DaShonte Riley
Ang artikulong ito ay nangangailangan ng mas marami pang mga kawing sa iba pang mga lathalain upang matugunan ang mga pamantayan pangkalidad ng Wikipedia. (Pebrero 2008) |
DaShonte Riley ay itinuturing na malaking pangalan sa larangan ng basketbol sa Detroit. Si Riley ay may taas na 6 na talampakan at 11 na pulgada na maaring tumangkad pa ng 7 talampakan at may timbang na 220 libras.
Si Riley ay nag-aral ng high school sa Detroit Country Day School at Detroit Michigan Cass Tech at kabilang sa class 2009. Siya ay naging kabilang sa koponan ng AAU basketbol na The Family.. Siya ay naglaro sa posisyon na sentro. Ang Detroit Cass Tech ay siya ring alma mater nina Detroit Mayor Kwame Kilpatrick, actor na si David Alan Grier, aktres na si Lily Tomlin, ang mang –aawit na si singer Diana Ross, ang White Stripes, ay marami pang iba.
Sa Michigan message board, may pahiwatig na si “Wes” mula sa “Nike” ay maaaring pumili ng isang nangungunang manlalaro na freshman high shool mula sa Detroit upang maglaro sa Superbowl na nakasakay sa isang limousine. Si Riley ay isa sa itinuturing na mahusay na freshman sa larangan ng basketbol sa Detroit.
Si Riley ay naglaro din sa AAU sa koponan ng Team Detroit na itinatag ng scout na si Rodney Heard ng Atlanta Hawks, Ngunit ang espekulasyon sa nakasulat sa Michigan message board ay nagsasabi na ang pagpunta sa Super Bowl na kasama si Wesley ay isang hudyat na si Riley ay maaaring maglaro sa koponan na iniisponsor ng Nike (at ni Red Hamilton) na The Family.
Itinuturing na si Da Shonte Riley ay may malaking potensiyal bilang manlalaro dahil sa kanyang taas. Siya ay nagsimulang hasain sa low post game at jump hook at sa pagiging agresibo maging sa boards.
Sa Birmingham Country Day, si Riley bilang sophomore na manlalaro ng Yellow Jacket ay nagpakita ng impresibong laro na maaaring magbigay sa kanya ng pagkakataon sa major league. Katunayan siya ay naihahambing kay Dwight Howard.
Si Riley ay itinuturing na manlalaro na prospect ng taong 2009 at isa sa mga manlalaro ng basketbol sa high school na dapat alalahanin.
External links
[baguhin | baguhin ang wikitext]- DaShonte Riley Naka-arkibo 2017-10-06 sa Wayback Machine. Fansite