Dekada 1990
Milenyo: | ika-2 milenyo |
Dantaon: | |
Dekada: | |
Taon: |
Ang dekada 1990 o d. 1990 kung dinaglat ay isang dekada ng kalendaryong Gregoryano na nagsisimula ng Enero 1, 1990, at natapos ng Disyembre 31, 1999.
Nakita ng dekada 1990 ang pag-unlad ng kamalayan sa multikulturalismo na nagsimula noong dekada 1980,[1] gayon din ang pag-unlad ng alternatibong midya. Kumalat sa buong mundo ang mga kilusan tulad ng grunge, ang rave scene at hip hop, na tinulungan ng bagong teknolohiya noon tulad ng telebisyong kaybol at ang World Wide Web.
Isang kombinasyon ng kadahilanan, kabilang ang patuloy na panlahat na pagpapakilos ng mga merkadong kapital sa pamamagitan ng neoliberalismo, ang pagkatunaw at wakas ng Digmaang Malamig na tumagal ng dekada, ang simula ng malawak na paglaganap ng bagong midya tulad ng Internet mula sa gitna ng dekada hanggang lampas nito, ang pagtaas ng pag-aalinlangan sa pamahalaan, at ang pagkabuwag ng Unyong Sobyet, ay naghatid sa isang muling pag-aayos ng ekonomiko at pampolitikang kapangyarihan sa buong mundo at sa loob ng mga bansa. Nagdala ang bulang dot-com noong 1997–2000 ng kayamanan sa ilang negosyante bago ito bumagsak sa pagitan ng 2000 at 2001.
Nakita ng dekada 1990 ang matinding pagsulong sa teknolohiya, kasama ang World Wide Web, ang unang pagsubok ng terapewtika ng hene, at unang taga-disenyo ng mga sanggol[2] na lahat umusbong noong 1990 at lahat ay pinabuti at pinasulong sa buong dekada.
May bagong etnikong hidwaan ang sumulpot sa Aprika, sa Balkan, at sa Kaukasya, na naidulot ng dalawang nauna sa henosidyo sa Rwanda at Bosnia, ayon sa pagkakabanggit. Ang mga palatandaan ng kahit anong kalutasan sa mga tensyon sa pagitan ng Israel at mundong Arabe ay nanatiling mailap sa kabila ng pagsulong ng Pagkakasundo sa Oslo, bagaman nahinto ang The Troubles sa Hilagang Irlanda noong 1998 sa Kasunduang Biyernes Santo pagkatapos ng 30 taon ng karahasan.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Levrau, François; Loobuyck, Patrick (2018). "Introduction: mapping the multiculturalism-interculturalism debate". Comparative Migration Studies (sa wikang Ingles). 6 (1): 13. doi:10.1186/s40878-018-0080-8. ISSN 2214-594X. PMC 5956058. PMID 29780695.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Handyside, AH; Kontogianni, EH; Hardy, K; Winston, RM (1990). "Pregnancies from biopsied human preimplantation embryos sexed by Y-specific DNA amplification". Nature (sa wikang Ingles). 344 (6268): 768–70. Bibcode:1990Natur.344..768H. doi:10.1038/344768a0. PMID 2330030.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Stiglitz, Joseph E. (2004). The Roaring Nineties (sa wikang Ingles). W. W. Norton. ISBN 978-0-393-32618-5.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)