Pumunta sa nilalaman

Pagkakahawa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Impeksiyon)

Ang impeksiyon[1](mula sa kastila infección), lalin[1], lanip[1], hawa[1], o pagkakahawa[1] ay ang pagpasok ng mikroorganismo sa loob ng mga lamuymoy o tisyu ng katawan, kasama ang paglaki ng buhay na mga organismong ito habang nasa loob ng katawang pinasok o nahawahan. Isa ring kakayanan ang paghawa na maipasa, makapagpasa, o mailipat ang mga sakit o mikrobyong nagdurulot ng karamdaman mula sa isang tao papunta sa isa o iba pang tao sa pamamagitan ng pagkalat ng mga nasabing mikrobyo o mikroogranismo.[2] Tumutukoy din ang salitang ito sa mismong mikroorganismo o maruming bagay na nagdurulot ng pagkakahawa ng sakit o karamdaman.[1]

Isa sa maraming paraan ng paghawa o paglaganap ng impeksiyon ang sa pamamagitan ng "maliit na patak" (ang droplet infection o droplet contact sa Ingles), kung saan ang isang taong may nakakahawang sakit ang umuubo, bumabahing, dumudura (o lumulura), o nagsasalita lamang, ay nakapagwiwisik o nakapagwiwilig (nag-i-isprey) ng pamamasa sa hangin. Nakahalo sa mga "maliliit na tulo" o "maliliit na patak" na ito ang mga mikrobyo ng karamdaman, kaya't nasisinghot o nalalanghap ng sinumang taong malapit ang mga mikrobyong ito.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 Gaboy, Luciano L. Infection - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. 2.0 2.1 "Infection, Droplet infection, at Contagious, Some Medical Terms, Diseases". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 206.


Karamdaman Ang lathalaing ito na tungkol sa Karamdaman ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.