Datu Alamada
Datu Alamada | |
---|---|
Datu ng Tribong Idalemen
| |
Ama | Bai Gansing |
Kamatayan | Pigcalagan, Sultan Kudarat |
Pananampalataya | Sunni Islam |
Si Datu "Amaybulyok" Alamada ay ang Iranun na datu ng Tribong Idalemen na lumaban laban sa paniniil ng mga rehimeng kolonyal ng mga dayuhan sa loob ng dalawampung taon sa mga mabubundok na lugar sa pagitan ng Cotabato at Lanao. Si Datu Alamada ay kinilala bilang isa sa mga tanyag na pinuno ng mga Iranun at ng Dalaman na nakakalat sa buong hilagang bahagi ng mga Lungsod ng Pigcauayan, Libungan, Sultan Kudarat at sa Kitacubong (ngayon ay Poblacion) bilang trono ng kanyang kaharian.
Siya ay binansagan ni Bai Dayang "Sampurna" bilang "Bandalen a takena, datu na wai aki" na nangangahulugang "Ang lalaking di masalitain, ang datu ng mga Iranun".[1]
Digmaang Amerikano-Moro
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Datu Alamada ay nagkaroon ng 4 na kuta:
- Kuta Bager - (nangangahulugang 'lakas')
- Kuta Piagangugan - (mula sa salitang agong) - sa kuta na ito ay may isang agong upang balaan sila sa mga paparating na pag-atake.
- Kuta Kalilidan - (nangangahulugang 'paggulong) - sa Bundok Agkiragkir, natalo ang mga Amerikano noong sila'y sumalakay sa kutang ito. Sila ay nahulugan ng mga malalaking mga bato at mga punong kahoy na kanilang ikinamatay.
- Kuta Dasumangcop - (nangangahulugang 'walang pagsuko') - ito ang naturingang huling linya ng kanyang depensa. Sa kuta na ito ay kanyang sinabi sa kanyang mga tauhan na 'mas maiigi pang mamatay kaysa sa sumuko'.
Matapos ang pagkamatay ni Rajahmuda Ali sa Labanan ng Ilog Malalag noong ika-22 ng Oktubre, pinagpatuloy ni Datu Alamada ang pakikipaglaban sa mga Amerikano sa susunod na 9 taon.
Siya ay sumuko na rin noong ika-19 ng Mayo 1914 sa Pamahalaang Amerikano. Siya ay nakipagkita kay Gobernador Harrison sa Malacañang noong 1915. Noong siya ay tinanong kung ano ba ang kanyang ninanais, ang kanyang sinabi ay "basta pakainin mo lang ang aking mga tauhan". Doon nagtapos ang kanyang 20 taon ng pakikipaglaban sa koloniyalismo.
Siya ay nagretiro na rin at namatay noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Pigcalagan, Sultan Kudarat.[2]