Pumunta sa nilalaman

Dominiko

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Mga dominiko
Dominikong Europeo (Pica pica)
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Mga sari

Ang dominiko (Ingles: magpie)[1] ay isang pangkat ng mga ibong may mahahabang mga buntot na matatagpuan sa buong mundo. Karaniwan sa ganitong ibon ang may makintab na itim na kulay, na may bughaw o lunting metalikong kinang. Halos kasinlaki sila ng mga uwak. Gumagawa ang dominiko ng malaking pugad sa mga palumpong o itaas ng mga punungkahoy. Kinakain ng dominiko ang halos lahat ng mga bagay, ngunit natatanging ibig ng ibong ito ang mga itlog ng ibang mga ibon at mga inakay. Maingay ang dominiko na may malakas at mabalasik na huni o panawag. Maaari rin silang maging maamo upang maging alagang ibon.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Magpie, dominiko - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. "Magpie". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa M, pahina 568.

Ibon Ang lathalaing ito na tungkol sa Ibon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.