Eskrima
Ang eskrima ay isang uri ng palakasan na nagsimula noong huling bahagi ng ika-19 na siglo.
Kasaysayan[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang mga ninuno ng makabagong eskrima ay nagmula sa España, kung saan isinulat ang ilang libro ukol sa eskrima. Ang "Treatise on Arms o Tratado sa Armas ay isinulat ni Diego de Valera sa pagitan ng mga taong 1458 at 1471 at ito ay isa sa mga pinakalumang manwal na nabubuhay pa tungkol sa kanulraning eskrima bago ang opisyal na ipinagbawal ang pag-duwelo ng mga Katolikong Maharlika. Sa paglalakbay, dinala ng mga sundalong Español ang eskrima sa buong mundo, partikular sa timog Italya, isa sa mga lugar kung saan laganap ang kaguluhan sa pagitan ng dalawang nasyon. Binanggit ang eskrima sa dula na "The Merry Wives of Windsor" na isinulat bago ang taong 1602.
Ang mga mekaniks ng makabagong eskrima ay nagmula noong ika-18 na siglo sa isang Italyanong paaralan ng eskrima noong Renaissance, at, sa ilalim ng kanilang impluwensya, ito ay ipinagbuti pa lalo ng paaralang eskrima ng Pranses. Ang paaralang eskrima ng España ay unti-unting nawala at pinalitan ng mga Italyano at Pranses na paaralan.