Pumunta sa nilalaman

Demarkiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang demarkiya, lotokrasiya o lotokrasya (Ingles: demarchy o lottocracy) ay isang uri ng pamahalaan kung saan ang estado ay pinamamahalaan ng mga tagapagpasyang napili sa paraang pasumala at sa pamamagitan ng sortisyon (palabunutan) magmula sa isang napakalawak na mapang-anib na kapisanan ng mga mamamayang maaaring mahirang. Ang mga pangkat na ito, na paminsan-minsang tinatawag bilang "mga inampalan na pampatakaran", "mga inampalan ng mga mamamayan", o "mga pagpupulong na pangkonseso", ay gumagawa ng mga pagpapasya patungkol sa mga patakarang pangmadla na halos katulad ng sa paraan ng pagpapasyang gingagawa ng mga inampalan sa kaso ng krimen.

Sa teoriya, ang demarkiya ay makapanunupil ng ilan sa mga suliraning pantungkuli ng nakaugaliang demokrasyang representatibo (demokrasyang kinatawan), na malawakang mamamanipula ng natatanging mga layunin (espesyal na mga interes o kagustuhan) at ng pagkakahati sa pagitan ng prupesyunal na mga tagagawa ng patakaran (mga politiko at mga lobiyista) at ng isang malaking balintiyak (walang pakialam), hindi nakikisangkot at kadalasang walang kabatiran (walang kaalam-alam) na elektorado (mga nahalal). Ayon sa pilosopong Australyano na si John Burnheim, ang pagpili na pasumala ng mga tagagawa ng patakran ay makapagpapadali para sa pang-araw-araw na mga mamamayan na makahulugang makiisa, at mas mahirap para sa mga layuning natatangi at pansarili na madungisan ang proseso.

Sa mas pangkalahatan, ang pagpili na pasumala ng mga tagapagpasya magmula sa isang mas malaking pangkat ay tinatawag na palabunutan o sortisyon (magmula sa salitang ugat ng "loterya" sa wikang Latin). ang demokrasyang Atenyano ay gumamit halos ng palabunutan, na halos lahat ng mga tanggapan ng pamahalaan ay pinupuno sa pamamagitan ng loterya (palabunutan) o loto na para sa mga tunay na mamamayan, sa halip na sa pamamagitan ng halalan. Ang mga kandidato ay halos palaging lalaki, Griyego, at may pinag-aralang mga mamamayan na nag-aangkin ng pinakamababang dami ng yaman at katayuan.

Sa mga lalawigan ng British Columbia at Ontario ng Canada, isang pangkat ng mga mamamayan ang napili nang pasumala upang likhain ang isang Citizens' Assembly on Electoral Reform upang magsiyasat at magmungkahi ng mga pagbabago sa mga sistemang panghalalan ng mga lalawigan. Isang kahalintulad na sistema ang nangyari sa Burgerforum Kiesstelsel ng Olanda[1] Ang Amish ng Matandang Kaatasan ay gumamit ng isang tambalan ng eleksiyon at sortisyon upang pumili ng mga pinuno ng simbahan; ang mga lalaking nakakatanggap ng dalawa o tatlong mga nominasyon (paghaharap) upang mapuno ang isang bakanteng puwesto (nagbabago ang bilang ayon sa distrito) ay hinihiling naman na pumili ng isang aklat ng salmo na naglalaman ng isang pilas ng papel, na ang isa sa mga pilas na iyon ay tinandaan upang magpahiwatig kung sino ang gaganap sa tungkulin.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Politika Ang lathalaing ito na tungkol sa Politika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.