ay ibibigay sa HIV/AIDS relief. Sandaang tao mula sa buong mundo ang pinili upang magdisenyo ng nasabing sapatos.
Converse college teams
[baguhin | baguhin ang wikitext]• Marquette Golden Eagles • Western Kentucky Hilltoppers (Sapatos lang)
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Converse turns 100". Chucksconnection.com. 2008-05-29. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2011-08-13. Nakuha noong 2011-08-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Perrin, Charles. "Old Sneakers (since 1935) - Goodrich (now Converse) Jack Purcell". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2011-09-28. Nakuha noong 2011-08-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Watson, Julie (2003-07-07). "Nike Swooshes In On Converse". Forbes. Nakuha noong 2011-08-31.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)