Cosmopolitan Church
Cosmopolitan Church | |
---|---|
Relihiyon | |
Pamumuno | Rev. Phoebe C. Dakanay,[1] Administrative Pastor |
Taong pinabanal | 1933 |
Katayuan | aktibo |
Lokasyon | |
Lokasyon | 1368 Taft Ave. Cor. Kalyeng Apacible, Ermita, Maynila, Pilipinas |
Ang Cosmopolitan Church (Tagalog:Simbahang Kosmopolita) ay isang simbahang Protestante sa Maynila sa Pilipinas.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pagkatatag ng Cosmopolitan Church ay nangyari nang 60 na miyembro ng Simbahang Metodista Sentral sa Kalyeng Kalaw sa Ermita, Maynila ay humiwalay sa Americanong Simbahang Metodistang Episcopal noon Marso ng 1933. Ang paghihiwalay ay pinagunahan nila Rev. cipriano Navarro, Dr. Melquides Gamboa at Rev. Samuel Stagg. Sila ay naging instrumental sa pagkatatag ng Simbahang Metodistang Episcopal ng Pilipinas na naging daan sa pagkatatag ng Simbahang Mag-aaral ng Cosmopolitan.[2]
Ang gusali ng Cosmopolitan ay naitayo noong 1936. Mula 1942 hanggang 1944 ang gusali ng simbahan ay ginamit bilang base ng operasyon bilang parte ng hukbong guerilla laban sa mga mananakop na Hapones noon Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang gusali ay napasailalim ng mga Hapones noong Septyembere 1944. Nasunog ang gusali dulot ng Labanan sa Maynila noon 1945, at ipinatayo muli pagkatapos ng digmaan. Noon 1948 ang Cosmopolitan Church, noong parte ng Simbahang Metodista ng Pilipinas ay naging kasapi ng United Church of Christ in the Philippines. Noong 2012, pinutol ng Cosmopolitan Church ay ugnayan nito sa UCCP.[3]
Gusali
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang simbahan ay kasalukuyang sinasakop ang Rigos Hall, isang apat na palapag na gusali. Ang Rigos Hall ay ipinangalan sa dating pastor sa ngalan ni Dr. Cirilio A. Rigos noong Mayo 15 1996. Ang pagpapangalan ay dulot ng pagratipika ng isang Kapasiyahang Espesyal ng Simbahang Konseho.[4]
Ang Santuwaryong Pang-alaala ni Mary Boyd Stagg sa loob ng Rigos Hall ay isang lugar para sa pananampalatayakung saan idinaraos ang mga Misa ng simbahan. Sa 1999 sa kaganapan ng ika-66th anibersaryo ng simbahan, walong panel ng stained glass ay ikinabit sa santuwaryo.[5]
Galerya
[baguhin | baguhin ang wikitext]-
Pasilya
-
Palatandaang Historikal
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Church Admin". Cosmopolitan Church. Cosmopolitan Church. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Disyembre 2013. Nakuha noong 28 Abril 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "History - Our Beginings". Cosmopolitan Church (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-06-30. Nakuha noong 30 Hunyo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cosmopolitan Church (sa Ingles) (Palatandaan sa labas ng gusali). Sa pasukan ng Cosmopolitan Church sa Maynila: Pambansang Institutong Pangkasaysayan ng Pilipinas. 2005.
- ↑ Rigos Hall (sa Ingles) (Palatandaan sa loob ng gusali). Lobi ng Cosmopolitan Church sa Maynila: Cosmopolitan Church. 24 Hunyo 1996.
- ↑ Thanksgiving Marker (sa Ingles) (Palatandaan sa loob ng gusali).Santuwaryong Pang-alaala ni Mary Boyd Stagg, Cosmopolitan Church sa Maynila: Cosmopolitan Church. 21 Marso 1996.
Mga panlabas na kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Opisyal na Websayt Naka-arkibo 2015-06-30 sa Wayback Machine.