Pumunta sa nilalaman

Rekongkista

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
La rendición de Granada (1882) ni Francisco Pradilla Ortiz

Ang Rekongkista (Kastila at Portuges: Reconquista o "pagsakop muli"; Ingles: Reconquest) ay isang yugto ng kulang-kulang na 700 taon (539 sa Portugal) noong Gitnang Panahon na kung saan ang ilang mga Kristiyanong kaharian sa Tangway ng Iberia ay nagtagumpay sa pagbawi (at pagpapatao) ng tangway mula sa Muslim na lalawigan ng Al-Andalus.

Mga Pangunahing Petsa

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • 711: Ang Muslim na pananakop sa Iberia ay nagsimula
  • 718: Ang pamamahalang Islamiko ng mga Moro ay nasa pinakamalawak nito, nasasaklaw halos ang buong Tangway ng Iberia, ang Kabundukan ng Pireneos at pati na rin ang timog ng Pransiya
  • 718: Nagsimula ang Rekongkista sa malayong hilaga. Labanan ng Covadonga.
  • 800: Natapos ng mga Prangko ang pagbawi sa Pireneos bilang ang Marca Hispana.
  • 801: Nabawi ng mga Prangko ang Barcelona.
  • 914: Ang hilagang-kanlurang bahagi ng Iberia ay nabawi ng mga Kristiyano. Ang Barcelona ay nasakop muli ng mga Muslim, ngunit panandalian lamang.
  • 1130: Ang kalahati ng Iberia ay nabawi na ng mga Kristiyano.
  • 1249: Nakuha ni Haring Alfonso III ng Portugal ang Faro (sa Algarve), na sa gayon ay nawala na ang huling estadong Muslim sa lupaing Portuges at sa pagsapit ng 1250, nagtapos ang Rekongkistang Portuges.[1]
  • 1492: Tinapos ng Tratado ng Granada ang Rekongkistang Kastila.

Espanya

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Setton, Kenneth Meyer, A History of the Crusades: The Fourteenth and Fifteenth Centuries, (University of Wisconsin Press, 1976), 432.


KasaysayanPortugal Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan at Portugal ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.