Diyos Anak
Itsura
Ang Diyos Anak (Griyego: Θεός ὁ υἱός) ay ang ikalawang persona sa Santatlo sa teolohiyang Kristiyano. Kinikilala ng doktrina ng Santatlo si Hesus bilang Diyos Anak, na iisa ngunit natatanging persona sa Diyos Ama at ng Diyos Espiritu Santo (ang una at ikatlong persona sa Santatlo).
Sa katuruang ito, ang Diyos Anak ay sumilang sa Ama bago pa nagkapanahon, at kagaya ng Diyos Ama (at ng Espiritu Santo), ay pawang walang hanggan, bago pa ang Paglikha at pagkatapos ng Paggunaw (tingnan ang Eskatolohiya). Para sa ilang ang itinutuon ng Anak ng Diyos ang kaniyang pagpapakatao, sapagkat ang Diyos Anak ay pangkalahatang tumutukoy sa kaniyang pagka-Diyos.