Pumunta sa nilalaman

Corey Maggette

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Corey Maggette
Si Maggette nung siya ay nasa Warriors pa noong Nobyembre 2009
Personal information
Born (1979-11-12) 12 Nobyembre 1979 (edad 44)
Melrose Park, Illinois
NationalityAmerican
Listed height6 tal 6 pul (1.98 m)
Listed weight225 lb (102 kg)
Career information
High schoolFenwick (Oak Park, Illinois)
CollegeDuke (1998–1999)
NBA draft1999 / Round: 1 / Pick: ika-13 overall
Selected by the Seattle SuperSonics
Playing career1999–2013
PositionSmall forward / Shooting guard
Number5, 50
Career history
1999–2000Orlando Magic
20002008Los Angeles Clippers
20082010Golden State Warriors
2010–2011Milwaukee Bucks
2011–2012Charlotte Bobcats
2012–2013Detroit Pistons
Career highlights and awards

Corey Antoine Maggette (ipinanganak noong Nobyembre 12, 1979 sa Melrose Park, Illinois, U.S.) ay isang retiradong Amerikanong propesyonal na basketbolista, na huling naglaro para sa Detroit Pistons ng NBA. Naging katangi-tangi siya sa Fenwick High School (Chicago, Illinois) sa in Oak Park, Illinois, kung saan isa syang All-American sa basketball at kabilang sa mga finalist ng Illinois high school state track para sa long jump at triple jump. Siya ay napili bilang 12th overall pick noong 1999 NBA Draft mula sa Duke University ng Seattle SuperSonics, ngunit agaran ding na-trade papuntang Orlando Magic. Kasama ng kakamping si Elton Brand, kasama si Maggette sa hanay ng mga naunang mag-aaral mula sa Duke na maagang umalis ng kolehiyo para makapaglaro sa NBA sa panahon ni coach Mike Kryzewski.

Sa kanyang karera kasama ng CLippers, gumawa ng pangalan si MAggette bilang isang maasahang forward at naging kilala sa paggawa ng 20 o higit pang puntos kada laro. Ang kanyang kakaibang taas sa pagtalon 9nakilahok siya sa Slam Dunk COntest noong 2001 NBA All-Star weekend at ang kanyang kakayahang kumuha ng foul upang makapunta sa free throw line, si Maggette ay laging napapabilang sa league leaders para sa free throws attempted at free throws made. Namayagpag si Maggette noong 2004-2005, at nakagawa ng career high sa puntos, rebounds, assists, at free throw percentage habang pinangunahan niya ang Clippers upang tapusin ang nasabing season na may record na 37-45, na isa sa pinakamaganda nilang pagtatapos sa loob ng maraming taon. Dahil sa kanyang foot injury, hindi siya naglaro sa karamihan ng mga laban noong 2005-06 season Bumalik siya noong 2006-07 season at maganda ang mga ipinakita niyang laro kahit na napapabalita na meron silang hindi pagkakaunawaan ng coach na si Mike Dunleavy. Nagtala ng napakagandang laro si Maggette noong ika-12 ng Abril, 2007, laban sa Lakers, kung saan gumawa siya ng 39 na puntos upang ipanalo habulin ang lamang ng kalaban na 19 na puntos at iuwi ang panalo.

Buhay publiko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa labas ng basketball court, si Maggette ay kilala sa kanyang pakikipagtulungan sa Clippers Reading All-Star Team na nagbibigay tulong sa kabataan at sa kanyang kawang-gawa sa pamamagitan ng pagbibigay donasyon sa mga hospital. Ag kanyang programang "Uh Oh Maggette-O Kids" ay nagdadala ng daan-daang kabataan ng libre sa laro ng Clippers taon-taon. Noong 1999, itinatag niya ang sariling niyang "Corey Maggette Flight 50 Basketball Camp". SA simula ay nag-imbita siya ng 50 kabataan (na numerong kanyang sinusuot sa laro) sa unang taon ng kanyang camp. Matapos ang halos isang dekada, ang nasabing camp ay tumatanggap ng lampas sa 600 kabataan kada taon. Naparangalan na ito ng "NBA Player's Best Camp Award." Noong Hunyo ng 2006, itinatag din niya ang "Corey Cares Foundation" upang paglingkuran, turuan, at magpakita ng magandang halimbawa sa mga mahihirap ng komyunidad ng basketball at sports. Makikita din si Maggette sa mga kalsada ng LA na pumirma ng autograph para sa mga bata at pamilya.

Pribadong buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Corey ay kasal sa kanyang matagal ng kasintahan noong June 2006, sa San Diego, California. Ang kanyang kakampi na si Elton Brand at dating kakampi na si Bobby Simmons ay pumunta sa kasal. Sa kasalukuyan, si Maggette ay naninirahan sa Playa Vista, California, kung saan itatayo ang bagong training facility ng Clippers.

Kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]