DZRL
Pamayanan ng lisensya | Batac |
---|---|
Lugar na pinagsisilbihan | Ilocos Norte at mga karatig na lugar |
Frequency | 639 kHz |
Tatak | RPN DZRL Radyo Ronda |
Palatuntunan | |
Wika | Ilocano, Filipino |
Format | News, Public Affairs, Talk, Drama |
Network | Radyo Ronda |
Pagmamay-ari | |
May-ari | Radio Philippines Network |
Kaysaysayn | |
Unang pag-ere | 1959 |
Dating frequency | 630 kHz (1959–1978) |
Kahulagan ng call sign | Radio Laoag |
Impormasyong teknikal | |
Awtoridad na naglisensiya | NTC |
Power | 10,000 watts |
Link | |
Website | Official Website |
Ang DZRL (639 AM) Radyo Ronda ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Radio Philippines Network. Ang estudyo at transmiter nito ay matatagpuan sa RPN Bldg., National Highway, Brgy. Caunayan, Batac.[1][2][3][4]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinatag ang DZRL noon 1959 bilang kauna-unanhang himpilan ng radyo sa Ilocos Norte. Nasa Bueno Bldg. sa Laoag ang una nitong tahanan.
Noong 1972, nung naisabatas ang Batas Militar, inilipat ang pag-aari nito sa Kanlaon Broadcasting System at lumipat ito sa Mangapit Bldg. sa Batac, sa harap ng Eureka High School, kasabay ng pagbukas ng bago nitong transmiter. Makalipas ng isang taon, lumipat ito sa kasalukuyan nitong tahanan nito sa Brgy. Caunayan, Batac, malapit sa Batac Campus ng Mariano Marcos State University .