Pumunta sa nilalaman

Karikitan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Cute)

Ang karikitan ay isang uri ng pang-akit na madalas na nakabatay sa pagkabata. Ipinakilala ni Lorenz ang dalumat ng baby schema (Kindchenschema), na isang hanay ng pangmuka at pangkatawang katangian na napagmumukang “marikit” ang isang nilalang at napapabisa ang talab sa iba na alagaan ito.[1] Maaring maturing na marikit ang mga tao pati narin ang mga kagamitan na kinikilalang kaakit-akit o kaaya-aya.[2]

Katangian ng bata

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang kaibahan sa laki ng ulo (lalo na kung ihahambing sa panga) na isang wangis na sanhi ng paggulang
Dalawang marikit na Baroque na anghel galing sa Timog Germany, mula sa gitnang-18 dantaon, na yari sa lindenwood at pilak, na may tunay na polychromy, sa Metropolitan Museum of Art (New York City)

Si Doug Jones, na isang dumadalaw na iskolar ng agham pantao sa Pamantasan ng Cornell, ay sinabi na ang laki ng mga bahagi ng muka ay nagpapalit ng laki sa paggulang dahil sa pagbabago sa matigas na himaymay at malambot na himaymay, at sinabi rin ni Jones na itong mga "pagbabagong nakabatay sa gulang" ay nagdudulot sa mga batang hayop na magkaroon ng natatanging marikit na itsura na may lalong maliit na nguso, lalong mataas na noo, at lalong malaking mga mata kung ihahambing sa matatanda. Sa mga matigas na himaymay, sinabi ni Jones na ang neurocranium ay lumalago nang madalas sa mga bata at ang mga buto ng ilong at ibang bahagi ng bungo na sangkot sa pagnguya ay nakakarating lamang sa maximum na paglago sa dulo ng pagtanda. Sa mga malambot na himaymay, sinabi ni Jones na ang makunat na himaymay ng tainga at ilong ay patuloy na lumalago sa kabuuan ng buhay ng isang tao. Simula sa gulang na 25, ang kilay ay bumababa galing pagkalagak sa itaas ng supraorbital rim patungo sa ibaba nito. Ang "lateral aspect ng kilay" ay lumalaglag sa paggulang, na ginagawang lalong maliit ang pagkakita sa mga mata, at ang pulang bahagi ng labi ay lumiliit sa pagtanda dahil sa paglaho ng mga nag-uugnay na himaymay.[3]

Natagpuan ng isang pananaliksik na ang mga muka ng "kaakit-akit" na Northern Italian Caucasian na mga bata ay may "katangian ng pagkasanggol" tulad ng “malaking noo," “maliit na panga," "isang malaki at malawak na maxilla," lalong malawak na mukha, isang patag na muka, at lalong malaking "anteroposterior" na pangmukang panig, kung ihahambing sa Northern Italian Caucasian na mga bata na pinagbatayan.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Glocker ML, Langleben DD, Ruparel K, Loughead JW, Valdez JN, Griffin MD, Sachser N, Gur RC. "Baby schema modulates the brain reward system in nulliparous women." Proceedings of the National Academy of Sciences – U.S.A 2009 June 2;106(22):9115–9119.
  2. "cute, adj.". OED Online. March 2012. Oxford University Press. (accessed April 29, 2012).
  3. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang DJones); $2
  4. Preedy, V.R. (2012). Handbook of anthropometry: Physical measures of human form in health and disease. New York: Springer Science. ISBN 978-1-4419-1787-4