Pumunta sa nilalaman

Datkilab

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ayon kay Zorc Naka-arkibo 2011-05-27 sa Wayback Machine. (1993), ang Datkilab o Tadbalik ay isang pamamaraan ng pananalita kung saan ang mga patinig ng mga salitang Tagalog ay binaliktad.[1] Ang pamamaraang ito ay isang uri ng anagram at ananimo.

Pinagmulan ng Datkilab

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa isang pananaliksik na pinamagatang "Datkilab: An Ethnographic Case Study on the Speech Code Used by the Residents of Roxas District, Quezon City ni De Leon (2011), malaki ang pagkakataong ang Datkilab ay nagmula sa Roxas. Sabi ni Engr. Manzano, isa sa mga nakapanayam, ang Datkilab ay naimbento ng kanilang grupo na nagngangalang "Samahan ng Lahing Korokan" o SLK noong 1967. Ang SLK ay isang grupo ng 19 na kalalakihan na mula sa iba't ibang antas ng pamumuhay.

Naniniwala si Manzano na malaki ang pagkakataong sa Roxas District talaga nagmula ang Datkilab sapagkat sila-silang mga magkakagrupo ang nagkakaintindihan noong araw. Kahit pa raw ibang mga kabataan noon na nag-aaral sa mga paaralan sa University Belt area (U-Belt) ay hindi sila maintindahan kapag sila'y nag-uusap:

Ngayon, minsan magkikita-kita kayo sa Claro M. Recto naglalaro kayo ng bilyar, ngayon ibang mga eskwela dun..mga taga San Beda, San Sebastian, FEU, UE..yung pinagtataguan ninyo ng gagawin ninyo o sa salita ninyo, hindi nila maintindihan. Magsasalita tayo nang ganun hindi nila naiintindihan.

Iginigiit ni Manzano na dahil sa ang mga mag-aaral na ito ay nanggaling sa iba't ibang lugar dito sa Metro Manila at ang iba naman ay sa mga probinsiya, dapat maiintindihan nila ang Datkilab kung narinig nila ito kahit minsan man lang sa mga kamag-anak o kakilala sa kanilang lugar. Kahit pa raw ang mga tubong Bulacan na purong mga Tagalog ay hindi nakakaintindi ng ganitong lenggwahe.

Ayon sa isang pananaliksik na pinamagatang Tadbaliks: The Coded Language Used by the Sigma Rho Fraternity,[2] ang Datkilab ay inimbento raw ni Marci Estrella at ng kanyang barkada sa UP IS noong mga unang bahagi ng dekada '50. Idinala niya ang ganitong pamamaraan ng pananalita sa Sigma Rho noong sumali siya rito noong taong 1957. Simula noon, ang pagsasalita ng Datkilab ay naging bahagi na ng tradisyon ng Sigma Rho.

Gamit ng Datkilab

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Datkilab ay kadalasang ginagamit upang hindi maintindihan ng ibang tao sa paligid ang inyong pinaguusapan.

Ayon kay Former Senate Secretary Atty. Oscar Yabes ΣP'69, ginagamit nila ang Datkilab sa loob ng Sigma Rho upang maging magkaroon ng ilang mga pagkakataong hindi sila masyadong pormal bilang ang karamihan sa mga miyembro nito ay mga tanyag na mga abogado at politiko. Ito rin daw ang kanilang paraan upang hindi maintindihan ng mga kalabang fraternity. Iginiit ni Atty. Yabes na higit pa sa hangad na hindi maintindihan ng iba, ang Datkilab ang nagsisilbing tagapag-ugnay sa kanila bilang "brods" at ito rin ang nagbibigay ng kakaibang pagkakakilanlan sa Sigma Rho.

Halimbawa ng mga Salita sa Datkilab

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • edars - dae (no)
  • krobakards - barkada (friend)
  • ragmaors - maorag (good)
  • begrabs - grabe (too much)
  • tobors - hehe
  • motug - gutom
  • atilas - salita
  • tignap - pangit
  • onopelets - telepono
  • adnagam - maganda
  • eabab - babae
  • ngonuram - marunong
  • yabmat - tambay
  • amas - sama
  • oyat - tayo
  • agnat - tanga
  • apuch - chupa
  • gelut - tuleg
  • ngadub - budang
  • aports - tropa
  • atnaw - wanta
  • lolu - ulol
  • nayer - reyan
  • ydec - cedy
  • nivek - kevin
  • ozne - enzo
  • wilab - baliw

Ang Egis Er'p ay isang kanta na itinanghal nina Lourd de Veyra ng Radioactive Sago Project at Raimund Marasigan. Ang kantang ito ang nagsilbing OST ng pelikulang "Pisay" na dinirekta ni Aureus Solito para sa Cinemalaya 2007. Makikitang ang kantang ito ay isinulat sa Datkilab:

EGIS ER'P
Pisay OST
Lourd de Veyra of the Radioactive Sago Project feat. Raimund Marasigan


Pa-toki-toki ang pisi ok
Otinag ba ang o'ying odnum
Ngetad mawanil ay obalam
Noo'y amat noyang ay elam
Idnih mo nai-idnitni-han
Ebas mo alaws na ka-guluh-
Eto'ng ma-etub na atilab
Odnum edewup i-datgilab
Waki man ay nagobgub
Yoluts lamang sa yahub
Datgilabin ang kapalaran
Egis er'p ayak mo yan
Egis er'p...


Amas-asam oyat sa nabal
Alaws mana-nawi sa sadnal
Tehak ona pang papahan-in
Erpmeys, netang kukubus-in
Waki man ay nagobgub
Yoluts lamang sa yahub
Datgilabin ang kapalaran
Egis er'p ayak mo yan
Egis er'p...

Ang Nosi Ba Lasi ay isang kantang pinasikat ni Sampaguita noong 1993. Mapapansing ang Nosi Ba Lasi ay Datkilab na pagbaybay ng "sino ba sila".

[Intro]
Wag mong pansinin ang naninira sa 'yo
Basta't alam mo lang, tama ang ginagawa mo
Wag mong isipin, wag mong dibdibin
Kung papatulan mo'y lalo ka lang aasarin.


[Korus]
Nosi, nosi ba Iasi
Sino, sino ba sila
Nosi, nosi ba iasi
Sino, sino ba sila?

[Ulitin ang intro]


ltuloy mo lang, gawin ang gusto mo
Walang mangyayari kung sila'y papansinin mo
Talagang ganyan, wag mo lang patulan
Wala lang magawa kaya sila'y nagkakaganyan.


[Ulitin ang korus]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Zorc". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-05-27. Nakuha noong 2011-03-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Sigma Rho Fraternity
  • De Leon, Mark Randell P. Tadbaliks: The Coded Language Used by the Sigma Rho Fraterity. (hind pa nalalathalang manuskrito, Unibersidad ng Pilipinas – Diliman, 2009)
  • De Leon, Mark Randell P. Datkilab: An Ethnographic Case Study on the Speech Code Used by the Residents of Roxas District, Quezon City. (unpublished manuscript, University of the Philippines – Diliman, 2011)

Mga Kawing na Panglabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]