Cosplay (Salin)
Ang cosplay ay binubuo ng iba’t ibang elemento tulad ng:
Kostyum: Ito ang pangunahing elemento ng cosplay. Ito ay kinabibilangan ng damit, sapatos, at iba pang aksesorya na ginagamit upang magpakatao ng isang tiyak na karakter.
Makeup: Ito ay ginagamit upang magbigay-buhay sa karakter na ginagampanan ng cosplayer.
Wig: Ginagamit upang magbigay-buhay sa buhok ng karakter.
Props: Ito ay kinabibilangan ng mga bagay tulad ng espada, baril, o iba pang aksesorya na ginagamit upang magpakatao ng isang tiyak na karakter
Cosplay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang “costume play” o Cosplay ay isang uri ng performans art kung saan karaniwang ipinapakita ng mga kalahok ang mga gawi (pananamit, pag-uugali ng karakter batay sa isang anime) ng mga napili nilang fiksiyonal karakter batay sa kung paanong inilalarawan at/o ipinapakita ang mga karakter sa isang komiks (gaya ng Manga), tokusatsu, video games, hentai o iba-ibang barayti ng palabas. Ang mga karakter na karaniwang itinatanghal ng mga kalahok ay mula sa bansang Hapon ngunit unti-unti na ring sinasabayan ito ng mga karakter mula sa mga Sci-Fi at cartoons mula sa Amerika.
Terminolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Hapon na si Nobuyuki Takahashi ng Japanese Studio Hard ang lumikha ng salitang cosplay mula sa mga salitang: costume at play, habang nakikilahok sa isang pagpupulong sa Los Angeles Science Fiction Worldcon noong 1984.
Pakikilahok sa Cosplay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga cosplayers ay karaniwang nagmumula sa antas na tinatawag na otaku—o ang mga indibidwal na nahuhumaling sa Manga, isang komiks mula sa bansang Hapon. Karaniwan silang nagtitipon-tipon sa mga pampublikong pagdiriwang gaya ng comic-book at ¬video game trade shows. Sa bansang Hapon (distrito ng Harajuku sa Tokyo), madalas nagsasama-sama ang mga grupo ng kabataan na may mataas na antas ng pagkakatulad (gaya ng pagkakahilig sa iisang fiksiyonal karakter batay sa nabasa o napanood nilang komiks at/o palabas) upang iparada ang kostyum ng [mga] napiling karakter. Magmula 1998, ang distrito ng Akihabara sa Tokyo ang may pinakamalaking bilang ng cosplay cafe, na nagbibigay-serbisyo sa mga indibidwal na nahihilig sa cosplay. Sa mga nabanggit na cafe rin, karaniwang naka-kostyum ang mga naghahatid ng serbisyo; ang kasuotan ng mga kasambahay o katulong (sa madaling salin ng Ingles na maid; ngunit walang pagtaya sa kontekstong maka-Pilipino—kapwa) ang siyang pinakamadalas na ginagamit sa karamihan ng mga cosplay cafes. Samantalang, karaniwan namang ginaganap sa mga kumbensyong pang-anime ang cosplay sa ibang panig ng mundo liban sa bansang Hapon. Ang pinakamalaking pagdiriwang ng cosplay sa loob ng bansang Hapon ay ginaganap sa Comiket habang ang pinakamalaking pagdiriwang naman ng cosplay sa labas nito ay ginaganap sa taunang San Diego Comic-Con sa California, Estados Unidos. Samantalang ang pinakamalaking pagdiriwang ng cosplay sa Inglatera ay ang London MCM Expo sa ExCeL, London. Reiya ang tawag ng mga cosplayers sa kanilang sarili sa loob ng bansang Hapon. Ang mga kumukuha naman ng mga larawan na cosplayers din ay tinatawag na cameko, o pinaikling “Camera Kozo” o “Camera Boy”.
Mga Kostyum
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang cosplay ay iba sa mga pagdiriwang gaya ng Mardi Gras o Halloween hindi lamang sa mga kostyum na isinusuot ng mga kalahok kundi pati na rin sa magkaibang layunin ng mga ito. Ang pangunahing layunin kasi ng cosplay ay ang malikhaing interpretasyon: sinusubukan ng nagtatanghal na maging siya mismo ang karakter na kanyang itinatanghal gaya nang kung papaanong umaarte ang isang indbidwal na nagtatanghal sa teatro. Ang mga isinusuot na kostyum ay nararapat lamang na maging replika ng mga damit na isinusuot mismo ng isang fiksiyonal na karakter mula sa isang komiks o palabas upang mabigyan ng tunay na buhay ang isang fiksiyonal na karakter sa labas ng komiks tungo sa totoong mundo. Karaniwang binibili o pinapasadya pa ng mga cosplayers ang mga damit na kanilang itatanghal sa nabanggit na pagdiriwang. Sa kasalukuyan, pinag-aaralan ng mga cosplayers ang mga teknik sa fibreglass work, iskultura, pagpipinta sa mukha at fashion upang sila na rin mismo ang makalikha ng mga kakailanganin nila sa kanilang pagsabak sa cosplay.
Sekswalidad
[baguhin | baguhin ang wikitext]Crossplay ang tawag kapag ginagampanan ng isang lalaki (o babae) ang papel na ginagampanan ng isang babae (o lalaki) batay sa kasarian habang crossdress naman ang tawag kapag nagsuot ng pambabae (o panlalaki) ang isang lalaki (o babae). Halimbawa, ang isang babaeng cosplayer na gumaganap bilang isang lalaki habang nakasuot (bilang kanyang kostyum) ng damit panlalaki (gaya halimbawa ng damit ng isang Samurai) ay kapwa tatawaging cross-dresser at cross-player at ganoon din kapag binaligtad (lalaki nakadamit pambabae at gumaganap bilang babae). Sinasabing umusbong ang crossplay at crossdress sa pagtatanghal tuwing may cosplay bunga ng mga karakter na lumalabas sa komiks at palabas na karaniwa’y mga lalaki; kaya nangailangan pa ang mga babae (batay sa kasarian) na magbihis lalaki habang ginagampanan ang papel bilang isang lalaki. Ang nabanggit na karakter (dominanteng lalaki) ay tinatawag na bishonen (beautiful youths) bilang katumbas ng mga karakter gaya nina Peter Pan at Ariel sa Kanluran.
Cosplay sa Kanluran
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang popularidad ng cosplay sa bansang Hapon ay ‘di nangangahulugang ito’y katangi-tangi at sikat lamang sa loob ng kanilang bansa o na ito’y pampalipas-oras lamang ng mga Hapon at/o Asyano. Ang salitang cosplay, bagamat nagmula sa bansang Hapon ay naging penomenon din sa loob ng bansang Amerika. Halos limampung taon din naging laganap ang pagsusuot ng iba-ibang kostyum sa Amerika na sinundan naman ng mabilis na paglago ng nabanggit na pagdiriwang sa iba-ibang bahagi ng Hilagang Amerika at Europa na sa kasalukuyan ay umaabot na rin sa Timog Amerika kasama na rin ang Australya. Ang Kanluraning tradisyon ng “cosplay” ay nagmumula sa mga Sci-Fi na palabas at historical fantasy na iba sa anime na umusbong sa Silangan partikular sa bansang Hapon. Kung ating babalikan, mas naging madali para sa mga taga-Kanluran na magsuot o gumawa ng mga action figures ng mga karakter mula sa mga pelikula gaya ng Star Trek, Star Wars, Doctor Who. Lord of the Rings at Harry Potter kaysa halimbawa sa mga Asyano. Ang patuloy na paglobo ng bilang ng mga nalikhang anime ng bansang Hapon sa labas ng Asya noong katapusan ng taong 1990 ang siyang nagbunga sa paglobo ng bilang ng mga Amerikano at iba pang taga-Kanluran na makilahok sa cosplay habang ginagampanan ang isang karakter na buhat sa komiks mula sa bansang Hapon at samaktwid pagganap bilang isang Hapon. Ang mga nagiging kalahok sa pagdaraos ng cosplay ay hindi lamang ginagampanan ang isang karakter na Hapon ngunit hinaluan na rin nila ito ng mga karakter mula sa mga pelikula gaya ng Pirates of the Caribbean, Star Wars at Predator. Naging karaniwan na rin kung makikita sa nabanggit na pagdaraos ang mga karakter mula sa Disney, Final Fantasy at Heartless na mula naman sa larong Kingdom Hearts
Pinaikling salin ng mas mahabang artikulong Cosplay na nasa wikang Ingles
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tala ng mga Kaugnay na Paksa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Sexy Cosplay Naka-arkibo 2018-11-16 sa Wayback Machine.
- The Largest Organised Cosplay Gallery Naka-arkibo 2012-03-21 sa Wayback Machine.
- Brief history of Cosplay in the UK Naka-arkibo 2011-07-10 sa Wayback Machine.
- Cosplay (Salin) sa Proyektong Bukas na Direktoryo
- Cosplay in South East Asia
- [1] www.comicsninja.com
- HOW TO COSPLAY - Top 10 ways to perfect cosplay without ending up on a snark site.