Pumunta sa nilalaman

Palakasan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pampalakasan)
Ang track at field ay isang uri ng palakasan na kinabibilangan ng mga manalalaro ng atletika.

Ang palakasan o isports (Ingles: sport, Kastila: deporte) ay binubuo ng isang pangkaraniwang pisikal na gawain o kasanayan na nagbuhat sa ilalim ng napagkasunduan na mga patakarang hayag, at kasama ang iba't-ibang layuning rekreasyonal kagaya ng pakikipagpaligsahan, sariling kasiyahan, pagkamtan ng premyo, paghirang ng kampeon, pagsulong ng isang kasanayan, o kombinasyon ng mga ito. Ang pagkakaiba ng layuin ang nabibigay ng katangian sa palakasan, pinag-isa kasama ang palagay ng indibidwal (o koponan) na kasanayan o natatanging tapang. Ito rin ay maaring libangan at bahagi ng mga paksang pinag-aaralan sa paaralan.

Ang isport ay nauukol sa anumang anyo ng mapagkumpitensyang pisikal na aktibidad o laro na ang layunin ay para gamitin, mapanatili o mapabuti ang pisikal na abilidad at kasanayan habang nagbibigay ng kasiyahan sa mga kalahok at sa ibang pagkakataon, kasiyahan sa mga manonood. Sa pamamagitan ng kaswal o organisadong pakikilahok, ang isports ay nagpapabuti ng pisikal na kalusugan ng mga kalahok. Daan-daang laro ang umiiral, mula sa mga solong manlalahok hanggang sa mga daan-daang manlalahok, alinman sa mga koponan o nakikipagkumpitensya bilang indibidwal.  

Sa ilang mga isports tulad ng karera, maraming manlalahok ang maaaring makipagkompetensya, sabay-sabay o magkasunod na may isang nagwagi. Sa iba, ang paligsahan ay nasa pagitan ng dalawang panig, bawat isa ay nagtatangkang lumampas sa isa.

Ang ilang mga isports ay nagpapahintulot ng hindi lang isang panalo, ang iba naman ay nagbibigay ng ibang paraan upang matiyak na may isang panalo at isang talo. Ang ilang mga paligsahan ay maaaring ayusing sa isang paligsahan kung saan may tinatanghal na kampeon. Maraming isports liga ang gumagawa ng taunang kampeon sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga laro sa isang regular na panahon ng palakasan.

Talaan ng mga palakasan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Wikinews
Wikinews
May kaugnay na balita ang Wikinews tungkol sa artikulong ito:
Category:Sports (sa wikang Ingles)

Palakasan Ang lathalaing ito na tungkol sa Palakasan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.