Pumunta sa nilalaman

Christopher Columbus

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Cristobal Colon)
Christopher Columbus
Cristobal Colon  

Cristóbal Colón
Posthumong larawan ni Christopher Columbus na iginuhit ni Ridolfo Ghirlandaio.
KapanganakanAgosto o Oktubre 25-31 1451
Kamatayan(1506-05-20)Mayo 20, 1506
sa labas ng Valladolid, Espanya
NasyonalidadHenoves
Ibang pangalanCristoforo Colombo
Cristóbal Colón
TrabahoManggagalugad na naglalayag para sa Korona ng Kastilya
TituloAdmiral ng Karagatang Dagat;
Biseroy at Gobernador ng Kaindiyahan (Indies)
AsawaFilipa Moniz (c. 1476-1485)
AnakDiego
Fernando
Kamag-anakGiovanni Pellegrino, Giacomo at Bartolomeo Columbus (mga kapatid na lalaki)

Si Christopher Columbus ay pinaniniwalaang mula sa Genoa, bagaman pinaniniwalaan din na mula siya sa ibang lugar, mula sa Korona ng Aragon o sa mga Kaharian ng Galicia o Portugal. Isa siyang eksplorador at mangangalakal na tinawid ang Karagatang Atlantiko at nakarating sa Amerika noong 12 Oktubre 1492 sa ilalim ng watawat ng Espanya. Naniwala siyang ang daigdig ay isa lamang maliit na bilog, at tinaya na ang isang barko ay makakarating sa Malayong Silangan kung tatahakin ang pakanlurang direksiyon.

Ang malawakang paniniwala na kinalaban ni Columbus ang ideya na ang daigdig ay patag ay isa lamang kathang isip ni Washington Irving. Sa katotohanan, maraming nang tao noong panahon niya ang naniniwalang bilog ang mundo. Ngunit ang tunay na debate ay kung maaari nga bang maglayag palibot sa buong mundo nang hindi nauubusan ng rasyong pagkain o maligaw sa mga lugar na walang hangin. Bagama't hindi siya ang unang nakarating sa Amerika, ang kanyang eksplorasyon ang nagtatag ng matibay na ugnayan sa pagitan ng mga Luma at Bagong Mundo.