Pumunta sa nilalaman

Cysticercosis

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Cysticercosis
Magnetic resonance na imahe ng taong may eurocysticercosis na ipinapakita ang maraming bukol sa loob ng utak.
EspesyalidadInfectious diseases Edit this on Wikidata

Ang Cysticercosis ay isang impeksiyon sa tisyu na dulot ng isang larva (cysticercus) ng pork tapeworm o bulate ng baboy (Taenia solium).[1][2] Ang mga taong may kaunti o walang sintomas ng ilang taon, ay maaaring magkaroon ng humigit-kumulang na isa hanggang dalawang sentimetrong walang pananakit na bukol sa balat at kalamnan, o may mga sintomas kaugnay ng sistema ng nerbiyo o utak kung naapektuhan ang utak.[3][4] Pagkalipas ang mga buwan o taon na ang mga bukol na ito ay maaaring maging masakit at mamaga at saka ito pagpapasyahan. Sa mga paunlad na mga bansa, ito ang pinakakaraniwang sanhi ng pangingisays.[3]

Sanhi at Dayagnosis

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ito ay karaniwang makukuha sa pamamagitan ng pagkain ng mga pagkaing nagtataglay ng mga itlog ng bulate. Ang mga hindi nalutong gulay ang pinakamalaking sanhi.[2] Ang mga itlog ng bulate ay galing sa dumi o tae ng taong may impeksiyon ng malalaking bulate, isang kondisyon na kilala bilang taeniasis.[3][5] Ang taeniasis ay ibang sakit at dulot ng pagkain ng mga bukol o cysts sa hindi masyadong naluto na karne ng baboy.[2] Ang mga taong may kasama sa bahay na may bulate ay may mas malaking posibilidad na magkaroon ng cysticercosis.[5] Ang pagsuri ng sakit ay isinasagawa sa pamamagitan ngaspiration sa isang bukol.[3] Ang pagkuha ng mga larawan ng utak gamit ang computer tomography (CT) o magnetic resonance imaging (MRI) ang pinakaepektibo para sa pagsuri ng sakit sa utak. Ang pagtaas ng bilang ng puting selyula ng dugo, na tinatawag na eosinophils, sa cerebral spinal fluid o malinaw na likido sa mga espasyo sa loob at paligid ng gulugod at utak at dugo ay ginagamit rin bilang palatandaan.[3]

Pag-iwas at paggamot

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang impeksiyon ay epektibong maiiwasan sa pamamagitan ng personal na kalinisan sa katawan at kalinisan sa kapaligiran. Kasama na dito ang: paglutong mabuti ng karne ng baboy, maayos na mga kubeta o palikuran maayos na mapagkukunan ng malinis na tubig. Ang paggamot sa mga taong mga taeniasis ay mahalaga para maiwasan ang pagkalat nito.[2] Ang paggamot ng sakit na walang kaugnayan sa sistema ng nerbiyo o utak ay hindi kinakailangan.[3] Ang paggamot sa mga taong may neurocysticercosis ay maaaring sa pamamagitan ng praziquantel o albendazole. Ang mga ito ay malamang na mangailangan ng matagal na panahon. Ang mgasteroid, na kontra sa pamamaga sa panahon ng paggamot, at mga kontra sa pangingisay na gamot ay maaari ring kailanganin. Kung minsan isinasagawa ang operasyon para matanggal ang mga bukol.[2]

Pag-aaral tungkol sa epidemya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang bulate sa karne ng baboy ay patikular na karaniwan sa Asya, Sub-Saharan Africa, at Latin America.[3] Sa mga ilang lugar, pinapaniwalaan na hanggang 25% ng tao ay may impeksiyon ng ganito.[3] Sa mga maunlad na mundo, hindi ito napakapambihira.[6] Sa buong mundo hanggang 2010, naging sanhi ito ng humigit-kumulang na 1,200 kamatayan, mas tumaas ng 700 kaysa noong 1990.[7] Ang cysticercosis ay nakakaapekto rin sa mga baboy at baka pero bihirang magdulot ng mga sintomas dahil sa karamihan ng mga ito ay di nabubuhay nang matagal.[2] Ang sakit ay nangyayari sa mga tao sa buong kasaysayan.[6] Ito ay isa sa mga napapabayaang tropikal na sakit.[8]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Roberts, Larry S.; Janovy, Jr., John (2009). Gerald D. Schmidt & Larry S. Roberts' Foundations of Parasitology (ika-8 (na) edisyon). Boston: McGraw-Hill Higher Education. pp. 348–351. ISBN 978-0-07-302827-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 "Taeniasis/Cysticercosis Fact sheet N°376". World Health Organization. Pebrero 2013. Nakuha noong 18 Marso 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 3.6 3.7 García HH, Gonzalez AE, Evans CA, Gilman RH (Agosto 2003). "Taenia solium cysticercosis". Lancet. 362 (9383): 547–56. doi:10.1016/S0140-6736(03)14117-7. PMC 3103219. PMID 12932389.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  4. García HH, Evans CA, Nash TE; atbp. (Oktubre 2002). "Kasalukuyang gabay ng nagkakaisang pananaw sa paggamot ng neurocysticercosis". Clin. Microbiol. Rev. 15 (4): 747–56. doi:10.1128/CMR.15.4.747-756.2002. PMC 126865. PMID 12364377. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2020-06-14. Nakuha noong 2015-09-11. {{cite journal}}: Explicit use of et al. in: |author= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  5. 5.0 5.1 "CDC - Cysticercosis".
  6. 6.0 6.1 Bobes RJ, Fragoso G, Fleury A; atbp. (Abril 2014). "Evolution, molecular epidemiology and perspectives on the research of taeniid parasites with special emphasis on Taenia solium". Infect. Genet. Evol. 23: 150–60. doi:10.1016/j.meegid.2014.02.005. PMID 24560729. {{cite journal}}: Explicit use of et al. in: |author= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  7. Lozano R, Naghavi M, Foreman K; atbp. (Disyembre 2012). "Global and regional mortality from 235 causes of death for 20 age groups in 1990 and 2010: a systematic analysis for the Global Burden of Disease Study 2010". Lancet. 380 (9859): 2095–128. doi:10.1016/S0140-6736(12)61728-0. PMID 23245604. {{cite journal}}: Explicit use of et al. in: |author= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  8. "Neglected Tropical Diseases". cdc.gov. Hunyo 6, 2011. Nakuha noong 28 Nobyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)