Pumunta sa nilalaman

Diyagramang bula ng restoran

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang diyagramang bula (Ingles: bubble diagram) ng isang restawrant ay isang flowchart na dapat makatulong sa pagpapakita ng pagkakasunod-sunod at mga ugnayan ng bawat trabaho sa isang restawrant sa isa't-isa. Ang isang layunin ng diagram na ito ay ang ipakita sa pangkalahatan ang plano ng isang aktwal ng lugar para sa isang restawrant upang maisalugar ng maayos ang bawat estasyon ng trabaho na may sapat na espasyo.

Ang mga sumusunod ay ang mga mahahalagang lugar sa isang restawrant upang ito ay tumakbo ng maayos.

1. Lugar kung saan tinatanggap ang mga kasangkapan at ibang kagamitan. (Checking in of Food Supplies) a. Dapat ito ay madaling puntahan ng mga tagapag deliver ng kasangkapan at kagamitan. b. Dapat ito ay may sapat na espasyo para sa mga malalaking track na taga deliver ng mga kasangkapan at kagamitan.

2. Bodega ng mga kasangkapan. a. Dapat mayroong lugar para sa tuyo at basang mga pagkain.

3. Lugar para sa paghahanda ng pagkain. a. Dapat may sapat na espasyo at maluwag.

4. Lutuan ng pagkain. a. Dapat malapit sa bodega. b. Dapat malapit din sa lalagyan ng mga kaldero at plato.

5. Hugasan ng mga plato at kaldero. a. Dapat may sapat na linya ng tubig na mainit at malamig.

6. Bodega ng mga plato at kaldero. a. Dapat malapit sa lutuan subalit hindi dapat ito nagiging hadlang sa daanan ng mga tauhan

7. Basurahan a. Dapat nasa likod ng restawrant kung saan ito ay hindi makikita ng mga kustomer at hindi nakaka-abala sa trabaho ng mga tauhan.

Ang isang bubble diagram ay maaring magawa sa pamamagitan ng pagkokonekta ng mga bubbles na nagpapakita ng bawat lugar ng trabaho sa pag gamit ng mga linya na nagtuturo ng direksiyon ng trabaho. Ang direksiyong ito ay kinakailangang pasulong. Sa pagawa ng isang bubble diagram, dalawang bagay ang kailangang bigyan ng pansin, ito ay ang worker flow at product flow. Ang worker flow ay ang pagkilos ng mga tao sa loob ng restawrant at sa mga kagamitan sa loob nito. Ang product flow naman ay tumutukoy sa pag galaw ng pagkain mula sa pagkakatanggap nito hanggang sa paghain nito sa mga customer ng restawrant. Ang pinakamagandang flow ng trabaho sa isang restawrant ay ang kung saan walang nasasayang na oras, espasyo at pagod sa pagluto at paghain ng pagkain. Dapat ito ay nasa tamang pagkakasunod sunod upang maiwasan ang atras-abante na trabaho at ang pagkakasalubong ng mga empleyado sa kusina at sa silid kainan ng restawrant.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.