Digmaang Sobyet sa Afghanistan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Digmaang Sobyet sa Apganistan ay isang sampung taong hidwaan na kinasasangkutan ng Unyong Sobyet, na sumusuporta sa pamahalaang Marxista ng Demokratikong Republika ng Apganistan (huwag ikalito sa Republikang Islamiko ng Apganistan) dahil sa kanilang sariling kahilingan laban sa Islamistang Resistensiya ng Mujahideen. Isa itong digmaang sa pagitan ng mga puwersa ng Unyong Sobyet at ng Islamikong mga tribo ng Apganistan na laban sa pamahalaang Komunistang itinakda ng mga Sobyet. Nakatagpo ng ibang tumatangkilik ang mga mujahideen mula sa samu't saring mga bansa katulad ng Estados Unidos, Nagkakaisang Kaharian, Arabyang Saudi, Pakistan, Ehipto, at iba pang mga nasyong Muslim sa pamamagitan ng konteksto ng Digmaang Malamig. Ang mga puwersang Apgano na antikomunista (laban sa Komunista) ay pangunahing nakakuha ng suporta mula sa Estados Unidos at Pakistan.

Ang unang pagpapadala ng mga sundalong Sobyet (ika-40 Hukbong-Katihan) sa Apganistan ay nagsimula noong 24 Disyembre 1979 sa ilalim ng pinunong Sobyet na si Leonid Brezhnev.[1] Ang panghuling pagtatanggal ng mga tropa ng sundalong Sobyet ay nagsimula noong 15 Mayo 1988, at nagwakas noong 15 Pebrero 1989 sa ilalim ng huling pinunong Sobyet na si Mikhail Gorbachev. Dahil sa napakatagal na kalikasan ng digmaan, ang hidwaan sa Apgranistan ay kadalasang tinutukoy bilang Biyetnam ng mga Sobyet ;[2] ang analohiya ay naghahambing sa gampanin ng Amerika sa Digmaan ng Biyetnam. Maraming mga tao ang napatay o nasugatan sa matagal na digmaang ito. Nasa bandang mga sundalong Sobyet ang namatay, at nasa bandang 35,000 ang sugatan. Nasa bandang 1 milyong mga Apgano ang napaslang.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Timeline: Soviet war in Afghanistan". BBC News. Nilathala noong 17 Pebrero 2009. Nakuha noong 22 Marso 2009.
  2. http://www.highbeam.com/doc/1P2-1252421.html