Dely Atay-Atayan
Dely Atay-Atayan | |
---|---|
Kapanganakan | 17 Marso 1914[1]
|
Kamatayan | 30 Agosto 2004[1]
|
Mamamayan | Pilipinas |
Trabaho | mang-aawit, artista |
Asawa | Andoy Balunbalunan |
Si Dely Atay-Atayan ay isang artistang Pilipino na kilala bilang Donya Delilah sa TV sitcom na John en Marsha na unang ipinalabas noong 1974 sa RPN 9 sa Pilipinas.
Si Adelaida Marquez Fernando ay isinilang noong 1914 na naging kabiyak ng isa pang komedyanteng si Andoy Balunbalunan, at siya ang lola ng magkapatid na artistang sina Armi Villegas at Ann Villegas. Siya ang nakatatandang kapatid ng batikang direktor na si Ading Fernando.
Unang gumanap sa ilalim ng Cervantina Filipina Corp. ang Lakambini at Gunita ng Sampaguita Pictures. Nakagawa ng isang pelikula sa LVN Pictures ang Nag-iisang Sangla bago tuluyang mapako sa kanyang tahanang Premiere Productions.
Matatandaan din siya sa papel ng isang tsismosang kapitbahay ang Pitong Gatang noong 1959 at syempre ang kanyang limang pelikula na John en Marsha.
Kilala rin siya bilang mang-aawit.
Plaka
[baguhin | baguhin ang wikitext]1952 - "Awit ng Manok" - kaduweto si Andoy Balunbalunan
Pelikula
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 1940 - Lakambini
- 1940 - Gunita
- 1940 - Nag-iisang Sangla
- 1947 - Bakya mo Neneng
- 1948 - Ang Anghel sa Lupa
- 1948 - Wala na akong Iluha
- 1948 - Itanong mo sa Bulaklak
- 1948 - Bulaklak at Paruparo
- 1948 - Maliit lamang ang Daigdig
- 1949 - Kayumanggi
- 1949 - Anak ng Panday
- 1949 - Halik sa Bandila
- 1949 - Kumander Sundang
- 1949 - Kay Ganda ng Umaga
- 1950 - 48 Oras
- 1950 - Tatlong Balaraw
- 1950 - Kenkoy
- 1951 - Bahay na Tisa
- 1951 - Diego Silang
- 1953 - Highway 54
- 1953 - Kambal na Lihim
- 1953 - Tayo'y Mag-aliw
- 1953 - Tampalasan
- 1954 - Selosong Balo
- 1956 - Mr & Mrs
- 1957 - Bicol Express
- 1957 - H-Line Gang
- 1958 - Kilabot sa Sta Barbara
- 1959 - Pitong Gatang