Pumunta sa nilalaman

Crispus Attucks

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Crispus Attucks
Kapanganakan1723
  • (Middlesex County, Massachusetts, Estados Unidos ng Amerika)
Kamatayan5 Marso 1770
LibinganGranary Burying Ground
MamamayanKaharian ng Gran Britanya
TrabahoMandaragat

Si Crispus Attucks (c. 1723 – 5 Marso 1770) ay isa sa limang taong napatay sa Masaker sa Boston sa Boston, Masatsutets. Malimit siyang tinatawag bilang unang martir ng Rebolusyong Amerikano at ang nag-iisang biktima ng Masaker sa Boston na palagiang naaalala ang pangalan. Nananatili siyang isang mahalaga at inspirasyonal na katauhan sa kasaysayan ng Amerika.

Kaunti lamang ang nalalaman hinggil kay Attucks maliban na lamang sa kaganapang Masaker sa Boston. May pirapirasong mga ebidensiya ang nagmumungkahing maaaring nagmula sa liping Aprikanong Amerikano at Katutubong Amerikano (mga Indiyan sa Estados Unidos). Noong kaagahan ng ika-19 daantaon, habang nakabubuwelo na ang kilusang Abolisyonista sa Boston, iniangat si Attucks bilang isang halimbawa ng isang itim na Amerikanong nagkaroon ng gampanin bilang isang bayani sa kasaysayan ng Estados Unidos. Dahil maaaring mayroon din siyang mga ninunong Amerikanong Indiyanong Wapanoag, may kahalagahan din ang kanyang salaysay sa maraming mga Katutubong Amerikano.


TalambuhayEstados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.