Diperensiya ng pagkataong iskisoyd
Itsura
Schizoid personality disorder | |
---|---|
Klasipikasyon at mga panlabas na sanggunian | |
ICD-10 | F60.1 |
ICD-9 | 301.20 |
MeSH | D012557 |
Ang Diperensiya ng iskisoyd na pagkatao (Ingles: Schizoid personality disorder, pinapaiksi bilang SPD) ay isang sikiyatrikong diyagnosis kung saan ang isang indibidwal ay kinakikitaan ng isang kakulangan ng interes sa mga panlipunang relasyon, pagnanais na mamuhay na mag-isa lamang, masikreto, kawalang emosyon at kung minsan kawalang-interes sa mga bagay na sekswal. Ang mga indibidwal ding ito ay may eksklusibong pansariling mundo ng pantasya. Hindi magkatulad ang SPD at eskisoprenya, kahit may ilang katangian na magkapareho, tulad ng paglayo o kawalang emosyon (blunted effect). Matatagpuan ang skisoid na personalidad sa mga pamilya na may kasaysayan ng skisoprenya.