DXCJ
Pamayanan ng lisensya | Heneral Santos |
---|---|
Lugar na pinagsisilbihan | Timog Cotabato, ilang bahagi ng Sarangani |
Frequency | 102.3 MHz |
Tatak | Barangay FM 102.3 Barangay FM 102.3 Super Radyo (para sa mga pang-balita at talakayan) |
Palatuntunan | |
Wika | Cebuano, Filipino |
Format | Contemporary MOR, News, Talk |
Network | Barangay FM Super Radyo |
Pagmamay-ari | |
May-ari | GMA Network Inc. |
GMA TV-8 General Santos GTV 26 General Santos | |
Kaysaysayn | |
Unang pag-ere | May 18, 1996 |
Dating pangalan | Campus Radio (May 18, 1996-February 16, 2014) |
Kahulagan ng call sign | Campus Jam |
Impormasyong teknikal | |
Awtoridad na naglisensiya | NTC |
Power | 10,000 watts |
ERP | 15,000 watts |
Link | |
Website | Official Facebook Page |
Ang DXCJ (102.3 FM), sumasahimpapawid bilang Barangay FM 102.3 (o Barangay FM 102.3 Super Radyo), ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng GMA Network. Ang estudyo at transmiter ng istasyon ay matatagpuan sa ika-3 palapag ng PBC Building, Cagampang St., Heneral Santos.[1][2]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinatag ang himpilang ito at ang dati nitong kapatid na DXBB-AM noong Mayo 18, 1996 bilang Campus Radio. Ang una nitong slogan ay "Always and Forever". Noong 2001, binago ang slogan nito sa "Kuyawa Ui!" (nakakabigla). Dahil sa sunod-sunod na pambobomba sa lungsod noong 2003 at ang mga negatibong epekto ng slogan sa himpilang ito, binago ulit ang slogan nito sa "Wow! Nindutah Ah!", na ginagamit din sa Campus Radio na nakabase sa Davao. Noong 2010, binago ang slogan nito sa "The Best!", na ginamit ng DWLS-FM na nakabase sa Maynila noong dekada 80. Noong 2012, binago ang slogan nito sa "Ayos!".[3][4]
Noong Pebrero 17, 2014, pinalitan ang pangalan nito sa Barangay 102.3 bilang bahagi ng pag-iisa ng tatak ng RGMA. Noong 2021, nagdagdag ang himpilang ito ng mga programmang pang-balita at talakayan sa ilalim ng Super Radyo, katulad ng Barangay RU na nakabase sa Kalibo.
Mga pangyayaro
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Disyembre 21, 2014, naganap ang hostage-taking nang pumunta sa himpilan ang isang nagngangalang Gabby Batican para humingi ng tulong matapos pagbabantaang papatayin. Matapos magduda kay Batican, na pinsan ng isa sa mga DJ ng istasyon (DJ Angel), inalerto ng staff ng radio station ang pulisya. Maaaring nasa ilalim ng impluwensya ng droga si Batican nang binihag niya ang biktima, at mahigit isang oras ang tumagal dito.[5][6]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Barangay LS: One country, one barangay, one sound
- ↑ RMN Network Back to Back number 1 sa pinaka-latest nga KBP-Kantar Media Survey
- ↑ Be a Campus Radio DJ
- ↑ "Tanduay First 5 Rock Royalty LIVE tonite in GenSan". Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-06-09. Nakuha noong 2020-06-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6 hurt in radio station hostage drama
- ↑ Man enters GenSan radio station, briefly holds DJ hostage