Pumunta sa nilalaman

Donat

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Donat
Isang glaseadong hugis-singsing na donut na may lebadura
Ibang tawagDonut
UriIpiniritong Masa
Mga donat sa isang bandeha ng mga donat sa isang café
Donat

Ang donat ay isang uri ng pritong kuwarta o masa na matamis o kinakain bilang panghimagas. Ang donat ay popular sa maraming mga bansa at hinahanda sa iba't-ibang mga porma o hugis bilang isang matamis na meryenda na maaaring gawa sa bahay o binili sa panaderya, supermarket, mga pagkaing kuwadra, at prangkisadong espesyalidad na mga tindero.

Ang donat ay karaniwang malalim na pinirito mula sa isang harinang kuwarta, at karaniwang hugis-singsing o isang hugis na walang butas at madalas puno ng helatina, pasta o halaya, o napapatungan ng krema, at maaari ring maging hugis-bola ("donut hole"). Iba pang mga uri ng mga batter ay maaari ring gamitin, at iba't-ibang pansahog at pampalasa ay ginagamit para sa iba't-ibang mga klase, tulad ng asukal, tsokolate, o maple glazing. Ang doughnuts ay maaari ring isama ang tubig, pampaalsa, mga itlog, gatas, asukal, langis, mantika, at natural o artipisyal na lasa.

Ang dalawang pinaka-karaniwang uri ay ang singsing na donat at ang mga donat na may palaman, na kung saan ito ay inyektado sa mga preneserbang prutas , krema, leche flan, o iba pang mga matamis na pampalaman. Bilang kahalili, ang mga maliliit na piraso ng kuwarta ay minsan iniluluto ng may butas. Kapag prito, ang mga donat ay maaaring maging makintab na may nagtutumpang na bilang ng asukal, kinakalatan ng krema gaya ng tsokolate sa may itaas, o pinatungan na may asukal na pulbos, sprinkles, o prutas na may mga iba't-ibang disenyo gaya ng paikot, bola, esfera, pakulot, at matami pang iba. Ang mga donat ay may mga barayti tulad ng sa pastel. Ang mga donat ay madalas na sinamahan ng kape na binili sa tindahan ng donat o fast food restawran, ngunit maaari ring ipares sa gatas.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]