Pumunta sa nilalaman

Felipe II ng Espanya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Felipe II ng Espanya
Kapanganakan21 Mayo 1527 (Huliyano)
  • (Lungsod ng Valladolid, Valladolid Province, Castilla y León, Espanya)
Kamatayan13 Setyembre 1598
LibinganCripta Real del Monasterio de El Escorial
MamamayanEspanya
Trabahoruler
Opisinamonarko ()
monarko ()
AsawaMaria Manuela, Prinsesa ng Portugal (12 Nobyembre 1543 (Huliyano)–12 Hulyo 1545 (Huliyano))
Maria I ng Inglatera (25 Hulyo 1554 (Huliyano)–17 Nobyembre 1558 (Huliyano))
Elisabeth ng Valois (2 Pebrero 1560 (Huliyano)–3 Oktubre 1568 (Huliyano))
Anna ng Austria, Reyna ng Espanya (12 Nobyembre 1570 (Huliyano)–26 Oktubre 1580 (Huliyano))
AnakCarlos, Prinsipe ng Asturias
Isabella Clara Eugenia
Infanta Catherine Michelle ng Espanya
Ferdinand, Prinsipe ng Asturias
Diego, Prinsipe ng Asturias
Felipe III ng Espanya
Magulang
Pirma

Si Haring Felipe II ng Espanya o Felipe II (21 Mayo 1527 – 13 Setyembre 1598) ay ang unang opisyal na Hari ng Espanya mula 1556 hanggang 1598, hari ng Napoles at Sicilia mula 1554 hanggang 1558, Hari ng Inglatera (kasamang rehente ni Maria I) mula 1554 hanggang 1558, Hari ng Portugal at Algarves (bilang Felipe I) mula 1580 hanggang 1598 at Hari ng Tsile mula 1554 hanggang 1556.

Malaki ang naiambag ng Haring Felipe II sa kasaysayan ng Inglatera sa panahon ng mga Tudoros. Si Haring Felipe II debusyonadong Katoliko at asawa ni Maria I ng Inglatera. Nang mamatay ang kanyang asawang si Maria I, naging mortal itong kaaway ni Reyna Isabel I ng Inglatera, isang debusyonadang Protestante. Isang tanyag at makapangyarihang hari si Felipe II ng Espanya, katunayan hindi lamang ang lupain ng bansang Espanya ang kanyang nasasakupan, kundi pati na rin ang iba't ibang bahagi ng Europa. Nabibilang dito ang Pilipinas sa Asya sa kanyang mga lupaing nasakop.

Ang buhay at ang mga nagawa ni Haring Felipe II ng Espanya

  • 1527 : ang digmaan. Isinilang na anak ng Romanong Emperor na si Charles V at ni Isabela ng Portugal
  • 1543 : Ikinasal kay Maria ng Portugal
  • 1554 : Muling naikasal kay Maria I ng Ingletera
  • 1556 : Naging Koronadong Hari ng Espanya. Bilang bagong hari ng bansang Espanya, inialay ng kanyang ama ang mga lupain nito sa kanya tulad ng Naples, Netherlands, Sicilia at ang Milano
  • 1559 : Muling ikinasal kay Elizabeth ng Pransiya, pagkamatay ni Maria I.
  • 1567 : Nagpadala ng kanyang mga sundalo sa Netherlands upang sugpuin ang nagaalsang mga protestante sa bansa.
  • 1571 : Pinaalis nito ang mga Muslim sa Espanya.
  • 1571 : Labanang dagat, nanalo ang espanya laban sa mga Turko.
  • 1580 : Sinalakay at nasakop ang Portugal.
  • 1584 : Natapos ang ginawang palasyong El Escorial malapit sa Madrid.
  • 1588 : Nagpadala ng mga Armadang Espanyol si haring Felipe II upang sakupin ang Inglatera.
  • 1590–1598 : Simula ng digmaang Espanya at Huguenots sa Pransiya.
  • 1598 : Ika-30 ng Setyembre, namatay si Haring Felipe II.


TalambuhayEspanya Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Espanya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.