Pumunta sa nilalaman

Dimsum

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

 

Dimsum
Tradisyunal na Tsino點心
Pinapayak na Tsino点心
Jyutpingdim2 sam1
Cantonese Yaledím sām
Kahulugang literal"Antigin ang puso"

Tumutukoy ang dimsum (Tsinong tradisyonal: 點心; Tsinong pinapayak: 点心; pinyin: diǎn xīn; Jyutping: dim2 sam1) sa mga maliliit na putaheng Tsino na tradisyonal na kinakain sa mga restoran tuwing almutang.[1][2] Karaniwang nauugnay sa lutuing Kantones ang karamihan sa mga modernong dimsum, bagaman mayroon ding dimsum sa mga ibang lutuing Tsino. Noong ikasampung siglo, nang nagsimulang dumami ang bumabiyahe sa lungsod ng Kanton (Guangzhou) para sa dahilang komersiyal,[3] maraming nagbisita ng mga tsaahan para sa mga maliliit na pagkain na ipinapares sa tsaa na tinatawag na "yum cha" (almutang).[4][3][5] Sa "yum cha", may dalawang magkaugnay na konsepto.[6] Una ang "jat zung loeng gin" (Tsino: 一盅兩件), na literal na isinasalin bilang "isang tasa, dalawang piraso". Tumutukoy ito sa kaugalian ng paghahain sa mga kostumer ng tsaahan ng dalawang piraso ng pinong pagkain, malinamnam o matamis, upang umakma sa kanilang tsaa. Dim sum ang pangalawa, na literal na isinasalin bilang "aligin ang puso", ang terminong pantukoy sa mga maliliit na pagkain na ipinapares sa tsaa.

Unti-unting nagdagdag ang mga may-ari ng tsaahan ng samu't saring meryenda, , na tinawag na dimsum, sa kanilang mga inaalok. Ang pagpapares ng tsaa sa dimsum ay nag-ebolb hanggang na maging ang modernong "yum cha".[3] Mabilis na yumabong ang kulturang dimsum ng mga Kantones sa huling bahagi ng ikalabinsiyam na siglo sa Guangzhou.[7] Noong una, nakabatay ang dimsum sa mga lokal na pagkain ng mga Kantones.[7] Habang patuloy na umuunlad ang dimsum, nagpakilala ang mga kusinero ng mga impluwensiya at tradisyon mula sa mga ibang rehiyon ng Tsina.[7] Napakasari-sari ang mga lasa, tekstura, paraan ng pagluluto, at sangkap ng Kantones na dimsum.[7] Maaaring uriin itong mga dimsum sa mga karaniwang hain, pana-panahong hain, lingguhang espesyal, pambangkete, pampista, katangi-tangi sa tsaahan, at pambiyahe, pati na rin pang-alumsal o pananghalian at panggabihan.[7]

Ayon sa ilang pagtatantiya, hindi bababa sa dalawang libong uri ng dimsum sa buong Tsina, at halos apatnapu hanggang limampung uri ang karaniwang ibinebenta sa labas ng Tsina.[8][9] Mayroong higit sa isang libong putaheng dimsum na nagmula sa Guangdong lamang, at walang bahagi sa Tsina na makakapantay sa bilang na ito. Sa totoo lang, madalas pinagsasama-sama ng mga aklat panluto ng karamihan ng mga kulturang pagkain sa Tsina ng kani-kanilang baryasyon ng dimsum sa mga lokal na meryenda. Subalit hindi ganoon sa Kantones na dimsum, na nagbuo ng sariling sangay ng lutuin.[10][7]

Tipikal na samu't sari ang mga inihahaing putahe sa mga dimsuman, kadalasang umaabot ng dose-dosena.[11][12] Napakahalaga ang tsaa, kasinghalaga ng pagkain mismo.[13][14] Sing-aga ng alas singko ng umaga, naghahain ang maraming restorang Kantones ng dimsum,[15][16] habang karaniwang naghahain ang mga mas tradisyonal na restoran ng dimsum hanggang bandang hapon.[15][17][18] May natatanging paraan ng paghahain ang mga dimsuman kung saan nag-aalok ang mga serbidor ng mga putahe sa mga kostumer mula sa mga karitong iniinit ng singaw.[10][19][20] Karaniwan na ngayon para sa mga restoran na maghain ng dimsum tuwing hapunan at nagbebenta sila ng dimsum na à la carte o panteykawt.[21] Maliban sa tradisyonal na dimsum, gumagawa at naghahanda rin ang ilang kusinero ng mga bagong uri ng dimsum na may elemento ng pusyon.[22][23][24][25] Mayroon ding mga baryasyon na idinisenyo para magandang tingnan sa hatirang pangmadla, tulad ng mg dumpling at bun na ginawang kahawig ng mga hayop.[26][27]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Davidson, Alan (2014). The Oxford companion to food [Ang kompanyerong Oxford sa pagkain] (sa wikang Ingles). Jaine, Tom; Vannithone, Soun (ika-3rd (na) edisyon). New York, NY. ISBN 978-0-19-967733-7. OCLC 890807357.{{cite book}}: CS1 maint: location missing publisher (link)
  2. So, Yan-kit (Abril 1997). Classic food of China [Mga klasikong pagkain ng Tsina] (sa wikang Ingles). London: Macmillan Publishers. ISBN 0-333-56907-5. OCLC 32049410.
  3. 3.0 3.1 3.2 Gourse, Leslie (13 Marso 1988). "Dim Sum Has Come a Long Way, From Esoteric to Mass Popularity" [Malayo na ang Narating ng Dimsum, Mula Esoteriko hanggang Malawakang Kasikatan]. Chicago Tribune (sa wikang Ingles). Nakuha noong 5 Agosto 2020.
  4. Wong, Adele (1 Nobyembre 2016). Hong Kong Food & Culture: From Dim Sum to Dried Abalone [Pagkain & Kultura ng Hong Kong: Mula Dim Sum hanggang sa Pinatuyong Abulon] (sa wikang Ingles). Man Mo Media. ISBN 978-9887756002.
  5. "Fare of the Country; Why Dim Sum Is 'Heart's Delight'" [Pagkain ng Bansa; Bakit Dimsum Ang 'Kasiyahan ng Puso']. The New York Times (sa wikang Ingles). 25 Oktubre 1981. ISSN 0362-4331. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Hulyo 2020. Nakuha noong 16 Agosto 2020.
  6. "Jian Dui -- Sesame Balls (煎堆)" [Jian Dui -- Bolang Linga (煎堆)]. Kindred Kitchen (sa wikang Ingles). 13 Mayo 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Oktubre 2020. Nakuha noong 14 Agosto 2020.
  7. 7.0 7.1 7.2 7.3 7.4 7.5 Phillips, Carolyn (1 Pebrero 2017). "Modern Chinese History as Reflected in a Teahouse Mirror" [Modernong Kasaysayang Tsino na Sinasalamin sa isang Salamin ng Tsaahan]. Gastronomica (sa wikang Ingles). 17 (1): 56–65. doi:10.1525/gfc.2017.17.1.56. ISSN 1529-3262.
  8. "What Is Dim Sum? Chinese Dim Sum, Most Popular Dim Sum Dishes" [Ano Ang Dimsum? Tsinong Dimsum, Mga Pinakasikat na Putaheng Dimsum]. China Educational Tours (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-06-30.
  9. "Why dumplings - the ultimate comfort food - are so popular right now" [Bakit sikat na sikat ngayon ang dumplings - ang ultimong aliwang pagkain]. inews.co.uk (sa wikang Ingles). 2019-02-14. Nakuha noong 2022-04-20.
  10. 10.0 10.1 Simoons, Frederick J. (1991). Food in China: A Cultural and Historical Inquiry [Pagkain sa Tsina: Isang Kultural at Historikal na Pagtatanong] (sa wikang Ingles). Boca Raton: CRC Press. ISBN 0-8493-8804-X. OCLC 20392910.
  11. TODAY, Larry Olmsted, special for USA. "Great American Bites: Ping's serves savory dim sum in NYC's Chinatown" [Great American Bites: Naghahain ang Ping's ng masarap na dimsum sa Baryo Tsino ng NYC]. USA Today (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Marso 2020. Nakuha noong 16 Agosto 2020.{{cite web}}: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  12. "A Visual Glossary for Dim Sum!" [Talahuluganang Biswal para sa Dimsum!]. Dim Sum Guide (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-02-23.
  13. "Fare of the Country; Why Dim Sum Is 'Heart's Delight'" [Pagkain ng Bansa; Bakit 'Kasiyahan ng Puso' Ang Dimsum]. The New York Times (sa wikang Ingles). 25 Oktubre 1981. ISSN 0362-4331. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Hulyo 2020. Nakuha noong 3 Hulyo 2020.
  14. Stevenson, Rachel (15 Pebrero 2018). "The Ideal Tea Pairing with Dim Sum Guide" [Gabay sa Ideyal na Pagpapares ng Tsaa sa Dimsum]. Ideal Magazine (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Hulyo 2020. Nakuha noong 3 Hulyo 2020.
  15. 15.0 15.1 Jacobs, Harrison. "Here's how to navigate one of the most epic New York food traditions — 'Dim Sum' in Chinatown" [Narito kung paano nabigahin ang isa sa mga pinakaastig na tradisyon ng pagkain sa New York — 'Dimsum' sa Baryo Tsino]. Business Insider (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Hulyo 2020. Nakuha noong 3 Hulyo 2020.
  16. 梁廣福. (2015). 再會茶樓歲月 (初版. ed.). 香港: 中華書局(香港)有限公司
  17. "How to Order Dim Sum, According to the Head Chef of the First Chinese Restaurant in North America to Receive a Michelin Star" [Paano Mag-order ng Dimsum, Ayon sa Punong Kusinero ng Unang Tsinong Restoran sa Hilagang Amerika na Nakatanggap ng Bituing Michelin]. Time (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Hulyo 2020. Nakuha noong 3 Hulyo 2020.
  18. "Dim Sum". The New York Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Hulyo 2020. Nakuha noong 3 Hulyo 2020.
  19. Phillips, C. (2016). The Dim Sum Field Guide: A Taxonomy of Dumplings, Buns, Meats, Sweets, and Other Specialties of the Chinese Teahouse [Gabay sa Larangan ng Dimsum: Isang Taksonomiya ng Mga Dumpling, Bun, Karne, Kumpites, at Iba Pang Espesyalidad ng Tsinong Tsaahan] (sa wikang Ingles). Ten Speed Press. pp. 5–6. ISBN 978-1-60774-956-1. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Marso 2019. Nakuha noong 5 Nobyembre 2016.
  20. Guides, R. (2010). The Rough Guide to Southeast Asia On A Budget [Ang Krudong Gabay sa Timog-silangang Asya sa Kaunting Badyet] (sa wikang Ingles). Rough Guides. p. 145. ISBN 978-1-4053-8686-9. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Marso 2019. Nakuha noong 5 Nobyembre 2016.
  21. Scholem, Richard Jay (16 August 1992). "A la Carte; Dim Sum Delights". The New York Times (sa wikang Ingles). ISSN 0362-4331. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 July 2020. Nakuha noong 3 July 2020.
  22. "Four Hong Kong restaurants putting a modern spin on dim sum" [Apat na restoran sa Hong Kong, gumawa ng modernong bersiyon ng dimsum]. South China Morning Post (sa wikang Ingles). 22 Hulyo 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Hulyo 2020. Nakuha noong 3 Hulyo 2020.
  23. Magyarics, Kelly (26 Enero 2017). "4 Spots for modern take on Dim Sum" [4 na Lugar para sa modernong bersiyon ng Dimsum]. DC Refined (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Hulyo 2020. Nakuha noong 4 Hulyo 2020.
  24. Kirouac, Matt (21 Marso 2017). "Trend Watch: Dim Sum Goes Beyond Chinatown" [Bantay Uso: Dimsum Kumalat na sa Labas ng Baryo Tsino]. Zagat (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Hulyo 2020. Nakuha noong 4 Hulyo 2020.
  25. "The best modern dim sum restaurants in Hong Kong" [Ang mga pinakamagandang modernong dimsuman sa Hong Kong]. Lifestyle Asia Hong Kong (sa wikang Ingles). 11 Marso 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Hulyo 2020. Nakuha noong 4 Hulyo 2020.
  26. Schulman, Amy (5 Pebrero 2019). "Hungerlust: One Man Is Reshaping Yum Cha in Hong Kong" [Hungerlust: Isang Lalaki Ang Muling Humuhubog sa Yum Cha sa Hong Kong]. Culture Trip (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Hunyo 2020. Nakuha noong 6 Agosto 2020.
  27. Andrea Brown (1 Marso 2018). "Piggy buns at Fashion Dim Sum will put a smile on your face" [Mapapangiti ka sa mga piggy bun sa Fashion Dim Sum]. HeraldNet.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Enero 2021. Nakuha noong 3 Setyembre 2020.