Pumunta sa nilalaman

Espanya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa España)
Kaharian ng España
Reino de España
Watawat ng España
Watawat
Salawikain: "Plus Ultra"  (Latin)
(Tagalog: "Lampas pa sa lalong malayo")
Awiting Pambansa: "Marcha Real"  (Kastila)
(Tagalog: "Martsang Makahari")
Kinaroroonan ng  Espanya  (malamlam na luntian) –   —  [Gabay]
Kinaroroonan ng  Espanya  (malamlam na luntian)

–   —  [Gabay]

Location of España
KabiseraMadrid
Pinakamalaking lungsodcapital
Opisyal na wikang pasulat
Kastila[a]
Kinikilalang rehiyonal na wika
Mga wikang rehiyonal
Pangkat-etniko
(2011)
KatawaganKastila o Espanyol (Spaniard sa Ingles)
Pamahalaan
• Hari
Felipe VI ng Espanya
Pedro Sánchez
LehislaturaCortes Generales (Pagkalahatang Hukuman)
• Mataas na Kapulungan
Senado
• Mababang Kapulungan
Kapulungan ng mga Kinatawan
Pormasyon
Lawak
• Kabuuan
504,645[2] km2 (194,845 mi kuw) (ika-52)
• Katubigan (%)
1.04
Populasyon
• Pagtataya sa 2013
46,704,314[3] (ika-28)
• Senso ng 2011
46,815,916[4]
• Densidad
92/km2 (238.3/mi kuw) (ika-106)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2014
• Kabuuan
$1.425 trilyon[5] (ika-14)
• Bawat kapita
$30,637[5] (ika-33)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2014
• Kabuuan
$1.415 trilyon[5] (ika-13)
• Bawat kapita
$30,432[5] (ika-28)
Gini (2013)33.7[6]
katamtaman · mataas
TKP (2013)0.869[7]
napakataas · ika-27
SalapiEuro () (EUR)
Sona ng orasUTC+1 (CET)
• Tag-init (DST)
UTC+2[b] (CEST)
Ayos ng petsadd.mm.yyyy (Espanyol; CE)
Gilid ng pagmamanehokanan
Kodigong pantelepono+34
Kodigo sa ISO 3166ES
Internet TLD.es[c]

Ang Kaharian ng España[8] (Kastila: Reino de España) ay isang soberanyang estado o bansang matatagpuan sa Tangway ng Iberya sa timog-kanlurang Europa. Ang pangunahing lupain ay hinahangganan sa timog at silangan ng Dagat Mediteraneo maliban na lamang sa maliit na mga hangganang lupa ng Gibraltar; sa hilaga at hilangang-silangan, ng Pransiya, ng maliit na prinsipado ng Andorra, at ng Look ng Vizcaya; at sa kanluran at hilagang-kanluran naman, ng Portugal at ng Karagatang Atlantiko. Kasama ng Pransiya at Maruekos, isa lamang sila sa tatlong bansa na may baybaying Atlantiko at Mediteraneo. Ang 1,214 km (754 mi) na hangganan ng Espanya sa Portugal ay ang pinakamahabang tuluy-tuloy na hangganan sa buong Unyong Europeo.

Kasama rin sa nasasakupan ng España ang mga pulo ng Baleares sa Mediteraneo, ang Canarias sa Karagatang Atlantiko sa labas ng baybayin ng Aprika, ang tatlong teritoryo sa Hilagang Aprika, Ceuta, Melilla at Peñón de Vélez de la Gomera na hinahangganan ang Maruekos, at mga pulo at peñones (mga bato) ng Alborán, Chafarinas, Alhucemas, at Perejil. Sa lawak na 505,992 km2 (195,365 sq mi), ang Espanya ang ikalawang pinakamalaking bansa sa Kanlurang Europa at sa Unyong Europeo, at panlimang pinakamalaking bansa sa Europa.

Ang mga modernong tao ay unang dumating sa Tangway ng Iberia mga 35,000 taon na ang nakalilipas. Sumailalim ito sa pamumuno ng Roma noong 200 BK, at lumaon ang rehiyon ay binansagang Hispania. Noong Gitnang Panahon, sinakop ito ng mga tribong Alemaniko at lumaon ng mga Moro sa katimugan. Nabuo bilang isang bansa ang Espanya noong ika-15 dantaon, pagkatapos ng pagpapakasal ng mga Katolikong Monarka (Reyes Católicos) at ang pagwawakas ng dantaong pagsakop muli, o Reconquista, sa Tangway mula sa mga Moro noong 1492. Sa unang bahagi ng makabagong panahon, naging maimpluwensiyang imperyo sa daigdig ang Espanya at isa sa mga unang pandaigdigang imperyong kolonyal sa kasaysayan, na nag-iwan ng malawak na pamanang kultural at lingguwistika kabilang ang mahigit 500 milyong nagsasalita ng wikang Kastila, dahilan upang ito'y maging ikalawang pangunahing sinasalitang wika sa daigdig.

Ang modernong Espanya ay isang demokrasyang itinatag sa paraang pamahalaang parlamentaryo sa ilalim ng saligang batas ng monarkiya. Isang maunlad na bansa ang Espanya na ika-13 pinakamalaking ekonomiya sa daigdig. Ang bansa ay kasapi ng Nagkakaisang Bansa, NATO, OECD, at WTO. Sa kasalukuyan, ang krisis sa ekonomiya ay naging malaking suliranin ng ekonomiya ng Espanya.

Ang pinagmulan ng pangalang Hispania, kung saan hango ang kasalukuyang pangalang España sa wikang Kastila, ay hindi tiyak at maaaring hindi alam dahil sa kakulangan ng mga sapat na katibayan. Sa loob ng maraming dantaon maraming mga haka-haka ang nabuo:

Ang iskolar sa panahon ng Renasimiyento na si Antonio de Nebrija ay nagmungkahi na ang salitang Hispania ay nagbago mula sa salitang Iberia na Hispalis, na nangangahulugang "lungsod ng kanluraning daigdig."

Ikinakatuwiran naman ni Jesús Luis Cunchillos na ang pinag-ugatan ng salitang span ay ang salitang Penisyo (Phoenician) na spy, na nangangahulugang "maghinang ng mga metal." Samakatuwid, ang i-spn-ya ay nangangahulugang "ang lupaing pinaghihinangan ng mga metal." Maaari rin hango ito sa salitang Puniko na I-Shpania (אי שפניא), na nangangahulugang "pulo ng mga kuneho", "lupain ng mga kuneho", isang pagtukoy sa pook ng Espanya sa dulo ng Mediteraneo;[9] ang mga baryang Romanong natagpuan sa rehiyon mula sa paghahari ni Hadrian ay kakikitaan ng babaeng dibuho na may kuneho sa kanyang paa, at tinawag ito ni Strabona "lupain ng mga kuneho."

Ang Hispania ay maaaring hango sa paduláng paggamit (poetic use) ng salitang Hesperia, na ipinakikita sa pagtingin ng mga sinaunang Griyego sa Italya bilang "Lupang kanluran" o "lupang nilulubugan ng araw" (Ang Hesperia, o Ἑσπερία sa Griyego) pati sa Espanya, na bahagi ng dulong kanluran, bilang Hesperia ultima.[10]

May mga nagsasabi din na ang "Hispania" ay hango sa salitang Basko na Ezpanna na may kahulugang "dulo" o "hangganan", na tumutukoy sa pook ng tangway ng Iberia sa timog kanluran ng kontinenteng Europeo.[10]

Dalawang Kastilang Hudyong iskolar noong ika-15 dantaon, sina Don Isaac Abrabanel at Solomon ibn Verga, ay nagbigay ng paliwanag na ngayon ay kinikilala nang isang kuwentong-bayan. Parehong isinulat ng mga iskolar sa dalawang magkaibang lathalain na ang mga unang Hudyo na nakarating sa Espanya ay dinala ng barko ni Phiros na isang sugo ng hari ng Babilonia nang pinangunahan niya ang pagkubkob sa Herusalem. Ang táong ito ay isang Greko nung ipinanganak, ngunit nabigyan ng isang kaharian sa Espanya. Naging magkamag-anak sila ni Espan sa kasal, ang pamangkin ni haring Heracles, na siya ring namuno sa kaharian sa Espanya. Kinalauna'y nagbitiw sa trono si Heracles pabor sa kanyang tinubuang-bayan na Gresya, at iniwan ang kanyang kaharian kay Espan, kung saan kinuha ng bansang España (Espanya) ang pangalan nito. Batay sa kanilang mga testimonya, ang pangalang ito ay ginagamit na ng Espanya mga bandang 350 BCE.[11]

Ang Espanya ay may malawak at kumplikadong kasaysayan. Nasulat ang Iberia bilang isang lupaing pinaninirahan ng mga Iberyo, Basko at Seltiko. Matapos ang isang di-madaling pananakop, ang tangway ay napasailalim ng Imperyong Romano. Ang Hispania, ang kabuuan ng Tangway ng Iberia, ay umunlad at naging isa sa mga pinakaimportanteng rehiyon ng Imperyo. Noong unang bahagi ng Gitnang Panahon, ito ay napasakamay ng mga tribong Alemaniko. Sa kalaunan, halos ang buong tangway ay napasailalim ng mga Moro o mananakop na mga Muslim mula sa Hilagang Aprika. Sa isang mahabang prosesong inabot ng ilang dantaon, unti-unting nagawang mapatalsik ng mga kahariang Kristiyano sa hilaga ang mga Muslim. Bumagsak ang huling kahariang Moro sa taong kung kailan narating ni Columbus ang mga lupaing Amerika. Ang Espanya ay naging pinakamakapayangyarihang kaharian sa Europa, ang nangunguna sa daigdig sa loob ng isa't kalahating dantaon, at ang pinakamalaking imperyo sa ibayong-dagat sa loob ng tatlong dantaon.

Ang patuloy na mga digmaan at iba pang mga problema ang nagdulot ng pagbagsak ng katayuan nito. Ang mga pagsakop ni Napoleon sa Espanya ay nagbunga ng kaguluhan, na siyang naging mitsa ng mga pagkilos tungo sa kasarinlan na siyang pumunit sa malaking bahagi ng imperyo at iniwang hindi matatag ang bansa. Bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nakaranas ang Espanya ng matinding digmaang panloob at napasailalim sa diktadurya, kung saan ito ay nakaranas ng maraming taon ng pananamlay, subalit nang lumaon, ay nagtapos sa isang malakas na pag-angat ng ekonomiya. Di naglaon at mapayapang naibalik ang demokrasya sa pormang monarkiyang parlamentong konstitusyonal. Sumapi ang Espanya sa Unyong Europeo at nakaranas ng muling pagsilang sa kultura (cultural renaissance) at tuluy-tuloy na pag-angat ng ekonomiya.

Sinaunang kasaysayan at mga tao bago ang panahong Romano

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinahihiwatig ng mga pananaliksik sa arkeolohiya sa Atapuerca na ang Tangway ng Iberia ay pinanahan ng mga hominid 1.2 milyong taon na ang nakalipas.[12] Sa Atapuerca ay may mga natagpuan labí ng mga sinaunang kinikilalang hominin sa Europa, ang Homo antecessor. Ang mga makabagong nilalang ay unang dumating sa Iberia, mula sa hilaga nang naglalakad, mga 35,000 taon na ang nakalipas.[13] Ang pinakakilalang mga relikya ng pananahan ng mga sinaunang tao ay ang mga sikat na mga kuwadro sa kuweba ng Altamira ng Cantabria sa hilagang Iberia, na nalikha mula taong 35,600 hanggang 13,500 BK ng mga Cro-Magnon.[14] Ipinahihiwatig din ng mga arkeolohikal at henetikal na patunay na ang Tangway ng Iberia ay nagsilbing isa sa mga malalaking kanlungan kung saan ang hilagang Europa ay muling pinanahan ng mga tao nang matapos ang huling Panahon ng Yelo.

Ang mga pinakamalaking pangkat sa Tangway ng Iberia bago ang pananakop ng mga Romano ay ang mga Iberia at mga Seltiko. Pinanahan ng mga Iberia ang bahaging Mediteraneo ng tangway, mula hilagang-silangan hanggang timog-silangan. Pinanahan naman ng mga Seltiko ang malaking bahagi ng loob at Atlantiko ng tangway, mula hilagang-kanluran hanggang timog-kanluran. Inokupa naman ng mga Basko ang kanlurang bahagi ng bulubunduking Pirineo at mga katabing lugar, ang mga Tartessiano ay nasa timog-kanluran at ang mga Lusitano at mga Vetton naman ang umokupa sa mga lugar sa gitnang kanluran.

Ang Imperyong Romano at ang Kahariang Gotiko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Ikalawang Digmaang Puniko, sinakop ng lumalawak na mga Romano ang ilang kolonyang pangkalakalan ng Cartagena sa tabing-baybayin ng Mediteraneo mula 210 hanggang 205 BK. Inabot ang mga Romano ng halos dalawang dantaon upang matapos ang pananakop sa Tangway ng Iberia, bagaman at nakontrol nila ito sa loob ng mahigit anim na siglo. Pinagbigkis ang paghahari ng mga Romano ng batas, wika, at ng mga daang Romano.[15]

Ang mga kultura ng populasyong Seltiko at Iberia ay unti-unting nagiging maka-Romano (maka-Latin) sa iba't-ibang antas sa iba't-ibang bahagi ng Hispania. Ang mga lokal na pinuno ay pinayagang maging uring aristokratang Romano.[16] Nagsilbi ang Hispania bilang isang kamalig ng pamilihang Romano, at ang mga daungan nito ay nagluwas ng ginto, lana, langis ng oliba, at alak. Ang produksiyong pang-agrikultura ay lumaki dahil sa mga proyektong irigasyon. Ang mga emperador na sina Trajan at Theodosius I, at ang pilosopong si Seneca ay ipinanganak sa Hispania. Ang Kristiyanismo ay ipinakilala sa Hispania noong unang dantaon PK, at nakilala ito sa mga lungsod noong ikalawang dantaon PK.[16] Karamihan sa kasalukuyang mga lengguwahe at relihiyon ng Espanya, at ang batayan ng mga batas nito, ay nahango sa kapanahunang ito.[15]

Ang paghina ng nasasakupan ng Imperyo ng Kanlurang Romano sa Hispania ay nag-umpisa noong 409, nang binagtas ng mga Alemanikong Suebi at Vandal, kasama ang mga Sarmatianong Alan ang Rhine at sinira ang Gaul hanggang pinalayas sila ng mga Visigoth patungong Iberia noong taon ding iyon. Itinatag ng Suebi ang isang kahariang ngayon ay ang makabagong Galicia at hilagang Portugal. Sa pagbaklas ng kanlurang imperyo, ang batayang panlipunan at pang-ekonomiya ay naging napakapayak: subalit kahit sa binagong porma, pinanatili ng mga sumunod na rehimen ang marami sa mga institusyon at batas ng dating imperyo, kasama na ang Kristiyanismo.

Ang mga kakampi ng mga Alan, ang mga Hasdingi Vandal, ay nagtatag din ng kaharian sa Gallaecia, na sumasakop nang malaki sa parehong rehiyon pero lumalampas pa patimog sa ilog Duero. Inokupahan naman ng mga Silingi Vandal ang rehiyon na bakas pa rin ang kanilang pangalan - Vandalusia, makabagong Andalusia, sa Espanya. Nagtatag ang mga Bizantino ng isang enclave, ang Spania, sa katimugan, na may layuning buhaying muli ang imperyong Romano sa buong Iberia. Kinalaunan, gayunpaman, ang Hispania ay muling napasailalim ng [[pamumuno ng mga Visigoth.

Si Isidro ng Sevilla, ang arsobispo ng Sevilla, ay isang maimpluwensiyang pilosopo at tunay na pinag-aaralan noong Gitnang Panahon sa Europa. Ang kanya ring mga teorya ay mahalaga sa pagpaplit ng Kahariang Visigoth tungo sa pagiging isang Katoliko, sa mga Konseho ng Toledo. Ang Gotikong Kaharian ay ang unang kahariang namumuno sa Tangway ng Iberia, at noong Reconquista ito ay naging isang pagtukoy sa magkakaibang mga kahariang lumalaban sa pamumuno ng mga Muslim.

Gitnang Panahon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong ika-8 dantaon, halos ang buong Tangway ng Iberia ay nasakop (711–718) ng karamihan ay mga kawal na Morong Muslim mula sa Hilagang Aprika. Ang mga pagsakop na ito ay bahagi ng pagpapalawak ng Kalipatong Umayyad. Tanging isang maliit na lugar lamang sa mabundok na hilagang-kanluran ng tangway ang nakaiwas mula sa panimulang pananakop.

Sa ilalim ng batas ng Islam, binigyan ang mga Kristiyano at mga Hudyo ng katayuang timawa na dhimmi. Ang antas na ito’y nagpapahintulot sa mga Kristiyano at Hudyo na sumamba sa kanilang relihiyon ayon sa Mga Tao ng Aklat (People of the Book) subalit sila ay sapilitang magbabayad ng espesyal na buwis at may mas mababang legal at panlipunang karapatan kaysa mga Muslim.[17][18]

Ang pagpapalit patungong Islam ay mabilisang nagpatuloy. Pinaniniwalaang ang mga muladi (mga Muslim na katutubo ng Iberia) ang bumubuo sa mayorya ng populasyon ng Al-Andalus sa katapusan ng ika-10 dantaon.[19][20]

Ang pamayanang Muslim sa Tangway ng Iberia ay halu-halo at nababalot ng sigalot. Ang mga taong Berber ng Hilagang Aprika, na siyang naglaan ng bulto ng mga mananakop na kawal, ay nakipagtagisan sa mga pinunong Arabe mula sa Gitnang Silangan. Sa pagdaan ng panahon, naging matatag ang malaking populasyong Moro, lalo na sa lambak ng Ilog Guadalquivir, ang kapatagang baybayin ng Valencia, ang lambak ng Ilog Ebro at (sa pagtatpos ng panahong ito) ang bulubunduking rehiyon ng Granada.

Ang Córdoba, ang kabisera ng kalipato mula noong pamumuno ni Abd-ar-Rahman III, ay ang pinakamalaki, pinakamayaman, at pinakasopistikadong lungsod sa kanlurang Europa. Ang kalakalang Mediteraneo at palitan ng kultura ay yumabong. Nag-angkat ang mga Muslim ng mayamang kaugaliang pangkaisipan mula sa Gitnang Silangan at Hilagang Aprika. Ginampanan ng mga iskolar na Muslim at Hudyo ang malaking papel sa muling pagbuhay at pagpapalapad ng klasikong kaalamang Griyego sa Kanlurang Europa. Ilan sa mga mahahalagang pilosopo sa panahong iyon ay sina Averroes, Ibn Arabi at Maimonides. Nagbahaginan ng kulturang Muslim at Hudyo ang maka-Romanong kultura ng Tangway ng Iberia sa masalimuot na pamamaraan, na nagbigay sa rehiyon ng kakaibang kultura.[20] Sa labas ng mga lungsod, kung saan ang mayorya ay naninirahan, ang sistema ng pagmamay-ari ng lupa mula noong panahon ng mga Romano ay nanatiling di-nagalaw sapagkat bihirang mapunta sa mga pinunong Muslim ang lupa, at ang pagpapakilala sa mga bagong pananim at mga pamamaraan ay nagbunsod sa paglawak ng agrikultura.

Noong ika-11 dantaon, nawasak ang mga sakop ng mga Muslim at naging magkakalabang mga kahariang Taifa, na siyang nagbigay ng pagkakataon sa maliliit na mga Kristiyanong estado na mapalaki ang kanilang mga teritoryo. Ang pagdating mula sa Hilagang Aprika ng mga naghaharing sektang Islamiko ng mga Almoravid at Almohad ang siyang nagbalik ng pagkakaisa sa mga sakop ng mga Muslim, taglay ang mas mahigpit ngunit hindi mapilit na pagpapalit patungong Islam, na nagbunga ng pagbawi sa mga yamang Muslim. Ang muling nagkaisang estadong Islamikong ito ay nakaranas ng mga tagumpay sa loob ng higit isang dantaon na siyang bumawas sa mga yamang Kristiyano.

Ang Reconquista (muling pananakop) ay panahong dantaon ang haba kung saan ang pamumunong Kristiyano ay muling naitatag sa Tangway ng Iberia. Ang Reconquista ay tiningnan bilang panimula sa Labanan ng Covadonga na napagwagian ni Don Pelayo noong 722 at kaalinsabay ng panahon ng pananaig ng mga Muslim sa Tangway ng Iberia. Ang pagtatagumpay ng mga kawal-Kristiyano sa mga puwersang Muslim ay nagbunsod sa paglikha ng Kristiyanong Kaharian ng Asturias sa ibayong hilagang-kanluran ng mga baybaying bundok. Di-nagtagal, noong 739, napalayas ang mga puwersang Muslim sa Galicia, na kinalaunan ay siyang naging punong-abala ng isa sa mga pinakabanal na lugar noong gitnang panahon, ang Santiago de Compostela, at isinama sa bagong kahariang Kristiyano. Ang Kaharian ng León ang pinakamalakas na kahariang Kristiyano sa loob ng maraming dantaon. Noong 1188 ang unang makabagong panahong parlamentayo sa Europa ay isinagawa sa León (Cortes ng Leon|Cortes ng León). Ang Kaharian ng Castilla, isinilang mula sa teritoryong Leones, ay siyang sumunod na pinakamalakas na kaharian. Ang mga hari at mga maharlika’y lumaban para sa kapangyarihan at impluwensiya sa panahong ito. Ang halimbawa ng mga Romanong emperador ay ang pulitikal na layunin para sa Korona, samantalang ang mga maharlika nama’y nakinabang sa piyudalismo.

Ang mga kawal-Muslim ay lumikas pahilaga ng Pirineos subalit nagapi sila ng mga puwersang Pransiko sa Labanan ng Poitiers, Frankia. Kinalaunan, nakapagtatag ang mga puwersang Pransiko ng mga maliliit na Kristiyanong bansa sa katimugang bahagi ng Pirineos. Ang mga lugar na ito’y lumaki at naging mga kaharian ng Navarre, Aragon at Katalunya.[21] Sa loob ng maraming dantaon, ang nawawala’t bumabalik na harang sa pagitan ng mga sakop na lugar ng mga Muslim at Kristiyano sa Iberia ay sa ibayong lambak ng Ebro at Duero.

Ang pagkawasak ng Al-Andalus sa pagiging magkakalabang kahariang taifa ang tumulong sa mga nagagaping kahariang Kristiyano sa Iberia na muling lumusob. Ang pagkubkob sa estratehikong gitnang lungsod na Toledo noong 1085 ang nagtala ng malaking paglilipat ng kapangyarihan pabor sa mga kahariang Kristiyano. Kasunod ng muling pag-angat ng mga Muslim noong ika-12 dantaon, ang mga malalakas na sakop ng mga Moro sa timog ay bumagsak sa kamay ng Kristiyanong Espanya noong ika-13 dantaon – ang Córdoba noong 1236 at Sevilla noong 1248 – na nag-iwan lamang sa enclave na Muslim na Granada bilang isang tributaryong estado sa timog.[22]

Sa panahong ito’y nagsimula muling yumabong ang panitikan at pilosopiya sa mga peninsular na kahariang Kristiyano, batay sa mga kaugaliang Romano at Gotiko. Isang mahalagang pilosopo sa panahong ito si Ramon Llull. Si Abraham Cresques ay isang prominenteng kartograpong Hudyo. Ang batas Romano at mga institusyon nito ay naging huwaran ng mga tagapagbatas. Itinuon ni haring Alfonso X ng Castilla ang pansin nito sa pagpapalakas sa mga nakaraang Romano at Gotiko nito, at maging ang pag-uugnay ng mga kahariang Kristiyano ng Iberia sa ibang mga Kristiyanong Europeo ng gitnang panahon. Sinikap niyang maging kinatawang emperador ng Banal na Imperyong Romano at naglathala ng kodigong Siete Partidas. Ang Paaralan ng mga Tagapagsalin ng Toledo (Toledo School of Translators) ay isang pangalang pangkaraniwang naglalarawan sa pangkat ng mga iskolar na sama-samang gumagawa sa lungsod ng Toledo noong ika-12 at ika-13 dantaon, upang isalin ang marami sa mga likhang pilosopikal at siyentipiko mula sa klasikal na Arabe, klasikal na Griyego, at matandang Hebreo. Ang Islamikong transmisyon ng mga klasiko ay ang pangunahing Islamikong ambag sa Europa ng Gitnang Panahon. Ang wikang Kastila ay nabuo mula sa Latin, maging ang ibang wikang Romanse, at ang unang balarila ay nailathala (Cantar de Mio Cid at Antonio de Nebrija).

Noong ika-13 at ika-14 na dantaon, ang sektang Marinid na Muslim na mula sa Hilagang Aprika ay nanakop at nagtatag ng ilang mga enclave sa katimugang baybayin subalit nabigo sa kanilang tangkang itatag muli ang pamunuang Muslim sa Iberia at di nagtagal ay napalayas din. Nasaksihan din ng ika-13 dantaon ang Korona ng Aragon, na nakasentro sa hilagang-silangan ng Espanya, at pinalawak ang naaabot nito sa mga pulo sa Mediteraneo, hanggang Sicilia, at maging sa Athens.[23] Bandang mga panahong ito, naitatag ang mga pamantasan ng Palencia (1212/1263) at Salamanca (1218/1254). Winasak ang Espanya ng Itim na Kamatayan (Black Death) noong 1348 at 1349.[24]

Noong 1469, ang mga korona ng mga kahariang Kristiyano ng Castilla at Aragon ay pinagsanib nang magpakasal sina Isabela I ng Castilla at Fernando II ng Aragon. Nag-umpisa noong 1478 ang katapusan ng pananakop sa Pulo ng Canarias at noong 1492, ang pinagsanib na puwersa ng Castilla at Aragon ang sumakop sa Emirata ng Granada, na siyang nagtapos ng huling bakas ng 781-taong pananatili ng pamunuang Islamiko sa Iberia. Sa taon ding iyon, inutusan ang mga Hudyo sa Espanya na magpalit patungong Katolisismo o harapin ang pagpapatalsik mula sa mga teritoryo ng Espanya noong panahon ng Inkisisyon ng Espanya.[25] Ang Kasunduan sa Granada ay nagtiyak ng kalayaan sa relihiyon ng mga Muslim,[26] at bagama’t hindi buo ang kalayaang iyon, matapos ang Pag-aaklas ng mga Alpujarras noong simula ng ika-17 dantaon, ay tuluyan na ngang napalayas ang mga Muslim.[d][27]

Imperyong Kastila

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang taong 1492 ay panahon ng pagdating sa Bagong Daigdig ni Christopher Columbus, noong panahon ng paglalakbay na pinondohan ni Isabela. Binagtas ng unang paglalakbay ni Columbus ang Atlantiko at narrating ang mga Pulo ng Karibeo, na nagpasimula ng eksplorasyong Europeo at pagsakop sa lupain ng Amerika, bagama’t nanatili siyang kumbinsido na narrating niya ang Silangan.

Bilang mga bagong monarka ng Renasimiyento, ginawang sentralisado nina Isabela at Fernando ang kapangyarihan ng kaharian gamit ang lokal na karangalan, at ang salitang España na ang pinagmulan ay ang sinaunang pangalang Hispania, ay sinimulang gamitin sa pang-araw-araw upang tukuyin ang kabuuan ng dalawang kaharian.[27] Taglay ang kanilang napakalawak na pulitikal, legal, relihiyoso, at makamilitar na mga reporma, lumitaw ang Espanya bilang unang makapangyarihan sa mundo.

Ang pagsasanib ng mga korona ng Aragon at Castilla sa pamamagitan ng pag-iisang dibdib ng nilang mga soberanya ay naging pundasyon ng makabagong Espanya at ng Imperyong Kastila, bagama’t bawat kaharian ng Espanya ay nanatiling hiwalay na bansa, sa aspektong sosyal, pulitikal, batas, salapi, at wika.[28][29]

Ang Espanya ang pangunahing makapangyarihan sa Europa sa kabuuan ng ika-16 na dantaon at sa malaking bahagi ng ika-17 dantaon, isang posisyong pinalakas pa ng kalakalan at ng yaman mula sa mga pagmamay-ari ng mga kolonya at naging pangunahing makapangyarihan sa daigdig sa larangan ng lakbay-dagat o maritima. Narating nito ang kasukdulan noong panahon ng paghahari ng unang dalawang Kastilang Habsburgo – sina Carlos I (1516–1556) at Felipe II (1556–1598). Nakita ng panahong ito ang mga Digmaang Italyano, ang Pag-aalsa ng mga Komunero, ang Pag-aalsang Olandes, ang Pag-aalsang Morisco, mga pakikipagtagisan sa mga Ottoman, ang Digmaang Ingles-Kastila at mga digmaan sa Pransiya.[30]

Sa pamamagitan ng paglalakbay at pagsakop o mga alyansa ng pagpapakasal ng mga maharlika at mga mana, lumawak ang Imperyong Kastila upang isama ang malalaking bahagi ng lupain ng Amerika, mga pulo sa bahaging Asya-Pasipiko, mga lugar sa Italy, mga lungsod sa Hilagang Aprika, maging ang mga bahagi ng ngayon ay Pransiya, Alemanya, Belhika, Luxembourg, at ng Olandiya. Ang unang sirkumnabigasyon sa daigdig ay naganap noong 1519-1521. Ito ang unang imperyo kung saan sinasabing hindi lumubog kailanman ang araw. Ito ang panahon ng pagtuklas, na may matapang na paglalakbay sa dagat at sa lupa, ang pagbubukas ng mga bagong daungang pangkalakalan sa ibayong karagatan, mga pagsakop at pagsisimula ng kolonyalismong Europeo. Kasabay ng pagdating ng mga mamahaling hiyas, pampalasa, luho, at mga bagong halamang pananim, dala-dala ng mga Kastilang manlalakbay ang kaalaman mula sa Bagong Daigdig, at ginampanan ang pangunahing papel sa pagbabago ng pag-unawa ng Europa hinggil sa daigdig.[31] Ang nasaksihang pagyabong ng kultura ay kinikilala na ngayon bilang Ginintuang Panahon ng Espanya. Ang paglawak ng imperyo ay nagbunsod ng malawak at kagyat na pagbabago sa Amerika na nagbunga ng pagbagsak ng mga lipunan at imperyo at mga bagong sakit mula sa Europa na kumitil sa populasyon ng Amerika. Ang paglakas ng humanismo, ang Kontra-Repormasyon, at mga bagong tuklas sa heograpiya at mga pananakop ay nagdala ng mga suliranin na sinagot ng kilusang pangkaisipan na ngayon ay tinatawag na Paaralan ng Salamanca, na bumuo ng mga unang makabagong teorya sa ngayon ay tinatawag na batas pandaigdig at karapatang pantao.

Sa huling bahagi ng ika-16 na dantaon at unang kalahati ng ika-17 dantaon, humarap ang Espanya sa mga di-mapigilang pagsubok sa lahat ng dako. Ang mga barbarong pirata, sa ilalim ng pagtatanggol ng mabilis lumaking Imperyong Ottoman, ay sumira sa buhay ng mga nasa baybayin sa pamamagitan ng kanilang mga pagsalakay para kumuha ng mga alipin at muling binuhay ang banta sa isang pagsakop ng mga naniniwala sa Islam.[32] Ito rin ang panahong ang Espanya ay madalas na nasa digmaan laban sa Pransiya.

Ang mga kilusan upang labanan ang Repormasyong Protestante mula sa Simbahang Katoliko ay humila pa pababa sa kaharian upang pamunuan ang mga digmaang pangrelihiyon. Ang resulta ay isang bansang napilitang palawakin ang mga gawaing pangmilitar sa buong Europa at sa Mediteraneo.[33]

Sa mga kalagitnaang dekada ng digmaan at salot ng ika-17 dantaon sa Europa, dinala sa gulo ng mga Kastilang Habsburgo ang bansa sa mga malawakang hidwaang relihiyon at pulitikal. Ang mga sigalot na ito’y sumaid sa kanilang yaman at nagpabagsak sa ekonomiya sa kabuuan. Nagawa ng Espanya na mahawakan ang mga naghiwa-hiwalay na imperyong Habsburgo, at tinulungan ang mga puwersang imperyo ng Banal na Imperyong Romano na bumawi mula sa malaking bahagi ng mga pag-atakeng isinagawa ng mga puwersang Protestante, subalit sa bandang huli’y napilitang kilalanin ang paghiwalay ng Portugal (kung saan ito’y nakipagkaisa sa isang personal na pagsasanib ng mga korona mula 1580 hanggang 1640) at ng Olanda, at kinalauna’y nagtamo ng mga matitinding pagsalakay-militar sa Pransiya sa mga huling bahagi ng mapanira at sakop ang buong Europa na Tatlumpung Taong Digmaan.[34]

Sa huling kalahati ng ika-17 dantaon, unti-unting humina ang lakas ng Espanya, kung saan isinuko nito ang marami nitong maliliit na teritoryo sa Pransiya at sa Olandiya; gayunpaman, napanatili at napalaki nito ang imperyo sa ibayong-dagat, na hindi nagalaw hanggang noong simula ng ika-19 na dantaon.

Ang paghinang ito’y nagbunsod sa kontorbersiya sa paghalili sa trono na naganap noong mga unang taon ng ika-18 dantaon. Ang Digmaan ng Paghalili sa Espanya ay isang malawakang hidwaang pang-ibayong dagat na sinamahan pa ng digmaang panloob, at kumuha sa mga pagmamay-ari sa Europa at posisyon ng kaharian bilang isa sa mga pangunahing makapangyarihan sa Kontinente.[35] Sa panahon ng digmaang iyon, isang bagong dinastiyang nagmula sa Pransiya, ang mga Bourbon, ang nailuklok. Pinagkakaisa lang ng Korona, isang tunay na estadong Kastila ang naitatag nang pinagkaisa ng unang haring Bourbon, si Felipe V, ang mga korona ng Castilla at Aragon at gawing iisang estado lang, na siyang nag-alis sa marami at mga lumang pribilehiyo at batas sa mga rehiyon.[36]

Ang ika-18 dantaon ay nakitaan ng unti-unting pagbangon at pag-angat ng kabuhayan sa malaking bahagi ng imperyo. Itinulad ng bagong monarkiyang Bourbon sa sistemang Pranses ang pagsasamoderno ng pamunuan at ng ekonomiya. Ang mga kaisipan hinggil sa Kaliwanagan ay nagsimulang lumitaw sa ilan sa mga elitista at monarkiya ng kaharian. Ang tulong militar para sa mga nagrebeldeng kolonya ng Britanya noong Digmaang Amerikano para sa Kasarinlan ay tumulong sa katayuang pang-ibayong dagat ng kaharian.[37]

Liberalismo at estadong-bansa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 1793, sumabak sa digmaan ang Espanya laban sa mapaghimagsik na bagong Republikang Pranses bilang kasapi ng Koalisyon. Hinati sa mga paksiyon ang bansa bilang tugon laban sa mga elitistang Pransipikado. Sa pagkatalo sa laban, isang kasunduan sa kapayapaan ang ginawa kasama ng Pransiya noong 1795. Taong 1807, isang lihim na kasunduan sa pagitan ng mga tropa ni Napoleon at ng kinasusuklamang punong ministro ang nagdala sa pagpapahayag ng digmaan laban sa Britanya at Portugal. Pinasok ng mga tropa ni Napoleon ang bansa upang sakupin ang Portugal subalit sa halip ay kinubkob ang mga pangunahing tanggulan ng Espanya. Ang nalinlang na hari ng Espanya ay nagbitiw sa tungkulin pabor sa kapatid ni Napoleon, si Joseph Bonaparte.

Si Joseph Bonaparte ay itinuring na isang tau-tauhan ng monarka (puppet monarch) at kinukutya ng mga Kastila. Ang himagsikan ng 2 Mayo 1808 ay isa lamang sa maraming makabansang pag-aalsa laban sa rehimeng Bonaparte. Ang mga pag-aaklas na ito ang nagpasimula ng mapangwasak na digmaan para sa kalayaan laban sa rehimeng Napoleon. Napilitan si Napoleon na mamagitan nang personal, na nagpagapi sa maraming kawal-Kastila at sapilitang nagpasuko sa puwersa ng Britanya. Subalit, dahil sa patuloy na kilos-militar ng puwersang Kastila, mga gerilya at mga puwersang Britaniko-Portuges ni Wellington, na sinamahan pa ng bigong pananakop ni Napoleon sa Rusya, napalayas ang puwersang imperyong Pranses mula sa Espanya noong 1814, at napabalik si Haring Fernando VII.

Noong digmaan ng 1810, isang pangkat-rebolusyonaryo, ang Cortes ng Cádiz, ay binuo upang pagsamahin ang lakas laban sa rehimeng Bonaparte at upang maghanda ng isang saligang-batas. Nagsama-sama ito bilang isang pangkat, at kinakatawan ng mga kasapi nito ang buong imperyong Kastila. Noong 1812 isang saligang-batas para sa pandaigdigang representasyon sa ilalim ng isang monarkiyang konstitusyonal ang ipinahayag, subalit matapos ang pagbagsak ng rehimeng Bonaparte, pinawalang-bisa ni Fernando VII ang Cortes Generales at natukoy na mamumuno ito bilang isang monarkiyang absoluto. Naging mitsa ang mga pangyayaring ito ng hidwaan sa pagitan ng mga konserbatibo at mga liberal noong ika-19 at sa unang bahagi ng ika-20 dantaon.

Ang mga puwersang kontra-liberal na kilala bilang mga Carlista ay lumaban sa mga liberal noong mga Digmaang Carlista. Nagwagi ang puwersang liberal, ngunit ang hidwaan sa pagitan ng mga progresibo at konserbatibong liberal ay nagtapos sa isang mahina at maagang panahong konstitusyonal. Matapos ang Maluwalhating Himagsikan (Glorious Revolution) at ng maikling panahon ng Unang Republikang Kastila, isang mas matatag na panahong monarka ang nanaig kaalinsabay ng pagsasanib ng mga progresibo at mga konserbatibong liberal.

Iniwan ng Digmaang Napoleon ang Espanya na bagsak ang ekonomiya, hati-hati at di-matatag ang sitwasyong pampulitika. Sa gitna pa ng mga kaguluhang ito, nagpahayag ng kasarinlan ang mga kolonya ng Espanya sa Amerika, na nagdala ng mga digmaan para sa kalayaan na tumapos sa pagkontrol ng Espanya sa mga pangunahing lupang kolonya nito sa Amerika. Itinuring ang Saligang Batas ng 1812 na masyadong liberal ng mga konserbatibo sa mga kolonya at siyang nagtulak sa marami na sumama sa pakikibaka tungo sa kasarinlan. Ang pagtatangka ni Haring Fernando VII na muling magpakita ng lakas ay balewala dahil hinarap niya ang mga pambabatikos hindi lamang sa mga kolonya nito kundi maging sa Espanya mismo, at sinundan ito ng mga pag-aalsa, na pinamunuan ng mga opisyal na liberal. Sa pagtatapos ng 1826, ang tanging mga kolonyang hawak ng Espanya sa Amerika ay ang Cuba at Puerto Rico.

Sa kahinaan at krisis pang-ekonomiya na tumama sa Espanya noong ika-19 na dantaon, sumibol ang mga kilusang makabansa sa Pilipinas at Cuba. Mga digmaan para sa kasarinlan ang naging bunga nito sa mga kolonyang nabanggit at kinalauna’y nakisali ang Estados Unidos. Ang digmaang pumutok sa tagsibol ng 1898 ay hindi nagtagal. Ang El Desastre (Ang Kasawiang-Palad), mas kilalang tawag sa digmaang iyon sa Espanya, ay nakadagdag pa sa Henerasyon ng 1898 na noong panahong iyo’y nagsasagawa ng pagsusuri hinggil sa bansa.

Bagama’t nagiging masaganang muli ang bansa noong sumunod na dantaon, hindi ganap na kapayapaan ang hatid ng ika-20 siglo; maliit ang papel na ginampanan ng Espanya sa pagsakop sa Aprika, sa pagkakasakop nito sa Kanlurang Sahara, Kastilang Maruekos, at Equatorial Guinea. Nanatiling walang pinanigan ang bansa noong Unang Digmaang Pandaigdig. Ang malalaking pagkaluging tinamo nito noong Digmaang Rif ng 1920 ay nagdala ng kawalang-tiwala sa pamahalaan at nagpahina sa monarkiya.

Ang diktaturyang rehimen sa ilalim ni Heneral Miguel Primo de Rivera (1923–1931) ay nagtapos nang maitatag ang Ikalawang Republikang Kastila. Inalok ng Republika ang awtonomiyang pulitikal sa Basko, Katalunya, at Galisya at nagbigay ng kaparatan sa mga kababaihan na bumoto at unti-unting pinangungunahan ng mga maka-kaliwang radikal. Sa lumalalang kalagayang pang-ekonomiya noong Dakilang Depresyon, nagging higit na radikal at bayolente ang pulitika sa Espanya.

Digmaang Panloob ng Espanya at diktadura

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Digmaang Panloob ng Espanya ay nag-umpisa noong 1936. Sa loob ng tatlong taon, nilabanan ng puwersang Nasyonalista na pinamumunuan ni Heneral Francisco Franco at tinangkilik ng Alemanyang Nazi at Italyang Pasista ang mga maka-Republikano, na sinuportahan naman ng Unyong Sobyet, Mexico at mga Brigadang Internasyonal subalit hindi ito tinangkilik ng Lakas Kanluranin dahil sa pinangunahang patakaran ng Britanya ng hindi-pakikialam. Noong 1939, nanaig si Heneral Franco at naging isang diktador.

Napagtagumpayang labanan ang digmaang panloob at maraming pamamaslang ang isinagawa ng magkabilang paksiyon. Kinuha ng digmaan ang buhay ng mahigit 500,000 tao at naging dahilan ng paglisan ng aabot sa kalahating milyong mga mamamayan mula sa bansa.

Ang estado nang itatag ni Francisco Franco ay maituturing na walang pinapanigan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, bagama't ang simpatya nito ay nasa Axis. Ang tanging ligal na partido sa ilalim ni Franco matapos ang digmaang sibil ay ang Falange Española Tradicionalista y de las JONS, na nabuo noong 1937; binigyang-diin ng partido ang mga kaisipang laban sa Komunismo, Katolisismo, at nasyonalismo. Dahil sa oposisyon ni Franco sa mga magkakalabang partido pulitikal, pinalitan ang pangalan ng partido bilang Kilusang Pambansa (Movimiento Nacional) noong 1949.

Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nakahiwalay sa aspektong pampulitika at pang-ekonomiya ang Espanya, at hindi kabilang sa mga Nagkakaisang Bansa. Nagbago ito noong 1955, noong panahon ng Digmaang Malamig (Cold War), nang maging mahalaga ang bansa sa aspekto ng estratehiya para sa Estados Unidos na makapagtatag ng presensiyang pang-militar nito sa Tangway ng Iberia bilang sagot sa anumang posibleng pagkilos ng Unyong Sobyet sa mga katubigang Mediteraneo. Noong dekada ng 1960, nakapagtala ang Espanya ng hindi pa nagaganap na mabilis na pag-angat ng ekonomiya na nakilala sa tawag ng himala ng Espanya (Spanish miracle), na siyang nagtuloy ng naputol na pagtungo nito sa makabagong ekonomiya.

Noong 1962, nakipagpulong si Salvador de Madariaga, tagapagtatag ng Liberal Internasyonal (Liberal International) at ng Kolehiyo ng Europa (College of Europe), sa kongreso ng Kilusang Europeo (European Movement) sa Munich kasama ang mga oposisyong kontra sa rehimeng Franco, na naganap sa loob ng bansa at sa pinagtapunang bansa. May 118 mga pulitiko mula sa lahat ng paksiyon ang naroon. Sa katapusan ng mga pagpupulong, isang resolusyong pabor sa demokrasya ang isinagawa.

Pagbabalik sa Demokrasya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa pagkamatay ni Franco noong Nobyembre 1975, si Juan Carlos ang umupo sa puwesto bilang Hari ng Espanya at pinuno ng estado sang-ayon na rin sa batas. Sa pagtanggap ng bagong Saligang Batas ng Espanya ng 1978 at sa pagbabalik ng demokrasya, nagkaloob ng maraming kapangyarihan ang Estado sa mga rehiyon at lumikha ng panloob na organisasyon batay sa mga nagsasariling pamayanan.

Sa Basko, ang pag-angat ng nasyonalismong Basko ay sinabayan ng kilusang makabansang radikal na pinangungunahan ng armadong samahan na ETA. Nabuo ang pangkat noong 1959 sa panahon ng paghahari ni Franco subalit nagpatuloy sa mga marahas na kampanya kahit sa panahon ng pagbabalik ng demokrasya at pagkakaloob muli ng maraming kapangyarihan sa mga nagsasariling pamayanan.

Noong 23 Pebrero 1981, kinubkob ng mga rebeldeng kasapi ng mga puwersang panseguridad ang Cortes sa pagtatangka nitong gawing kontrolado ng militar ang pamahalaan. Personal na pinakilos ni Haring Juan Carlos ang militar at matagumpay na inutusan ang mga nagsagawa ng kudeta, sa pamamagitan ng pambansang telebisyon, na sumuko.

Noong dekada ng 1980, naging posible ang isang lumalaking bukas na lipunan dahil sa pagbabalik ng demokrasya. Lumitaw ang mga bagong pagkilos pang-kultura batay sa kalayaan, gaya ng La Movida Madrileña. Noong 30 Mayo 1982, sumali ang Espanya sa NATO, matapos ang isang plebisito. Noong taon ding iyon, naging makapangyarihan ang Partido Sosyalista ng mga Manggagawa ng Espanya (Partido Socialista Obrero Español o PSOE), ang unang maka-kaliwang pamahalaan matapos ang 43 taon. Noong 1986, sumali ang Espanya sa Pamayanang Europeo, na kinalauna'y naging Unyong Europeo. Pinalitan ang PSOE sa pamahalaan ng Partido Popular (PP) matapos magwagi ang huli sa Pangkalahatang Halalan ng 1996; sa puntong iyon nakapagsilbi ang PSOE ng halos 14 na tuluy-tuloy na taon sa serbisyo.

Noong 1 Enero 2002, itinigil na ng Espanya ang paggamit ng peseta bilang salapi at pinalitan ito ng euro, na siyang ginagamit din ng 16 na ibang mga bansa sa loob ng Eurozone.

Kinakitaan din ang Espanya ng malakas na pagsulong ng ekonomiya, higit na mataas kaysa sa karaniwan sa EU; gayunpaman, sa gitna ng pag-imbulog ng ekonomiya ay ipinag-alala ng maraming ekonomista na ang sobrang taas na presyo ng mga ari-arian at ang mataas na foreign trade deficit o mas malaking pag-angkat kaysa pagluwas ng bansa, ay maaaring magdala patungo sa pagbagsak ng ekonomiya, na siya ngang nakumpirma sa pagbulusok ng ekonomiyang tumama sa bansa noong 2008-09.[38]

Isang serye ng mga pambobomba sa mga pampublikong tren sa Madrid, Espanya ang naganap noong 11 Marso 2004. Matapos ang limang taong paglilitis noong 2007 napatunayang ang pambobomba'y pinamunuan ng isang lokal na militanteng grupong Islamista na hango ang paniniwala sa al-Qaeda.[39] Kumitil ng 191 tao ang mga pambobomba at nag-iwan ng mahigit 1,800 sugatan, at maaaring ang layunin ng mga nagpasimuno nito'y impluwensiyahan ang kalalabasan ng pangkalahatang halalan ng Espanya ng 2004, na isinagawa tatlong araw makalipas nito.[40]

Bagaman at nakatuon sa pangkat Basko na ETA ang mga paunang hinala, hindi nagtagal at lumabas ang mga ebidensiyang nagtuturo sa posibleng kilusang Islamista. Dahil naganap ito nang malapit na ang halalan, ang isyu kung sino ang responsable ay mabilis na naging isang kontrobersiyang pampulitika, kung saan ang mga partidong PP at PSOE ay nagpapalitan ng mga akusasyon sa kung sino ang dapat managot sa nangyari.[41] Sa eleksiyon noong 14 Marso, ang PSOE, na pinangunahan ni José Luis Rodríguez Zapatero, ay nakakuha ng pluralidad o mayoryang boto, sapat upang bumuo ng bagong gabinete, na kung saan si Rodríguez Zapatero ang bagong Presidente del Gobierno o Punong Ministro ng Espanya, na ang ibig sabihi'y pinalitan nito ang dating administrasyong PP.[42]

Sa panahong iyon, ang Espanya ay naging isa sa mga pinakasekular na lipunan sa Europa, na naging isa sa mga nauna sa mundo na nagpahintulot sa pagpapakasal sa kaparehong kasarian (same sex marriage).

Ang pagputok ng tinatawag na bulá ng mga ari-arian ng Espanya (Spanish property bubble) noong 2008 ang nagpasimula ng krisis sa pananalapi ng Espanya mula 2008-2013.

Noong 19 Hunyo 2014, iniwan ni Juan Carlos ang kanyang trono at napunta sa kanyang anak, na naging si Felipe VI.

Sa lawak na 505,992 km2 (195,365 mi kuw), ang Espanya ay ang ika-52 pinakamalaking bansa. Maliit ito ng 47,000 km2 (18,000 mi kuw) kaysa Pransiya at malaki ito ng 81,000 km2 (31,000 mi kuw) kaysa estado ng Estados Unidos na California. Ang bundok ng Teide (Tenerife) ang pinakamataas na bundok sa Espanya at ikatlong pinakamataas na bulkan sa daigdig mula sa paanan nito.

Ang lokasyon ng Espanya ay naglalaro sa pagitan ng 26° at 44° N latitud, at 19° W longhitud.

Sa kanluran, nasa hangganan ng Espanya ang Portugal; sa timog naman, hinahangganan nito ang Gibraltar (isang teritoryo ng Britanya sa ibayong-dagat) at Maruekos, sa pamamagitan ng mga exclave nito sa Hilagang Aprika (Ceuta, Melilla, at Peñón de Vélez de la Gomera). Sa hilagang-silangan, kahilera ng bulubunduking Pirineos, hinahangganan nito ang Pransiya at ang munting Prinsipado ng Andorra. Kahilera ng Pirineos sa Girona, ang isang maliit na bayang exclave na tinatawag na Llívia ay pinaliligiran ng Pransiya.

Kabilang sa Espanya ang mga Pulo ng Baleariko sa Dagat Mediteraneo, ang mga Pulo ng Canarias sa Karagatang Atlantiko at ang marami pang hindi-pinaninirahang mga pulo sa tabi ng Mediteraneo sa Kipot ng Gibraltar, na tinatawag na plazas de soberanía (mga teritoryo sa ilalim ng soberanya ng Espanya), gaya ng mga Pulo ng Chafarinas, Alhucemas, at ang maliit na Pulo ng Perejil. Ang Pulo ng Alborán, na matatagpuan sa Mediteraneo sa pagitan ng Espanya at Hilagang Aprika, ay pinamamahalaaan din ng Espanya, partikular na ng munisipalidad ng Almería, Andalusia. Ang maliit na Pheasant Island sa Ilog Bidasoa ay isang kondominyum ng Espanya-Pransiya.

Pulo Populasyon
Tenerife 899,833
Majorca (Mallorca) 862,397
Gran Canaria 838,397
Lanzarote 141,938
Ibiza 125,053
Fuerteventura 103,107
Minorca (Menorca) 92,434
La Palma 85,933
La Gomera 22,259
El Hierro 10,558
Formentera 7,957
Arousa 4,889
La Graciosa 658
Tabarca 105
Ons 61

Mga bundok at ilog

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pangunahing kalupaan ng Espanya ay isang mabulubunduking lugar, na pinangingibabawan ng mga matataas na talampas at mga bulubundukin. Maliban sa Pirineos, ang mga pangunahing bulubundukin ay ang ordillera Cantábrica, Sistema Ibérico, Sistema Central, Montes de Toledo, Sierra Morena at ang Sistema Penibético kung saan ang pinakamataas na ituktok, ang may taas na 3,478 m na Mulhacén, na matatagpuan sa Sierra Nevada, ay ang pinakamataas na timbaw (elevation) sa buong Tangway ng Iberia. Ang pinakamataas na ituktok sa Espanya ay ang Teide, isang aktibong bulkan sa Pulo ng Canarias na may taas na 3,718 metro (12,198 talampakan). Ang Meseta Central ay isang malawak na talampas sa pusod ng kalupaang Espanya.

May ilang mga pangunahing ilog sa Espanya gaya ng Tagus, Ebro, Guadiana, Douro, Guadalquivir, Júcar, Segura, Turia at Minho. Matatagpuan naman ang mga kapatagang alubyal (alluvial plains) o mga kapatagang nabuo mula sa mga naanod na lupa ng ilog ay matatagpuan sa mga baybayin, ang pinakamalaki sa kanila ay ang nasa Guadalquivir sa Andalusia.

Ang Saligang Batas ng Espanya ng 1978 ay isang kulminasyon ng pagtungo ng Espanya sa demokrasya.

Mga sangay ng pamahalaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Espanya ay isang monarkiyang konstitusyonal, kung saan may monarkang nagmamana at isang parlamentong bikameral, ang Cortes Generales o Pangkalahatang Hukuman. Ang sangay tagapagpaganap o ehekutibo ay binubuo ng Konseho ng mga Ministro na pinangunguluhan ng Punong Ministro, na iminungkahi ng monarka at pinagtibay ng Kapulungan ng mga Kinatawan matapos ang halalang lehislatibo. Batay sa nakaugaliang pampulitikang binuo ni Haring Juan Carlos mula noong pinagtibay ang Saligang Batas ng 1978, ang lahat ng mga nominasyon ng hari ay mula sa mga partidong may pinanghahawakang pluralidad ng puwesto (plurality of seats) sa Kapulungan.

Ang sangay tagapagbatas o lehislatibo ay binubuo ng Kapulungan ng mga Kinatawan (Congreso de los Diputados) na may 350 mga miyembro, na pinili batay sa popular na botong may angkop na representasyon upang maglingkod ng apat na taong termino, at ng Senado na may 259 puwesto, kung saan 208 rito ay tuwirang hinalal at 51 ang pinili ng rehiyunal na lehislatura sa tungkuling nagtatagal ng apat na taon.

Ugnayang Panlabas ng Espanya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagkatapos ang pagbalik ng demokrasya kasunod ng pagkamatay ni Franco noong 1975, ang naging pangunahing layunin ng patakarang panlabas ng Espanya ay ang kumawala sa diplomatikong pag-iisa (diplomatic isolation) at palawakin ang diplomatikong ugnayan, pumasok sa Pamayanang Europeo at itakda ang ugnayang pangseguridad nito sa Kanluran.

Ang Espanya ay kilalang may maraming wika,[43] at itinatadhana ng saligang-batas na pangangalagaan ng bansa “ang lahat ng mga Kastila at mga mamamayan ng Espanya sa paggamit nito ng mga karapatang pantao, ng kanilang mga kultura at tradisyon, mga wika at mga institusyon.”[44]

Ang wikang Kastila (español)—opisyal na kinikilala ng saligang-batas bilang castellano—ay ang opisyal na wika ng buong bansa, at karapatan at tungkulin ng bawat Kastila na matutuhan ang wika. Itinataguyod din ng saligang-batas na ang “ibang mga wika sa Espanya” ay magiging opisyal din sa kani-kanilang mga nagsasariling pamayanan ayon na rin sa kanilang mga batas na tinatawag nilang Estatuto de Autonomía, mga organikong rehiyunal na tagapagbatas, at yaong “kayamanan ng natatanging lingguwistikang modalidad ng Espanya ay kumakatawan sa isang pamanang magiging simbolo ng natatanging paggalang at pagtatanggol.”[45]

Ang iba pang mga opisyal na wika sa Espanya, kasamang kinikilala ng Kastila, ay:

  • Wikang Basko (euskara) sa Basko at Navarre;
  • Katalan (català) sa Katalunya, sa mga Pulong Baleariko at sa Pamayanang Valenciano, kung saan ang natatanging modalidad ng lengguwahe ay opisyal na kilala bilang Valenciano (valencià); at
  • Wikang Galisya (galego) sa Galisya

Batay sa bahagdan ng pangkalahatang populasyon, ang Wikang Basko ay sinasalita ng 2% nito, Katalan (o Valenciano) ng 17%, at Wikang Galisya ng 7% ng lahat ng mga Kastila.[46]

Sa Katalunya, ang Wikang Aranes (aranés), isang lokal na diyalekto ng wikang Oksitano, ay ipinahayag na kasamang wikang opisyal ng Katalan at Kastila simula noong 2006. Ito ay sinasalita lamang sa comarca ng Val d'Aran ng halos 6,700 tao. Ang iba pang minoryang wikang Romanse, bagama’t hindi opisyal, ay may natatanging pagkilala, gaya ng pangkat Astur-Leones (Asturiano, asturianu; tinatawag ding "bable", sa Asturias[47] at Leones, llionés, sa Castilla at León) at Aragones (aragonés) sa Aragon.

Sa nagsasariling lungsod ng Espanya sa Hilagang Aprika na Melilla, ang Riff Berber ay sinasalita ng may katamtamang bahagi ng populasyon. Sa mga lugar panturista ng baybaying Mediteraneo at sa mga pulo nito, ang Ingles at Aleman ay malawak na sinasalita ng mga turista, mga naninirahang banyaga, at mga manggagawa sa turismo.

Ang pang-estadong edukasyon ng Espanya ay libre at sapilitan mula sa edad na 6 hanggang 16. Ang kasalukuyang sistemang pang-edukasyon ay itinatag ng batas pang-edukasyon ng 2006, ang LOE (Ley Orgánica de Educación), o Batayang Batas ng Edukasyon.[48]

Mga Relihiyon sa Espanya (sa porsiyento)
Katolisismo
  
69
Walang relihiyon
  
26
Ibang pananampalataya
  
2
Walang sagot
  
3
Datos mula sa sumusunod na batis:[49]

Ang Katolisismong Romano ay naging pangunahing relihiyon ng Espanya sa mahabang panahon, at bagama’t wala na itong opisyal na posisyon sa batas, sa lahat ng pampublikong paaralan sa Espanya, ang mga mag-aaral ay kinakailangang pumili ng klase sa relihiyon o sa etika, at ang Katolisismo lamang ang tanging relihiyong opisyal na itinuturo. Ayon sa isang pag-aaral noong Abril 2014 ng Sentrong Kastila para sa Pananaliksik sa Pakikipagkapwa-Tao (Spanish Centre for Sociological Research), halos 69% ng mga Kastila ang nagsabing sila’y Katoliko, 2% ang ibang pananampalataya, at halos 26% na ang nagsabing wala silang relihiyon (9.4% ng kabuuan ay mga ateista). Karamihan sa mga Kastila’y hindi regular na sumasama sa mga gawaing panrelihiyon. Sinabi rin ng parehong pag-aaral na mula sa mga Kastilang nagsabing may relihiyon sila, 59% nito ay bibihira o hindi pumupunta sa simbahan, 15% nama’y pumupunta sa simbahan paminsan-minsan sa isang taon, 8% paminsan-minsan sa isang buwan, at 14% tuwing Linggo o maraming beses kada linggo.[49]

Lahat-lahat, halos 22% ng buong populasyong Kastila ay dumadalo sa mga gawaing panrelihiyon kahit isang beses sa isang buwan. Bagama’t ang lipunang Kastila ay maituturing na naging mas sekular nitong mga huling dekada, ang pagdating ng mga migranteng Latino Amerikano, na isa sa mga aktibong mananampalatayang Katoliko, ay nakatulong sa Simbahang Katoliko na makabangon.

Nagkaroon na rin ng apat na Kastilang Santo Papa, sina Damasus I, Calixtus III, Alexander VI at Benedict XIII. Naging mahalagang labang pangkaisipan ang mistisimong Kastila kontra sa Protestantismo sa pangunguna ni Teresa ng Ávila, isang repormistang madre. Ang Lipunan ni Hesus (Society of Jesus) ay itinatag ni Ignacio ng Loyola.

May 1,200,000 kasapi ang mga simbahang Protestante. Mayroon namang halos 105,000 Saksi ni Jehova. Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay tinatayang may 46,000 tagasunod sa 133 kongregasyon nito sa lahat ng rehiyon sa bansa at may templo sa Distrito Moratalaz ng Madrid.

Isang pag-aaral na isinagawa ng Unión de Comunidades Islámicas de España ang nagpapakita na may halos 1,700,000 mananampalatayang Muslim ang nananahan sa Espanya nitong 2012, na kumakatawan sa 3-4% ng buong populasyon ng Espanya. Ang malaking bahagdan nito ay binubuo ng mga migrante at mga angkang orihinal na nagmula sa Maruekos at sa ibang mga bansang Aprikano. Higit sa 514,000 (30%) nito ang may pagkamamamayang Kastila.

Ang mga migrasyon nitong huli ay nagbunsod din sa paglaki ng bilang ng mga Hindu, Budista, Sikh, at mga Muslim. Matapos ang Reconquista noong 1492, hindi pinahintulutan ang mga Muslim na manirahan sa Espanya sa loob ng maraming dantaon. Ang kolonyal na pagpapalawak noong huling bahagi ng ika-19 na dantaon sa hilagang-kanluraning Aprika ay nagbigay sa ilang mga residente ng Kastilang Maruekos at Kanlurang Sahara ng ganap na pagkamamamayan. Napagtibay ang kanilang mga katayuan sa pamamagitan ng mga migrasyon nitong huli, partikular na mula sa Maruekos at Algeria.

Ang Judaismo ay maituturing na hindi umiiral sa Espanya mula noong pagpapatalsik noong 1492 hanggang noong ika-19 na dantaon, kung kalian muling pinayagan ang mga Hudyo na pumasok sa bansa. Sa kasalukuyan, may humigit-kumulang 62,000 Hudyo sa Espanya, o 0.14% ng kabuuang populasyon. Karamihan ay mga nagmula sa nakaraang dantaon, habang ang iba ay mga inanak ng naunang mga Hudyong Kastila. Halos 80,000 Hudyo ang maituturing na nanahan sa Espanya bago ang Inkisisyong Kastila.

Bagama't marami nang uri ng futbol ang nalaro sa Espanya mula pa noong panahon ng mga Romano, ang palakasan o isport sa Espanya ay matagal nang dominado ng estilong Ingles na futbol o association football mula pa noong unang bahagi ng ika-20 dantaon. Ang Real Madrid C.F. at FC Barcelona ay dalawa sa mga pinakamatatagumpay na mga koponang futbol sa buong mundo. Ang pambansang koponang futbol ng bansa'y nagwagi sa Kampeonatong Futbol Europeo ng UEFA (UEFA European Football Championship) noong 1964, 2008 at 2012, at sa Kopang Pandaigdig ng FIFA (FIFA World Cup) noong 2010, at siyang unang koponang nagwagi ng tatlong sunud-sunod na torneong internasyonal.

Ang mga larong basketbol, tenis, cycling, handball, futsal, motorcycling, at nitong huli, Formula One, ay mahahalaga rin dahil sa pagkakaroon ng mga kampeong Kastila sa lahat ng mga disiplinang ito. Ngayon, ang Espanya ay isang pangunahing powerhouse sa palakasan sa daigdig, lalo na mula noong Palarong Olimpiko sa Tag-init 1992 (1992 Summer Olympics) na ginanap sa Barcelona, na nagpataas ng interes sa palakasan sa bansa. Ang industriya ng turismo ay nagbunsod sa pagpapaunlad ng mga imprastraktura sa palakasan, lalo na sa mga palakasan sa tubig, golf at skiing.

Si Rafael Nadal ay ang nangungunang Kastila manlalaro ng tenis at nagwagi na ng maraming titulong Grand Slam kasama na ang isahang laro sa mga lalaki (men's singles) ng Wimbledon 2010. Sa hilagang Espanya, ang laro ng pelota ay napakapopular. Si Alberto Contador ay ang nangungunang siklistang Kastila at nagwagi na ng maraming titulong Grand Tour kabilang ang dalawang titulong Tour de France.

Mga pista opisyal at pagdiriwang

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga pista opisyal (public holidays) sa Espanya ay kinabibilangan ng halong pang-relihiyon (Katoliko Romano), pambansa, at pang-rehiyong paggunita. Bawat munisipalidad ay pinahihintulutang magpahayag ng hindi hihigit sa 14 na pista opisyal bawat taon; hanggang siyam sa mga ito'y pinili ng pamahalaan at hindi naman bababa sa dalawa ang pinili ng bayan. Ang Pambansang Araw ng Espanya (Fiesta Nacional de España) ay sa 12 Oktubre, ang anibersaryo ng Pagkakatuklas sa Amerika at pag-alaala sa pista ng Ina ng Haligi (Our Lady of the Pillar), ang patron ng Aragon at ng kabuuan ng Espanya.

  1. Ang opisyal na wikang pambansa ng Estado na itinakda sa Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng Espanya ng 1978 ay Kastila.[1] Sa ilang nagsasariling pamayanan, ang Katalan, Galisyano at Basko ay mga kinikilalang rehiyonal na wika. Ang Aranes at Asturiano ay may natatanging antas ng opisyal na pagkilala.
  2. Maliban sa Kapuluan ng Canarias, na nag-oobserba ng UTC+0 (WET) at UTC+1 kapag panahon ng tag-init.
  3. Ang .eu na domain ay ginagamit din, dahil ito ay pinagsasalu-saluhan din kasama ng ibang mga kasaping estado ng Unyong Europeo. Isa pa, ang .cat na domain ay ginagamit sa mga teritoryong nagsasalita ng Katalan.
  4. Para sa kaugnay na sumunod na mga pagpapalayas, tingnan ang Morisco.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Maliban kung tuwirang tutukuyin, ang lahat ng mga sanggunian ay orihinal na nakasulat sa wikang Ingles. Isinalin ang mga bahagi ng pinagkunang pahinang web batay sa konsepto at pagkakaunawa ng mga sumulat ng artikulo.

  1. "The Spanish Constitution". Lamoncloa.gob.es. Nakuha noong 20 Set 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Anuario estadístico de España 2006. 1ª parte: entorno físico y medio ambiente" (PDF). Instituto Nacional de Estadística (Spain) (sa wikang Kastila). Nakuha noong 5 Hun 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Population Figures at 1 January 2013" (PDF). Instituto Nacional de Estadística (INE). Nakuha noong 13 Ago 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Censos de Población y Viviendas de 2011" (PDF) (sa wikang Kastila). Instituto Nacional de Estadística (INE). (sa Kastila)
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 "Spain". International Monetary Fund. Nakuha noong 27 Hunyo 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Gini coefficient of equivalized disposable income (source: SILC)". Eurostat Data Explorer. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Marso 2016. Nakuha noong 22 Hul 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "2014 Human Development Report" (PDF). 14 Mar 2013. pp. 21–25. Nakuha noong 27 Hul 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. English, Leo James (1977). "España, Español, Espanyola, Kastila, Kastelyano". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Burk, Ulick Ralph (2nd edition, 2008). A History of Spain from the Earliest Times to the Death of Ferdinand the Catholic, Volume 1. London: Longmans, Green & Co. p. 14. ISBN 978-1-4437-4054-8. {{cite book}}: Check date values in: |date= (tulong)
  10. 10.0 10.1 Anthon, Charles (1850). A system of ancient and mediæval geography for the use of schools and college. New York: Harper & Brothers. p. 14.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Abrabanel, Commentary on the First Prophets (Pirush Al Nevi'im Rishonim), katapusan ng 2 Mga Hari, pp. 680-681, Jerusalem 1955 (Hebreo). Tingnan din: Shelomo (binabaybay ding Sholomo, Solomon o Salomón) ibn Verga, Shevet Yehudah, pp. 6b-7a, Lemberg 1846 (Hebreo)
  12. "'First west Europe tooth' found". BBC. 30 Hun 2007. Nakuha noong 9 Ago 2008.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Typical Aurignacian items were found in Cantabria (Morín, El Pendo, El Castillo), the Basque Country (Santimamiñe) and Catalonia. The radiocarbon datations give the following dates: 32,425 and 29,515 BP.
  14. Bernaldo de Quirós Guidolti, Federico; Cabrera Valdés, Victoria (1994). "Cronología del arte paleolítico" (PDF). Complutum. 5: 265–276. ISSN 1131-6993. Nakuha noong 17 Nob 2012. {{cite journal}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. 15.0 15.1 Payne, Stanley G. (1973). "A History of Spain and Portugal; Ch. 1 Ancient Hispania". The Library of Iberian Resources Online. Nakuha noong 9 Ago 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. 16.0 16.1 Rinehart, Robert; Seeley, Jo Ann Browning (1998). "A Country Study: Spain – Hispania". Library of Congress Country Series. Nakuha noong 9 Ago 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. H. Patrick Glenn (2007). Legal Traditions of the World. Oxford University Press. pp. 218–219. Dhimma provides rights of residence in return for taxes.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Lewis, Bernard (1984). The Jews of Islam. Princeton: Princeton University Press. p. 62. ISBN 978-0-691-00807-3. Dhimmi have fewer legal and social rights than Muslims, but more rights than other non-Muslims.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Islamic and Christian Spain in the Early Middle Ages. Chapter 5: Ethnic Relations, Thomas F. Glick
  20. 20.0 20.1 Payne, Stanley G. (1973). "A History of Spain and Portugal; Ch. 2 Al-Andalus". The Library of Iberian Resources Online. Nakuha noong 9 Ago 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Rinehart, Robert; Seeley, Jo Ann Browning (1998). "A Country Study: Spain – Castile and Aragon". Library of Congress Country Series. Nakuha noong 9 Ago 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "Ransoming Captives in Crusader Spain: The Order of Merced on the Christian-Islamic Frontier". Nakuha noong 13 Ago 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Tingnan din: Payne, Stanley G. (1973). "A History of Spain and Portugal; Ch. 4 Castile-León in the Era of the Great Reconquest". The Library of Iberian Resources Online. Nakuha noong 9 Ago 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Payne, Stanley G. (1973). "A History of Spain and Portugal; Ch. 5 The Rise of Aragón-Catalonia". The Library of Iberian Resources Online. Nakuha noong 9 Ago 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. "The Black Death". Channel 4. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-07-09. Nakuha noong 13 Ago 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. "Spanish Inquisition left genetic legacy in Iberia". Newscientist.com. 4 Dis 2008. Nakuha noong 18 Ene 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. "The Treaty of Granada, 1492". Islamic Civilisation. Nakuha noong 13 Ago 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. 27.0 27.1 Rinehart, Robert; Seeley, Jo Ann Browning (1998). "A Country Study: Spain – The Golden Age". Library of Congress Country Series. Nakuha noong 9 Ago 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. "Imperial Spain". University of Calgary. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-06-29. Nakuha noong 13 Ago 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. Handbook of European History. Books.google.es. 1994. ISBN 9004097600. Nakuha noong 26 Abr 2013.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. Payne, Stanley G. (1973). "A History of Spain and Portugal; Ch. 13 The Spanish Empire". The Library of Iberian Resources Online. Nakuha noong 9 Agosto 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. Thomas, Hugh (2003). Rivers of gold: the rise of the Spanish Empire. London: George Weidenfeld & Nicholson. pp. passim. ISBN 978-0-297-64563-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. Ayon kay Robert Davis mula isa hanggang 1.25 milyong Europeo ang nabihag ng mga taga-Hilagang Aprikang piratang Muslim at ipinagbili bilang mga alipin noong ika-16 at ika-17 dantaon.
  33. "The Seventeenth-Century Decline". The Library of Iberian resources online. Nakuha noong 13 Ago 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. Payne, Stanley G. (1973). "A History of Spain and Portugal; Ch. 14 Spanish Society and Economics in the Imperial Age". The Library of Iberian Resources Online. Nakuha noong 9 Ago 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. Rinehart, Robert; Seeley, Jo Ann Browning (1998). "A Country Study: Spain – Spain in Decline". Library of Congress Country Series. Nakuha noong 9 Ago 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. Rinehart, Robert; Seeley, Jo Ann Browning (1998). "A Country Study: Spain – Bourbon Spain". Library of Congress Country Series. Nakuha noong 9 Ago 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. Gascoigne, Bamber (1998). "History of Spain: Bourbon dynasty: from AD 1700". Library of Congress Country Series. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-02-22. Nakuha noong 9 Ago 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. Pfanner, Eric (11 Hul 2002). "Economy reaps benefits of entry to the 'club' : Spain's euro bonanza". International Herald Tribune. Nakuha noong 9 Agosto 2008.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Tingnan din: "Spain's economy / Plain sailing no longer". The Economist. 3 Mayo 2007. Nakuha noong 9 Ago 2008.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. "Al-Qaeda 'claims Madrid bombings'". BBC. 14 Mar 2004. Nakuha noong 13 Ago 2008.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link) See also: "Madrid bombers get long sentences". BBC. 31 Okt 2007. Nakuha noong 13 Ago 2008.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. "Del 11-M al 14-M: estrategia yihadista, elecciones generales y opinión pública". Fundación Real Instituto Elcano. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Enero 2009. Nakuha noong 9 Ago 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. Bailey, Dominic (14 Ma 2004). "Spain votes under a shadow". BBC. Nakuha noong 13 Ago 2008. {{cite news}}: Check date values in: |date= (tulong)
  42. Bailey, Dominic (15 Mar 2004). "Spain awakes to socialist reality". BBC. Nakuha noong 13 Ago 2008.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  43. Conversi, Daniele (2002). "The Smooth Transition: Spain's 1978 Constitution and the Nationalities Question" (PDF). National Identities, Vol 4, No. 3. Carfax Publishing, Inc. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 11 Mayo 2008. Nakuha noong 28 Enero 2008. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  44. Preamble to the Constitution Cortes Generales (27 Disyembre 1978). "Spanish Constitution". Tribunal Constitucional de España. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Enero 2012. Nakuha noong 28 Enero 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  45. Third article. Cortes Generales (27 Disyembre 1978). "Spanish Constitution". Tribunal Constitucional de España. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Enero 2012. Nakuha noong 28 Enero 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  46. "CIA – The World Factbook – Spain". Cia.gov. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Mayo 2020. Nakuha noong 30 Abril 2011. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  47. "Junta General del Principado de Asturias". Junta General del Principado de Asturias. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Enero 2009. Nakuha noong 13 Agosto 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  48. La Ley Orgánica 2/2006. Retrieved 23 September 2009
  49. 49.0 49.1 "Barómetro Abril 2014" (PDF) (sa wikang Kastila). Centro de Investigaciones Sociológicas (Centre for Sociological Research). Abril 2014. p. 26. Nakuha noong 6 Abril 2014. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pamahalaan
Mapa
Turismo