Diary ng Panget

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Diary ng Panget
DireksiyonAndoy Ranay
Produksiyon
  • Veronique del Rosario-Corpus
  • Marianne Oandasan
  • June Rufino
  • Vicente Del Rosario III
  • Vic Del Rosario Jr.
Isinulat niDenny R.[1]
(nobela)
Dulang pampelikulaMel Mendoza-Del Rosario
Batay saDiary ng Panget ni Denny R.[2]
Mga itinatampok
na pagaganap
MusikaTeresa Barrozo
SinematograpiyaPao Orendain
Tagapag-editTara Illenberger
Ipinamahagi ngViva Films
Petsa ng
pagpapalabas
Abril 2, 2014 (2014-04-02)
Haba110 minuto[3]
BansaPilipinas
Wika
  • Ingles
  • Filipino
Kabuuang kita₱120,932,910[4][5]

Ang Diary ng Panget (kilala rin bilang Diary ng Panget: The Movie) ay isang romantiko-komedyang pelikulang pangkabataan noong 2014 na batay sa pinakamabiling nobela na may katulad na pamagat, at nilikha't inilathala sa Wattpad ni Denny R., kilala sa sagisag-panulat nito na HaveYouSeenThisGirL.[2][1][6] Ang pelikula ay sa direksiyon ni Andoy Ranay at pinagbibidahan nina Nadine Lustre, James Reid, Yassi Pressman, at Andre Paras. Ito ay isinapelikula ng Viva Entertainment at ipinalabas sa mga sinehan sa buong Pilipinas noong 2 Abril 2014.[7][8][9]

Mga tauhan[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga pangunahing tauhan[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga katulong na tauhan[baguhin | baguhin ang batayan]

Buod[baguhin | baguhin ang batayan]

Makikita sa pelikula si Eya,isang mahirap at ulilang kabataan na maituturing na pangit ang hitsura dahil sa dami ng tagihawat nito at magaspang na buhok. Mahilig siyang magsulat sa kanyang talaarawan (diary) ng mga nagaganap sa kanyang buhay, lalo na ng mga pantasya hinggil sa kanyang ideal guy. Nagtatrabaho siya sa restawran ng kanyang Auntie upang masuportahan ang pag-aaral, kung saan una niyang nakilala si Chad (Andre Paras) na kanyang naging malapít na kaibigan. Natanggap siya bilang iskolar sa Willford Academy ngunit magiging miserable ang pananatili niya sa paaralan dahil sa hitsura nito; subalit doon niya matatagpuan si Lory na kanyang naging matalik na kaibigan. Sa paaralan din niya unang nakilala si Cross (James Reid), isang guwapo at mayamang kabataan na kinalaunan ay kanyang magiging amo dahil kinuha at tinanggap si Eya ni Mr. Sandford bilang personal na katulong ni Cross. Sa pagtakbo ng mga tagpo, magiging pasakit kay Eya ang kanyang pagsisilbi kay Cross, subalit hindi namamalayan ng dalawa na unti-unti na palang nahuhulog ang kanilang loob sa isa't isa.

Produksiyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Musika[baguhin | baguhin ang batayan]

Dahil sa tagumpay ng pelikula, inilabas ang katuwang nitong soundtrack noong 26 Marso 2014 ng Viva Records katuwang sa produksiyon ang Flipmusic Records.[11] Ang pisikal na kopya naman ng soundtrack ay mabibili sa mga pangunahing tindahan ng musika at sa pormang digital nito sa iTunes.[12]

Diary ng Panget (Original Movie Soundtrack)
Soundtrack - Various artists
Inilabas26 Mar 2014
Isinaplaka2014
UriPop
Haba34:59
TatakViva Records
Blg. PamagatArtist Haba
1. "No Erase"  James Reid at Nadine Lustre 3:39
2. "Rocketeer"  Reid, Lustre 4:09
3. "Paligoy-ligoy"  Lustre 3:18
4. "Natataranta"  Reid 3:09
5. "Di Ko Alam"  Yassi Pressman at Andre Paras 3:36
6. "Dyosa"  Yumi Lascamana 3:37
7. "Kakaibabe"  Donnalyn Bartolome 3:31
8. "Labing Isang Numero"  Thyro Alfaro 3:09
9. "Halika Na (feat. Ann B. Mateo)"  Shehyee 3:54
10. "Dinggin"  Sugar High 4:17
Total length:
34:59

Pagtanggap sa pelikula[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga puna ng kritiko[baguhin | baguhin ang batayan]

Ayon kay Zig Marasigan ng Rappler, hindi gaanong naipakita ng Diary ng Panget ang mga makabagong-panahong suliraning hinaharap ng mga kabataan. "Nagtagumpay ito sa pagsasama-sama ng mga nakaaakit na mga tauhan sa pangunguna ng baguhang si Nadine Lustre. Naging mahusay si Direktor Andoy Ranay sa pagpapakita ng chemistry sa pagitan ng 4 na mga artista, subalit sa kasamaang-palad ay hindi nito napanatili ang istorya, maging ang mga tauhan, mula sa pagsikat nito."[13]

Nagbigay naman ng negatibong pagsusuri si Philbert Ortiz-Dy ng ClickTheCity.com sa pelikula, at sinabing "ang kasimplehan ng pelikula'y pinahina pa ng nakakalitong direksiyon. Tila nagpupumilit ang pelikula sa pagpapakita ng napakaraming eksena, kung saan nawawala ang datíng ng mga punchline sa kakaibang pagkakasunud-sunod ng mga tagpo." Binanggit niya na "binigo rin ng direksiyon ang mga gumanap na mga batang artista, kung saan gumaganap silang mabuti sa kanilang mga eksena... Inaksaya ang Diary ng Panget ng hindi malinaw nitong direksiyon. Ang kaluwagan ng pagsasalaysay ay maaari sanang maging mahalagang bagay nito kung ang direksiyon ay mas nakadepende upang gawin itong mas may datíng o mas maayos sa paghahabi ng istorya."[14]

Binigyan naman ng parehong positibo at negatibong pagsusuri ang pelikula ni Nikko Tuason ng Philippine Entertainment Portal (PEP), na nagsabing may mga rebelasyon at kapuri-puring pagganap dito sina Andre Paras at Yassi Pressman. Bagaman at ayon sa kanya, "masyadong mabilis ang mga tagpo at kung minsan ito ang dahilan upang makompromiso ang pagkakaisa ng istorya. Isang halimbawa ay nung inutusan ni Cross si Eya na samahan siya sa isang shoot nang hindi nababanggit na isa palang modelo si Cross. Sa isa pang tagpo, inutusan ni Cross si Eya na puntahan siya pagkatapos ng pulong niya sa student council nang hindi man lamang alam ng mga manonood na si Cross pala ang pangulo ng mga estudyante." Gayunpaman, sinabi ni Tuason na nakakabilib ang pagbibigay ni Ranay ng mga makukulay na mga eksena, at pinuri rin niya ang pagbibigay ng mataas na production values ng pelikula, gaya ng pagkakaroon ng isang rollercoaster sa isang school fair. Sa huli ayon kay Tuason, "ang pinakamagandang bahagi nito ay may taglay na magandang chemistry sa pagitan ng mga pangunahing tauhan ng pelikula. Hindi nagkamali sa pagpili ng mga tauhan dahil lahat sila ay nababagay sa kanilang mga papel na ginampanan."[15]

Sa takilya[baguhin | baguhin ang batayan]

Bagama't umani ng negatibong puna muna sa mga nagsusuri ng pelikula, naging patok at mainit naman ang pagtanggap sa pelikula ng mga manonood. Ayon sa naglabas ng pelikula, kumita ito ng ₱12-15 milyon sa unang araw ng pagpapalabas nito.[16] Kumita ang pelikula ng ₱61,324,157 sa unang limang araw ng pagpapalabas nito ayon sa Box Office Mojo.[17] Sa huling linggo ng pagpapalabas nito, kumita ang pelikula ng tinatayang halagang ₱117 milyon,[18] at ₱120,932,910[4][5] (o tinatayang ₱120 milyon) bilang pinakahuling resulta ng pelikula sa takilya,[19], dahilan upang ito'y maging ikaanim sa talaan ng sampung may pinakamalaking kinitang pelikulang Pilipino noong 2014.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 "Denny R." Wattpad. Hinango noong 14 Ago 2014.
  2. 2.0 2.1 Agting, Ira (29 Mar 2014). "'Diary ng Panget' writer Denny on teen success, casting the movie". Rappler.com. Pilipinas. Hinango noong 14 Ago 2014.
  3. "Diary ng Panget (2014) on Click the City". Click the City.com. Hinango noong 14 Ago 2014.
  4. 4.0 4.1 "Diary ng Panget (2014)". Box Office Mojo. Hinango noong 14 Ago 2014.
  5. 5.0 5.1 "Highest Grossing Filipino Films for 2014 on dalebacar". dalebacar. Hinango noong 26 Ago 2014.
  6. "Diary ng Panget". Wattpad. Hinango noong 14 Ago 2014.
  7. Ricky Lo (24 Peb 2014). "Diary ng Panget could earn millions at the tills, if." Philippine Star. Naganap ang pangyayari sa 12:00 AM. Hinango noong 14 Ago 2014.
  8. "Diary ng Panget (2014) Official Trailer". YouTube. Viva Films. Hinango noong 14 Ago 2014.
  9. Red, Isah V. (14 Ago 2014). "Pop novels new source for Tagalog movies". Manila Standard Today. Naganap ang pangyayari sa 6:00 PM. Hinango noong 14 Ago 2014.
  10. Rose Garcia (29 Mar 2014). "Nadine Lustre on upcoming movie Diary Ng Panget: "It's a make or break for me but...kaya naming itawid 'to."". PEP.ph. Hinango noong 14 Ago 2014.
  11. MST Entertainment (29 Mar 2014). "'Diary Ng Panget The Movie' for daydreaming teens". Philippine Star. Naganap ang pangyayari sa 6:00 PM. Hinango noong 17 Ago 2014.
  12. "Diary ng Panget (Original Movie Soundtrack)". iTunes. Viva Records at iTunes. Hinango noong 17 Ago 2014.
  13. Marasigan, Zig (5 Abr 2014). "'Diary ng Panget' Review: Where youth is only skin deep". Rappler. Zig Marasigan and Rappler. Naganap ang pangyayari sa 12:03 PM. Hinango noong 17 Ago 2014.
  14. Philbert Ortiz-Dy (3 Abr 2014). "New Dog, Old Tricks". Click the City. Naganap ang pangyayari sa 4:10 PM. Hinango noong 17 Ago 2014.
  15. Tuason, Nikko (3 Abr 2014). "REVIEW: Nadine Lustre and James Reid's onscreen chemistry blooms in Viva Films' Diary Ng Panget: The Movie". pep.ph. Pilipinas: Philippine Entertainment Portal Inc. Hinango noong 7 Mar 2015.
  16. MST Entertainment (8 Abr 2014). "Diary ng Panget a box office hit". Manila Standard Today. Viva Films and Manila Standard. Naganap ang pangyayari sa 6:00 PM. Hinango noong 16 Ago 2014.
  17. "Viva Films' "Diary ng Panget: The Movie" Rakes 61M in Five Days". Lion Heart. Box Office Mojo. 9 Abr 2014. Hinango noong 16 Ago 2014.
  18. Plaza, Gerry (June 9, 2014). "A heartening trend for Philippine cinema". Yahoo. Yahoo Philippines at Box Office Mojo. Naganap ang pangyayari sa 3:17 PM (PHT). Hinango noong 16 Ago 2014.
  19. Sake, Rob (18 Hun 2014). "Maybe This Time Earns P117.3 Million After Two Weeks of Showing". Philippine News. Box Office Mojo. Hinango noong 16 Ago 2014.