Pambansang Sanggunian sa Nutrisyon
Pambansang Sanggunian sa Nutrisyon | |
Buod ng Ahensya | |
---|---|
Pagkabuo | Hunyo 24, 1974 |
Kapamahalaan | Pilipinas |
Punong himpilan | Taguig |
Taunang badyet | ₱488.02 million (2021)[1] |
Tagapagpaganap ng ahensiya |
|
Websayt | nnc.gov.ph |
Ang Pambansang Sanggunian sa Nutrisyon[2] (Ingles: National Nutrition Council) ay isang ahensya ng gobyerno ilalim ng Kagawaran ng Kalusugan na responsable sa paglikha ng isang kaaya-ayang kapaligiran ng patakaran para sa pambansa at lokal na pagpaplano ng nutrisyon, pagpapatupad, pagsubaybay at pagsusuri, at pagsubaybay gamit ang makabagong teknolohiya at paraan.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang paglikha ng Philippine Institute of Nutrition bilang pagtangka para magpatatag ng pambansang programa sa nutrisyon.
Noong 1958, muling inayos ito bilang Food and Nutrition Research Center (FNRC) sa ilalim ng Science and Development Board.
Noong 1960, itinatag ang National Coordinating Council on Food and Nutrition (NCCFN), na kasangkot sa proyektong pang-nutrisyon.
Noong 1971, batay sa Kautusang Tagapagpaganap Bilang 285, pumalit ang NCCFN sa National Food and Agriculture Council (NFAC) sa koordinasyon sa mga programang pang-nutrisyon.[3]
Noong Hunyo 24, 1974, batay sa Presidential Decree Bilang 491 (Nutrition Act of the Philippines), inilunsad ang Pambansang Sanggunian sa Nutrisyon (NNC) bilang pinakamataas na paggawa ng patakaran para sa mga programang pang-nutrisyon.[4]
Pagsapit ng 1985, ayon sa taggutom sa Negros, isang siyasat ng NNC, humigit-kumulang 350,000 bata – 40 porsiyento ng mga residente ng Negros Occidental na mas mababa sa 14 taong gulang – ang dumaranas ng malnutrisyon.[5] Tumaas ng 67% ang mga istatistika ng pagkamatay ng sanggol sa Bacolod Hospital, habang dumoble sa karaniwan ang pagkamatay ng sanggol sa Negros, na ang karamihan sa mga pagkamatay ay nauugnay sa malnutrisyon.[6]
Noong 1988, pinangalanan ng Administrative Order Bilang 88 ang Kagawaran ng Agrikultura bilang tagapangulo ng NNC.[7]
Noong 1995, batay sa Batas Republika Bilang 8172, itinalaga ang NNC kasama ang DILG, at bawat isa sa mga kinatawan mula sa medikal na propesyon at industriya ng asin, para magpatatag ng Salt Iodization Advisory Board (SIAB), bilang pagtugon sa salt iodization.[8]
Noong 2000, batay sa Batas Republika Bilang 8976, Food Fortification Act ng 2000, itinalaga ang NNC bilang tagapayo at tagatakda sa pagpapatibay ng pagkain.[9]
Noong 2003, batay sa Resolusyon Bilang 1, itinalaga ng NEDA-Social Development Committee ang NNC bilang nangungunang ahensya para sa paglaban sa gutom at malnutrisyon.
Noong 2005, pinangalanan ng Executive Order No. 472 ang Kagawaran ng Kalusugan bilang tagapangulo ng NNC, kasama ang DA at DILG bilang mga bise tagapangulo. Tinawag din nito ang NNC na muling ayusin ang mga operasyon nito upang maging mas nakatuon sa kliyente at bigyang priyoridad ang pagtugon sa gutom at malnutrisyon.[10]
Noong Nobyembre 29, 2018, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11148 na pinamagatang "Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-Nanay Act" na nakatutok sa mga programa at interbensyon na nakatuon sa unang 1,000 araw ng buhay bilang susi ng makabagong oportunidad. Noong Mayo 2, 2019, nilagdaan ni DOH Secretary Francisco T. Duque III ang Implementing Rules and Regulations ng RA 11148 na ginawa sa pamamagitan ng serye ng mga pambansa at sub-nasyonal na konsultasyon na kinasasangkutan ng mga opisyal ng LGU, ahensya ng gobyerno, pangunahing pampubliko at pribadong grupo, lokal at mga kasosyo sa internasyonal na NGO, stakeholder, at mga kampeon. Ang IRR ay nagsasaad na ang Nurturing Care Framework na binuo ng WHO, UNICEF at The World Bank Group ay ilalapat sa pagpapatupad ng batas.
Nutriskwela Community Radio
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Nutriskwela Community Radio ay isang network panradyo na itinatag noong 2008 bilang bahagi ng paglaban sa gutom at malnutrisyon. Pinamamahala ito ng Pambansang Sanggunian sa Nutrisyon, sa pakikipagtulungan sa mga iba't ibang lokal na pamahalaan at pampublikong eskwelahan. Nakatugon sa infotainment, kalusugan at nutrisyon ang mga programa nito.[11][12]
Mga Himpilan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Branding | Call sign | Frequency | Location |
---|---|---|---|
Radyo Kabinnulig[a] | DZNA | 99.9 MHz | Lagangilang, Abra |
Radyo Kasaranay[b] | DZNQ | 96.7 MHz | Luna, Apayao |
Radyo Kiphodan[c] | DZNC | 99.1 MHz | Lagawe, Ifugao |
Radyo Kasalip[b] | DZNR | 96.7 MHz | Pasil, Kalinga |
Radyo Kataguwan[d] | DWNM | 97.3 MHz | Bauko, Mountain Province |
Radyo Kailian[e] | DZNF | 97.3 MHz | Santa Maria, Ilocos Sur |
Radyo Kabinnadang[b] | DZNP | 93.5 MHz | Cervantes, Ilocos Sur |
Radyo Kayvayvanan[a] | DZNB | 97.5 MHz | Basco, Batanes |
Radyo Kalugaran[e] | DZND | 97.7 MHz | Claveria, Cagayan |
Radyo Kaedup[d] | DWNK | 102.9 MHz | Dingalan, Aurora |
Radyo Kawadi[f] | DWNQ | 100.7 MHz | Casiguran, Aurora |
Radyo Kaisahan[e] | DZNG | 107.7 MHz | Sariaya, Quezon |
Radyo Kamalindig[b] | DZNS | 94.1 MHz | Buenavista, Marinduque |
Radyo Kapalayawan[d] | DWNH | 100.1 MHz | Paluan, Occidental Mindoro |
Radyo Kaunlaran[a] | DZNI | 99.7 MHz | Bansud, Oriental Mindoro |
Radyo Kasimanwa[e] | DZNE | 97.3 MHz | Coron, Palawan |
Radyo Katabang[d] | DWNF | 107.7 MHz | Vinzons, Camarines Norte |
Radyo Kaamigo[a] | DZNJ | 98.9 MHz | Panganiban, Catanduanes |
Radyo Kabag-uhan[b] | DZNT | 99.1 MHz | Cataingan, Masbate |
Radyo Kahamugaway[f] | DWNZ | 106.5 MHz | Cawayan, Masbate |
Radyo Kasanggayahan[e] | DZNH | 95.1 MHz | Sorsogon City |
Radyo Katunog[f] | DWNS | 94.5 MHz | Matnog, Sorsogon |
Radyo Kaimaw[c] | DYNC | 88.7 MHz | Pandan, Antique |
Radyo Kaabyanan[d] | DYNB | 88.5 MHz | Sibalom, Antique |
Radyo Kaigsoonan[e] | DYNO | 98.5 MHz | Zamboanguita, Negros Oriental |
Radyo Kahimsug[a] | DYNE | 97.5 MHz | Barili, Cebu |
Radyo Kalampusan[f] | DYNH | 99.1 MHz | San Francisco, Cebu |
Radyo Kauswagan[a] | DYNF | 91.3 MHz | Borongan, Eastern Samar |
Radyo Kabulig[d] | DYND | 103.1 MHz | San Policarpo, Eastern Samar |
Radyo Kasugbong[e] | DYNN | 97.3 MHz | Catubig, Northern Samar |
Radyo Kausbawan[b] | DYNG | 103.1 MHz | Palompon, Leyte |
Radyo Kahupayan[b] | DXNK | 96.9 MHz | Siayan, Zamboanga del Norte |
Radyo Kaugmaran[b] | DXNJ | 104.5 MHz | Aurora, Zamboanga del Sur |
Radyo Kasuhnan[c] | DXNC | 98.5 MHz | Siay, Zamboanga Sibugay |
Radyo Kalilang[c] | DXNN | 104.9 MHz | Kalilangan, Bukidnon |
Radyo Kalambuan[a] | DXNE | 94.3 MHz | Tubod, Lanao del Norte |
Radyo Kahimunan[d] | DXNB | 101.3 MHz | Laak, Davao de Oro |
Radyo Kalumonan[e] | DXNQ | 97.3 MHz | San Isidro, Davao Oriental |
Radyo Kasadya[a] | DXNF | 99.9 MHz | President Roxas, Cotabato |
Radyo Kasaganaan[d] | DXNI | 99.7 MHz | Maitum, Sarangani |
Radyo Katribu[b] | DXNR | 103.3 MHz | T'Boli, South Cotabato |
Radyo Kahiusa[b] | DXNM | 99.3 MHz | Tupi, South Cotabato |
Radyo Kadulangan[f] | DXAO | 92.1 MHz | Kalamansig, Sultan Kudarat |
Radyo Katilingban[e] | DXNP | 98.9 MHz | Tacurong, Sultan Kudarat |
Radyo Kaagapay[c] | DXCN | 107.3 MHz | Sibagat, Agusan del Sur |
Radyo Kabakhawan[a] | DXNG | 97.7 MHz | Del Carmen, Surigao del Norte |
Radyo Kinaiyahan[d] | DXNX | 97.7 MHz | Malimono, Surigao del Norte |
Radyo Komunidad[e] | DXNO | 97.5 MHz | Isabela, Basilan |
Radyo Kazalimbago[f] | DXAU | 90.1 MHz | Matanog, Maguindanao |
Radyo Kasannangan[a] | DXNH | 94.1 MHz | Bongao, Tawi-Tawi |
- ↑ 1.00 1.01 1.02 1.03 1.04 1.05 1.06 1.07 1.08 1.09 Pangatlong Yugto: Itinatag noong 2013.
- ↑ 2.00 2.01 2.02 2.03 2.04 2.05 2.06 2.07 2.08 2.09 Pang-apat na Yugto: Itinatag noong 2015.
- ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 Unang Yugto: Itinatag noong 2008.
- ↑ 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 4.5 4.6 4.7 4.8 Panlimang Yugto: Itinatag noong 2017.
- ↑ 5.00 5.01 5.02 5.03 5.04 5.05 5.06 5.07 5.08 5.09 Pangalawang Yugto: Itinatag noong 2010.
- ↑ 6.0 6.1 6.2 6.3 6.4 6.5 Pang-anim na Yugto: Itinatag noong 2019.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Current Operating Expenditures
- ↑ Mga Pangalan ng Tanggapan ng Pamahalaan sa Filipino (PDF) (ika-2013 (na) edisyon). Komisyon sa Wikang Filipino. p. 8. ISBN 978-971-0197-22-4. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2021-09-23. Nakuha noong 2021-07-19.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Executive Order No. 285
- ↑ Presidential Decree No. 491
- ↑ Caña, Paul John (Abril 2021). "Sugar Wars: Looking Back at the Negros Famine of the 1980s". Esquire, 15 April 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Agencies (1981-1987), United States Congress House Committee on Appropriations Subcommittee on Foreign Operations and Related (1987). Foreign assistance and related programs appropriations for 1988: hearings before a subcommittee of the Committee on Appropriations, House of Representatives, One hundredth Congress, first session (sa wikang Ingles). U.S. Government Printing Office.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Administrative Order No. 88
- ↑ Republic Act No. 8172
- ↑ Republic Act No. 8976
- ↑ Executive Order No. 472
- ↑ "NNC TO PUT-UP 10 NEW NUTRISKWELA COMMUNITY RADIO STATIONS". ZigZag Weekly. Nakuha noong Hulyo 30, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lihgawon, Marcelo (Setyembre 21, 2018). "Local radio, IFSU partner for promotion of timely, relevant dev't info to communities". Philippine Information Agency. Nakuha noong Hulyo 30, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)