Pumunta sa nilalaman

Daniel Defoe

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Daniel Defoe
Daniel Defoe
Kapanganakanc.1659–1661
Kamatayan24 Abril 1731
TrabahoManunulat, Mamamahayag, Mangangalakal
KaurianPakikipagsapalaran

Si Daniel Defoe (play /ˌdænjəl dɪˈf/; ca. 1660 – 24 Abril 1731),[1] na ipinanganak bilang Daniel Foe, ay isang Ingles na mangangalakal, manunulat, mamamahayag, tagasulat ng maikling aklat at espiya, na sa ngayon ay bantog dahil sa kaniyang nobelang Robinson Crusoe. Kapansin-pansin si Defoe dahil sa pagiging isa sa pinakamaagang tagapagtaguyod ng nobela, dahil sa nakatulong siya sa pagpapatanyag ng anyong ito ng panitikan sa Britanya, at, kasama ang iba pang mga katulad ni Samuel Richardson, siya ay nasa piling sa mga naging tagapagtatag ng nobelang Ingles. Bilang isang manunulat na prolipiko (mabunga) at maraming nagagawa at maraming nalalaman, nakapagsulat siya ng mahigit sa 500 mga aklat, mga pampleto (mga pamphlet, maliliit na mga aklat) at mga peryodiko hinggil sa sari-saring mga paksa (kabilang na ang politika, krimen, relihiyon, pag-aasawa, sikolohiya at ang sa sobrenatural). Isa rin siyang tagapanimula (piyonero) ng pamamahayag na pang-ekonomiya (pagsusulat ng mga economic journal).[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Ayon kay Paul Duguid sa loob ng "Limits of self organization" Naka-arkibo 2011-06-15 sa Wayback Machine., First Monday (11 Setyembre 2006): "Most reliable sources hold that the date Defoe’s his birth was uncertain and may have fallen in 1659 or 1661. The day of his death is also uncertain."
  2. Adams, Gavin John (2012). Letters to John Law. Newton Page. pp. liii–lv.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


TalambuhayPanitikanInglatera Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Panitikan at Inglatera ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.