Pumunta sa nilalaman

Dalawang taludtod

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Couplet)

Ang dalawang taludtod o paraedo[1] ay isang pares ng mga linya ng sukat sa mga tula. Kadalasan ito ay binubuo ng dalawang linya na magkatugma at magkatulad ang sukat. Ang dalawang taludtod ay maaaring maging pormal o run-on. Sa isang pormal na dalawang taludtod, may pansamantalang pagtigil sa bawat linya na nagpapahiwatig na mayroong gramatikang pahinga sa dulo ng linya ng berso. Sa isang run-on na kopla, ang kahulugan ng unang linya ay nagpapatuloy sa ikalawang linya.

Sa wikang Ingles, tinatawag na couplet ang dalawang taludtod na nagmula sa salitang Pranses na nangangahulugang "dalawang piraso ng bakal na pinagsama-sama." Una itong ginamit upang ilarawan ang sunod-sunod na linya sa berso ng Arcadia, isang tuluyan na isinulat ni Sir P. Sidney noong 1590: "In singing some short coplets, whereto the one halfe beginning, the other halfe should answere." ("Sa pag-awit ng ilang maikling dalawang taludtod na ang isa ay simula at ang susunod na isa ay dapat magbigay ng sagot.")

Kahit na nakaugalian nang magkatugma ang mga ito, hindi lahat ng mga dalawang taludtod ay nagtutugma. Maaaring gumamit ng espasyo ang mga tula upang tukuyin ang mga dalawang taludtod hindi nagtutugma. Ang mga dalawang taludtod sa isang iambic pentameter ay tinatawag na mala-bayaning dalawang taludtod. Si John Dryden noong ika-16 hanggang ika-17 na siglo at si Alexander Pope noong ika-18 na siglo ay parehong kilala sa paggamit ng ganitong uri ng dalawang taludtod. Ang epigramong mala-tula ay isang ring dalawang taludtod. Ang mga dalawang taludtod ay maaari rin maging bahagi ng mas komplikadong pamamaraan ng pagtutugma, tulad ng mga soneto.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Almario, Virgilio. "Panitikan ng Pagsampalataya: Isang Paglitis/Pagtistis sa Wika't Retorika ng Pananakop". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-07-15. Nakuha noong 1 Abril 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)