Pumunta sa nilalaman

Dafne (diwata)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Dafne, iginuhit ni Deverial.

Si Dafne o Dafni (Griyego: Δάφνη, "laurel"; Latin: Daphne) ang anak ni Pineios (o Peneus), ang diyos ng ilog, sa mitolohiyang Griyego.[1]

Ayon dito, umibig sa kanya si Apollon (o Apollo). Lumikas at tumakas si Dafne mula kay Apollon. Nanalangin si Dafne sa kanyang amang si Pineios upang humingi ng proteksiyon. Dahil sa kahilingan ni Gaea, ginawa ni Zeus na isang puno ng laurel (lauraceae) si Dafne. Mula noong naging paboritong puno ni Apollon ang puno ng laurel.[1]

Nagmula sa mitolohikong pangyayaring ito ang kaugalian ng paggamit ng koronang yari sa mga dahon ng laurel bilang pamparangal para sa mga nagwagi sa partikular na mga patimpalak.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 "Daphne". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 375.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.