Pumunta sa nilalaman

Danaë

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Danae
KonsorteZeus, Polydectes (almost)
Mga magulangAcrisius and Eurydice
Mga anakPerseus

Sa Mitolohiyang Griyego, si Danaë (Sinaunang Griyego: Δανάη) ang anak na babae ni Haring Acrisius ng Argos at ang kanyang asawang si Reyna Eurydice. Siya ang ina ni Perseus sa diyos na si Zeus. Siya ay minsang binibigyang kredito sa pagtatag ng siyudad na Ardea sa Latium. Si Perseus ang anak nina Zeus at Danaë.[1] Si Danaë ang anak ni Acrisius na Hari ng Argos. Sa pagkasiphayo ng kawalang suwerte sa pagkakaroon ng anak na lalake, kinonsulta ni Acrisius ang orakula ng Delphi na nagbabala sa kanya na isang araw ay mapapatay siya ng ng anak na lalake ng kanyang anak na babae kay Zeus. Si Danaë ay walang anak at upang panatilihin siyang gayon, kanyang ikinulong siya sa isang kamarang bronse na bukas sa langit sa patyo ng kanyang palasyo.[2] Ang diyos na si Zeus ay dumating sa kanya sa anyo ng isang pagpapaligo ng ginto at binuntis siya.[3] Sa sandaling pagkatapos nito, ang kanilang anak ay ipinanganak na si Perseus—Perseus Eurymedon.[4] Sa takot sa kanyang hinaharap at hindi handang galitin ang mga diyos sa pamamagitan ng pagpatay sa supling ni Zeus at kanyang anak na babae, inihagis ni Acrisius sina Perseus at Danae sa dagat sa isang kahong kahoy.[5] Ang mag-ina ay natangay sa baybayin ng isla ng Seriphos kung saan ay kinuha sila ng mangingisdang si Dictys("lambat na pang-isda") na nagpalaki sa bata. Ang kapatid na lalake ni Dictys ay si Polydectes("siya na tumatanggap ng marami") ang hari ng isla. Sa pagtatangka ni Polydectes na ligawan si Danae ay kanyang naisip na isang panggulo si Perseus at kaya kanyang ipinadala si Perseus sa isang imposibleng paghahanap na muling ibalik ang ulo ni Medusa.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Kerenyi, Karl (1959). The Heroes of the Greeks. London: Thames and Hudson. p. 45.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) See also Danaus, the eponymous ancestor.
  2. "Even thus endured Danaë in her beauty to change the light of day for brass-bound walls; and in that chamber, secret as the grave, she was held close" (Sophocles, Antigone). In post-Renaissance paintings the setting is often a locked tower.
  3. Trzaskoma, Stephen; atbp. (2004). Anthology of classical myth: primary sources in translation. Indianopolis, IN: Hackett. ISBN 978-0-87220-721-9. {{cite book}}: Explicit use of et al. in: |author2= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Eurymedon: "far-ruling"
  5. For the familiar motif of the Exposed Child in the account of Moses especially, see Childs, Brevard S. (1965). "The Birth of Moses". Journal of Biblical Literature. 84 (2): 109–122. JSTOR 3264132.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) And Redford, Donald B. (1967). "The Literary Motif of the Exposed Child (Cf. Ex. ii 1-10)". Numen. 14 (3): 209–228. doi:10.2307/3269606.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Another example of this mytheme is the Indian figure of Karna.