Pumunta sa nilalaman

Diyeta

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Diyeta (Nutrisyon))

Sa nutrisyon, ang diyeta ay ang kabuuan ng pagkain na kinukunsumo ng tao o ng iba pang organismo.

Ang kaugalian sa pagkain ng isang tao ay nakabase sa kanyang habitwal na desisyon o sa kanyang kultura. Ang salitang diyeta ay madalas na nagpapahiwatig sa paggamit ng espesipikong pagkunsumo ng nutrisyon para sa kalusugan o sa pagkontrol sa timbang (na madalas magkaugnay ang dalawa). Kahit kumakain ng karne at gulay ang mga tao, ang bawat kultura at bawat nilalang ay mayroong sari-sariling kagustuhan sa pagkain. Ito ay marahil sa pansariling kagustuhan o dahil sa etikal na rason. Ang sariling pagpili ng pagkain ay maaaring ikabuti o ikasama ng katawan.

Ang kumpletong nutrisyon ay nangangailangan ng paggamit ng bitamina, mineral, at enerhiya ng pagkain sa anyo ng karbohidrata, protina, at taba. Ang kaugalian at pagpili sa pagkain ay may mahalagang tungkulin sa kalidad ng buhay, kalusugan at sa kahabaan ng buhay.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]