Desentralisadong pananalapi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang desentralisadong pananalapi (Ingles: decentralized finance o mas kilala bilang DeFi) ay isang eksperimental na anyo ng pananalapi na hindi umaasa sa mga sentral na tagapamagitan sa pananalapi tulad ng mga brokerage, pagpapalitan, o bangko na nag-aalok ng mga tradisyonal na instrumento sa pananalapi, at sa halip nito, ay gumagamit ng mga matalinong kontrata (smart contract) sa mga blockchain, anupat ang pinakaraniwan ay Ethereum.[1] Pinahihintulutan ng DeFi na makapagpahiram o makapaghiram ng pera mula sa ibang tao, makipagsapalaran sa mga paggalaw ng presyo ng mga iba't ibang ari-arian (asset) sa pamamagitan ng mga deribatibo, makipagpalit ng mga salaping kripto, makatiyak laban sa mga peligro, at makakita ng patubo sa mga akawnt na tila pampatipid (savings-like accounts).[2] Nagpo-promote ang mga ilang aplikasyong DeFi ng mataas na antas ng interes,[2] ngunit napapailalim sa mataas na peligro.[1] Pagsapit ng Oktubre 2020, higit sa $11 bilyon ang naideposito sa mga iba't ibang desentralisadong protokol sa pananalapi, na kumatawan sa higit sa sampung beses na paglaki sa kurso ng 2020.[3][2] Pagsapit ng Enero 2021, halos $20.5 billion ang namuhunan sa DeFi.[4]

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 "'DeFi' movement promises high interest but high risk" [Nangangako ang kilusang 'DeFi' ng mataas na interes ngunit may mataas na panganib]. Financial Times (sa wikang Ingles). 2019-12-30. Nakuha noong 2020-10-06.
  2. 2.0 2.1 2.2 "Why 'DeFi' Utopia Would Be Finance Without Financiers: QuickTake" [Bakit Magiging Pananalapi nang Walang mga Tagapondo ang Utopiyang 'DeFi': QuickTake]. Bloomberg (sa wikang Ingles). 2020-08-26. Nakuha noong 2020-10-06.
  3. Ehrlich, Steven. "Leading 'Privacy Coin' Zcash Poised For Growth Following Placement On Ethereum" [Nangungunang 'Privacy Coin' Zcash Handa para sa Paglago Kasunod ng Paglalagay sa Ethereum]. Forbes (sa wikang Ingles).
  4. Ponciano, Jonathan. "Ether's Market Value Surges $20 Billion In One Day While Bitcoin Prices Slow–Here's Why" [Nagtaas ng $20 Billion ang Halaga ng Ether sa Pamilihan sa Isang Araw Habang Bumagal ang Presyo ng Bitcoin–Narito Kung Bakit]. Forbes (sa wikang Ingles).