Pumunta sa nilalaman

Pagsisid sa ilalim ng dagat

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang maninisid sa ilalim ng dagat na gumagamit ng kasangkapang scuba.

Ang pagsisid sa kailaliman ng dagat o pagsisid sa ilalim ng dagat (Ingles: deep-sea diving, scuba diving) ay isang uri ng pagsisid sa ilalim ng tubig kung kailan ang isang maninisid ay gumagamit ng pangkat ng kasangkapang eskuba (scuba set) upang makahinga sa ilalim ng tubig.[1]

Hindi katulad ng maagang anyo ng pagsisid sa ilalim ng dagat, na sumasalalay sa pagpigil ng hininga o sa hangin na ibinubuga magmula sa ibabaw ng tubig, ang mga maninisid na may eskuba o scuba ay mayroong dala-dalang sarili nilang napagkukunan ng gas na panghinga (na karaniwang siniksik na hangin),[2] na nagpapahintulot sa kanila na magkaroon ng mas malaking kalayaan sa paggalaw kaysa sa pamamagitan ng isang linya ng hangin. Kapwa nagpapahintulot sa mga maninisid ang pagsisid na mayroong hangin mula sa ibabaw ng tubig at ang pagsisid na de-eskuba na makapanatili sa ilalim ng tubig na kapaki-pakinabang na katagalan kaysa sa mga teknik ng pagpigil ng hininga na ginagamit sa malayang pagsisid.

Ang isang maninisid na may eskuba ay nakakagalaw sa paligid ng katubigan sa pamamagitan ng mga palikpik na panlangoy na nakakabit sa kanilang mga paa, subalit maaaring bigyan siya ng panlabas na propulsiyon (pampaandar) sa pamamagitan ng isang sasakyang pampaandar ng maninisid, o ng isang paragos o kareta na hinihila mula sa ibabaw ng tubig.

Ang orihinal na pangkat-panisid na eskubang Aqualung.
1: Tubo ng hangin, 2: Piyesang pambibig, 3: Regulador (Pangregula), 4: Pangsingkaw, 5: Platong panlikod, 6: Tangke

Ang unang matagumpay na pangkomersiyong mga kasangkapang pangsisid ay ang mga yunit na may bukas na sirkito at may magkakambal na hose o tubo na Aqualung ("bagang pantubig") na pinaunlad nina Emile Gagnan at Jacques-Yves Cousteau, kung saan ang siniksik na hangin na dinadala sa mga silindrong nakasukbit sa likod ng katawan ay nilalanghap sa pamamagitan ng isang regulador ng pangangailangan at pagdaka ay ibinubuga sa tubig na katabi ng tangke.[3] Ang mga pangkasalukuyang mga regulador na eskuba na mayroong isang tubo at may dalawang yugto proseso ay nagsimula sa Australia, kung saan pinaunlad ni Ted Eldred ang unang halimbawa ng ganitong uri ng regulador, na nakikilala bilang Porpoise, na pinaunlad dahil pinuprutektahan ng mga patente ang disenyong may dalawang tubo ng Aqualung. Inihihiwalay ng regulador na may isang tubo ang silindro mula sa balbula ng pangangailangan, na nagbibigay sa maninisid ng hangin na nasa presyon na nasa kaniyang bibig, hindi iyong nasa tuktok ng silindro.

Ang mga sistema ng siniksik na hangin na bukas ang sirkito ay pinaunlad pagkaraan na magkaroon si Cousteau ng ilang mga insidente ng pagkalason sa oksiheno na ginagamitan ng panglanghap muli ng oksiheno, kung saan ang ibinugang oksiheno ay ipinapasa sa pamamagitan ng isang kimikal na mapanipsip upang matanggal ang carbon dioxide bago muling malanghap. Makakakuha ng mga bersiyong moderno ng mga sistemang panglanghap na muli (kapwa ang semi o medyo saradong sirkito at ang nakasarang sirkito), at bumubuo sa pangalawang pangunahing uri ng yunit na eskuba, na karamihang ginagamit para sa mga pagsisid na teknikal at pangmilitar.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. US Navy Diving Manual, ika-6 na rebisyon. United States: US Naval Sea Systems Command. 2006. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Mayo 2008. Nakuha noong 24 Abril 2008. {{cite book}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Brubakk, Alf O; Neuman, Tom S (2003). Bennett and Elliott's physiology and medicine of diving, 5th Rev ed. United States: Saunders Ltd. p. 800. ISBN 0-7020-2571-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Cousteau J.Y. (1953) Le Monde du Silence, translated as The Silent World, Hamish Hamilton Ltd., London; ASIN B000QRK890