DXYM
Pamayanan ng lisensya | Heneral Santos |
---|---|
Lugar na pinagsisilbihan | Timog Cotabato, ilang bahagi ng Sarangani |
Frequency | 89.5 MHz |
Tatak | 89.5 Brigada News FM |
Palatuntunan | |
Wika | Cebuano, Filipino |
Format | Contemporary MOR, News, Talk |
Network | Brigada News FM |
Pagmamay-ari | |
May-ari | Brigada Mass Media Corporation (Baycomms Broadcasting Corporation) |
Brigada TV-39 | |
Kaysaysayn | |
Unang pag-ere | 1997 |
Dating pangalan | Bay Radio (1997–2009) |
Impormasyong teknikal | |
Awtoridad na naglisensiya | NTC |
Power | 10,000 watts |
ERP | 30,000 watts |
Link | |
Webcast | Live Stream |
Website | www.brigadanews.ph |
Ang DXYM (89.5 FM), sumasahimpapawid bilang 89.5 Brigada News FM, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Brigada Mass Media Corporation. Ito ay nagsisilbing punong himpilan ng Brigada News FM. Ang estudyo at transmiter nito ay matatagpuan sa 2nd floor, Brigada Complex, NLSA Rd., Brgy. San Isidro, Heneral Santos.[1][2]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinatag ang himpilang ito noong 1997 bilang Bay Radio sa Koronadal. Noong 2003, lumipat ito sa Bernabe Coliseum sa J. Catolico Ave., Heneral Santos, ang dating tahanan ng DXRE at DXOO .
Noong Oktubre 18, 2009, binili ng Brigada News ang operasyon ng himpilang ito at naging panimula ito ng Brigada News FM. Ipinakilala nito ang may halong balita, pampublikong gawain at musika na iniangkla ng mga iba't ibang personalidad mula sa iba't ibang mga himpilan sa lungsod. Noong 2011, lumipat ito sa kasalukuyang tahanan sa Brigada Complex, NLSA Road. Noong 2013, binili ng Brigada News ang mga himpilan ng Baycomms.