Pumunta sa nilalaman

Delilah

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sina Samson at Delilah.

Si Delilah (דלילהDlila, Pamantayang Hebreo na nangangahulugang "[Isa na siyang] nanghina o binunot o maralita" mula sa salitang-ugat na dal na may kahulugang "mahina o dukha")[1] ay lumilitaw lamang sa Aklat ng mga Hukom 16 ng Bibliyang Hebreo, kung saan siya ang "babaeng nasa lambak ng Sorek" na minahal ni Samson, at siya ring naging pagkatalo ni Samson. Ang kanyang katauhan, isa sa ilang mapanganib na mga babaeng tukso sa Bibliyang Hebreo, ay naging masagisag: "Minahal ni Samson si Delilah, ipinagkanulo ni Delilah si Samson, at, ang pinakamasama ay ginawa ito ni Delilah kapalit ng salapi" ang simulang pangungusap ni Madlyn Kahr sa kanyang pag-aaral ng temang ginagamit si Delilah sa mga dibuhong Europeo.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gayundin: Dəlila, Hebreong Tiberiano: Dəlilah; Arabe: Dalilah.
  2. Ang pagsusuri ng mga paggamit kay Delilah sa pagpipinta, na isinagawa ni Madlyn Kahr, "Delilah" The Art Bulletin 54.3 (Setyembre 1972), pp. 282–299, ay nagbigay ng mga halimbawa para sa artikulong ito.