Pumunta sa nilalaman

Ginintuang Panahon ng Kastila

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Ginintuang Panahon ng Espanya)
Ang Don Quixote de la Mancha ni Miguel de Cervantes Saavedra.

Ang Ginintuang Panahon ng mga Kastila (Kastila: Siglo de Oro) ay isang yugto ng pagsibol ng sining at panitikan sa Espanya, na kasabay din ng paglaki at pagtatapos Kastilang Dinastiyang Habsburgo. Ang Siglo de Oro ay hindi nagmumungkahi ng mga tiyak na petsa at karaniwang itinuturing na umiral ito ng higit pa sa isandaang taon. Nagsimula ito pagkatapos ng 1492, kasama ng katapusan ng Rekongkista, mga paglalakbay sa laot ni Cristobal Colon sa Bagong Daigdig, at sa paglalathala ng Gramática de la lengua castellana ("Balarila ng Wikang Kastila") ni Antonio de Nebrija. Sa politika, ito ay nagtatapos ng di-lalampas sa 1659, kasabay ng Tratado ng Pirineos, na pinirmahan sa pagitan ng Pransiya at Habsburgong Espanya. Ang huling dakilang manunulat noong panahong ito, si Pedro Calderón de la Barca, ay namatay noongh 1681, at ang kaniyang kamatayan ay kadalasang itinuturing bilang katapusan ng Siglo de Oro sa larangan ng sining at panitikan.

Mga Karagdagang Babasahin

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Edward H. Friedman and Catherine Larson, eds. Brave New Words: Studies in Spanish Golden Age Literature (1999)
  • Hugh Thomas. The Golden Age: The Spanish Empire of Charles V (2010)
  • Victor Stoichi, ed. Visionary Experience in the Golden Age of Spanish Art (1997)

Espanya Ang lathalaing ito na tungkol sa Espanya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.